Amg MieMu ay nagsasagawa ng exchange exhibition na, “Ang mundo ng Japanese Armor at Weapon Armor”

MieMu 交流展「日本の甲冑(かっちゅう)・武器武具の世界」を開催しています

2018/02/27 Tuesday Kultura at Libangan

Ang Mie Prefectural General Museum (MieMu) ay kasalukuyang nagsasagawa ng exhibition na nagpapakilala ng mga armor para sa mga batalye at mga sandata tulad ng mga espada, spears, atbp na ipinasa galing sa mga bahay ng Feudal Lords sa iba’t ibang bahagi ng Japan.

Mangyaring tangkilikin ang magandang Japanese tradition na ito.

  1. Period hanggang Marso 18, 2018 (Linggo)
  2. Lugar Mie Prefectural General Museum (MieMu) 3rd Floor Exhibition Room

(Tsu City Isshindenkozubeta 3060)

  1. Horas 9:00 am – 5:00 pm (ang huling admission ay 30 minutos bago magsara)

7:00 pm tuwing Sabado, Linggo at public holidays

Close on Mondays

  1. Admission fee Libre

Para sa mga karagdagang detalye, mangyaring tignan sa Mie Prefectural General Museum website. (Japanese lamang)

http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/MieMu/88920000001_00009.htm

  1. Paano pumunta

Trasportasyong pampubliko  Train, bumaba sa Tsu Station → galing Tsu Station West Exit     Bus station no.1【Line 89】 “patungong Sogo Bunka Center” o “patungong  Yumegaoka Danchi”

→ bumaba sa “Sogo Bunka Center” (Oras ng biyahe: 5 minuto)

i-click dito para sa timetable→http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/common/content/000720534.pdf

Lakad: Mga bandang 25 minutos galing ng Tsu station west exit

Sasakyan: Mga bandang 10 minuto galing ng Ise Expressway “Tsu IC”, bandang 15 minutos galing ng “Geino IC”

Makipag-ugnayan sa

Mie Ken Sogo Hakubutsukan Mie Mu (Mie Prefectural General Museum)

〒514-0061 Mie Ken Tsu Shi Isshindenkozubeta 3060

TEL 059-228-2283 FAX 059-229-8310

E-mail: MieMu@pref.mie.jp

Tungkol sa simula ng distribusyon ng Help Card

2018/02/27 Tuesday Kultura at Libangan

ヘルプカードの配布開始について

Ang Help Card ay isang card na ginawa upang mas madali para sa mga taong may mga kapansanan at may mga sakit, na nangangailangan ng tulong at pagsasaalang-alang, upang humingi ng suporta at pag-unawa mula sa mga tao sa kanilang paligid kahit na hindi ito nakikita mula sa kanilang pisikal na anyo.

Kung makakita ka ng isang tao na may isang help card, mangyaring ibigay ang iyong upuan sa train o bus at maging mas mapagbigay sa oras ng emergency o sakuna.

Ang distribusyon ng mga help cards ay nagsimula noong Pebrero 20, 2018.

※ Para sa iba pang detalye (Japanese lamang) → Help card guide leaflet (PDF file 217KB)

Sino ang mabibigyan

Para sa mga taong may kapansanan ngunit hindi nakikita sa panlabas na anyo, para sa mga taong may sakit at nangangailangan ng pag-unawa at suporta sa kanilang kapaligiran kapag lalabas o kapag tuwing evacuation sa panahon ng isang sakuna.

 Paraan ng pag-distribute

Kung mayroong request mula sa mga nais gamitin ito, ipapamahagi namin ang mga help card sa mga partikular na lokasyon.

Hindi kinakailangan ang mga dokumentong tulad ng application form.

Lokasyon ng distribusyon

Kencho Chiiki Fukushi-ka (Prefectural Government Regional Welfare Section), Ken Kaku Fukushi Jimusho・Hokenjo (Prefectural Welfare Office ・ Public Health Center), Shogai-sha Sodan Shien Center (Persons with Disabilities Consultation Support Center), Kaku Shicho Tanto-ka Madoguchi (Municipal Town Division Contact)

Pag-download ng style

Maaari din makapa-download ng style mula sa link sa ibaba at makagawa ng isang help card.

Help Card Mie Prefecture version (published February 20, 2018 – PDF 125 KB)

Paano magagamit ang Help Card

Mangyaring tignan ang link sa ibaba. (Japanese only)

Sa mga gumagamit ng help card (PDF 100 KB)

※ Para sa mga foreign users, mangyaring isulat sa Japanese upang maintindihan ng mga Hapon

Makipag-ugnayan sa:

〒 514 – 8570 Tsushi Komei-cho 13-banchi

Mie Ken Kenko Fukushi-bu Chiiki Fukushi-ka Universal Design han (Mie Prefecture Health and Welfare Department Community Welfare Section Universal Design Team)

TEL: 059-224-3349   FAX: 059-224-3085   email: ud@pref.mie.jp