Mie Prefecture International Student Scholarship – Pagtanggap ng Scholarship para sa taong 2018 –

Marso 5, 2018 Edukasyon

Sa Mie Prefecture, upang maitaguyod ang human resources na sagana sa internasyonal na pananaw, kami ay nag-aalok ng scholarships sa mga privately financed na overseas students na nag-aaral abroad, foreign students na nag-aaral sa prefecture, at foreign students na nag-aaral sa isang medical at nursing universities sa prefecture, atbp. Ang mga nilalaman ng recruitment ng scholarship para sa 2018 ay ang mga sumusunod.

[Target at Halaga ng tulong]

Mayroong upper limit sa tuition fee ng papasukang university, ang halaga na ibibigay ay:

  1. Private Expenses   hanggang 5 International students   hanggang 1,200,000 yen kada taon (School agreement hanggang 840,000 yen kada taon)
  2. Private Expenses   hanggang 5 Foreign students  hanggang 600,000 yen kada taon
  3. Private Expense    hanggang 3 Medical / Nursing foreign students   hanggang 600,000 yen kada taon

[Mga kinakailangan sa kwalipikasyon]

  1. Privately financed na overseas international students (na nagnanais na mag-aral abroad, simula sa April 1, 2018)
    1. Sa mga mayroong address sa Mie prefecture na patuloy ng mahigit isang taon, o ang kanilang anak.
    2. Kapag ikaw ay isang foreign national at matugunan ang isa sa mga kundisyon na nakasaad sa ibaba.
      1. Sa mga tao na may alin sa residence status na “Permanent Resident”, “Spouse of Japanese, etc.”, “Spouse of Permanent Resident etc.”, “Settlers”, at mayroong address sa Mie prefecture na patuloy ng mahigit isang taon.
      2. Sa mga tao na may “Special Permanent Resident” status of residence at mayroong address sa Mie prefecture na patuloy ng mahigit isang taon.
      3. Para sa mga tao na may status of residence na katulad sa itaas.
  2. Privately financed na foreign international students na pumapasok sa universities, atbp. sa prefecture.
  3. Privately financed na foreign students na pumapasok sa doctor at nurse training institutions ng prefecture.

* Dapat ay 40 years old pababa simula sa April 1, 2018

[Panahon ng pagtanggap]

Simula Marso 5, 2018 (Lunes) hanggang Abril 20 (Biyernes) hanggang 5pm (Hindi lampas, Maaring by mail)

[Paraan ng pag-apply]

Para sa mga detalye, manyaring makipag-ugnayan sa Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan.

Pagkatapos ng Abril 1, 2018, mangyaring makipag-ugnayan sa Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Diversity Shakai Suishin-ka

Kapag ikaw ay isang foreign student, mangyaring kumunsulta sa International Student Affairs Division ng iyong university.

 

[Makipag-ugnayan sa]

Koeki Zaidanhojin   Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan

Address 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 UST-TSU 3F

TEL  059-223-5006  FAX  059-223-5007 E-mail  mief@mief.or.jp

*Simula Abril 1, 2018, makipag-ugnayan sa:

Mieken Kankyo Seikatsu-bu Diversity Shakai Suishin-ka Tabunkakyosei-han

Address 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 UST-TSU 3F

TEL  059-222-5974  FAX  059-222-5984  E-mail  tabunka@pref.mie.jp