2018 Accreditation Examination Para mapahintulutan na makumpleto ang compulsory education sa Junior High School

平成30年度 就学義務猶予免除者等の中学校卒業程度認定試験

2018/08/13 Monday Edukasyon

Ang eksaminasyon na ito ay para sa mag-aaral na dahil sa hindi inaasahang dahilan katulad ng karamdaman at iba pang dahilan ay hindi naipagpatuloy ang pag-aaral o may pahintulot na lumiban sa pagsusulit at hindi nakapagtapos ng junior high school.  Ang mga makakapasa sa eksaminasyon na ito ay maaring magpasa ng aplikasyon para makapag enrol sa High School.

Para sa mga nagnanais kumuha ng eksaminasyon na ito, kuhanin ang test guidelines ayon sa nakasaad sa ibaba at ipasa ang aplikasyon sa Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology.

  1. Paraan kung paano makakuha ngTest Guidelines
    Mie-ken Kyouiku Iinkai Jimukyoku Koko Kyouiku-ka Career Kyouiku-han
    TEL: 059-224-2913 9am-5pm, maliban nalang tuwing Sabado, Linggo at holidays
    *Mangyaring tawagan nang maagang oras kapag pumupunta upang kunin ang registration form at test guidelines.
  1. Oras at Petsa ng eksaminasyon
    10:00am – 3:40pm
    Huwebes Oktubre 27, 2018
  1. Lugar ng pagkukunan ng eksaminasyon
    Mie-ken Sakae-cho Chosha 4th floor meeting room 41 (Mie-ken Tsu-shi Sakae-cho 1-954)
  1. Mga subject ng eksaminasyon
    Japanese languageSocial StudiesMathematicsScienceForeign language (English)
  1. Panahon ng pagtanggap ng eksaminasyon
    Agosto 20, 2018 (Lunes) – Setyembre 7, 2018 (Biyernes)
    *Dapat na maipadala ang na naka-postmark sa o bago ang petsang ito.
  1. Resulta
    Ipapaalam ang resulta sa Disyembre 3, 2018 (Lunes)
    *Ang resulta ay ipapadala sa pamamagitan ng koreo, maaaring tumagal ng ilang araw upang makarating.

Mangyaring tignan. ang sumusunod na link para sa mga detalye

Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology: http://www.mext.go.jp/a_menu/shotou/sotugyo/1407097.htm

Mga inirerekomendang libangan sa Mie!

2018/08/13 Monday Edukasyon

三重県内のおすすめ海水浴場

Mayroong maraming magagandang beach na mapaglilibangan sa lalawigan ng Mie. Ipapakilala namin ang walong mga beach, simula sa hilaga ng lalawigan. Halina’t makisaya kasama ang inyong mga kaibigan at pamilya ngayong tag-init!

Mayroong iba pang mga beach na itinatampok sa website ng Mie Tourism Association (https://www.kankomie.or.jp/season/detail_72.html), maraming mga beach na ipapakilala. Mangyaring tingnan ang website (sa wikang Hapon lamang)!

* Pakikumpirma kapag magi-inquire ang tungkol sa barbecue, camping, mga oras ng pagpapatakbo ng mga establisimyento ng mga beach, at iba pang mga detalye.

 

[Suzuka]

Tsutsugaura Beach (Tsutsugaura Kaisuiyokujo)

Isang beach na may mababaw na tubig at magagandang pine trees sa puting buhangin. Sa panahon ng tag-init ang beach ay hindi lamang dinadayo ng mga bisita mula sa lalawigan kundi pati na rin ng mga tao mula sa mga rehiyon ng Chubu at Kansai.

Lugar: 〒510-0253 Suzuka-shi Jike-cho
Business Hours: Simula ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto

Toilet: Meron (libre)
Beach house: Meron
Shower: Meron (maligamgam na tubig: may bayad / malamig na tubig: libre)
Changing rooms: Meron (babayaran sa establisimyento ng beach)

Parking: May bayad (450 parking space) – Pampublikong sasakyan: ¥ 500 / Mga malalaking sasakyan: ¥ 1,600 / Mga motorsiklo: ¥ 100

Contact: 059-380-5595 (Suzuka Tourism Association)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3473.html

 

[Tsu]

Gotemba Beach (Gotemba Kaisuiyokujo)

Ang Gotemba Beach, na may malumanay na alon at puting buhangin na umaabot sa 17km, ay pinili bilang Natural Park ng Lalawigan.

Sa maraming mga establisimiyento sa beach, ang beach na ito na may masayang kapaligiran ay nagho-host ng mga tournament ng volleyball, at isang perpektong lugar upang magkaroon ng isang aktibong summer.

Lugar: Tsu-shi Fujikata
Business Hours: Sa pagitan ng Hulyo at Agosto

Toilet: Dalawa (libre)

Beach house: 8 establishments / May bayad: Matanda = ¥ 500 – Mga bata (hanggang ika 6th year ng shogakko) = ¥ 300

Shower: Meron (binabayaran sa establishment ng beach)

Changing rooms: Meron (binabayaran sa establishment ng beach)

Parking: Libre (500 parking space) / May bayad: ¥ 500 (mga 1,500 parking space)

Contact: 059-246-9020 (Tsu Tourism Association)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3470.html

 

[Matsusaka]

Matsunase Beach (Matsunase Kaisuiyokujo)

Ito ay isang beach na may kalmado na alon at mababaw na tubig na konektado sa Bay of Ise, na kilala sa pagkolekta ng mga clams at mga beach activities. Ito ay espesyal na lugar sa mga residente.

Lugar: Matsusaka-shi Matsunase-cho
Business hours: Sa pagitan ng Hunyo at Agosto

Toilet: Dalawa (libre)

Beach house: 1 establishment / Bayad: Adults = ¥ 500 – Children (hanggang ika sixth year ng shogakko) = ¥ 200

Shower: Isa (may bayad: ¥ 100), libre para sa mga taong gumagamit ng beach house

Parking: Parking: Libre (mga 600 parking space)
Contact: 0598-23-7771 (Matsusaka Tourism Association)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3494.html

 

[Ise]

Futamiura Beach (Futamiura Kaisuiyokujo)

Isang napakagandang beach na opisyal na kinikilala bilang ang lugar ng kapanganakan ng mga beach, na unang itinatag sa Japan noong 1882. Ito ay isang kumportableng beach na sikat para sa magandang tanawin at ang pinong puting buhangin.

Lugar: 〒519-0606 Ise-shi Futamichosho
Business hours: Hulyo 7 hanggang Agosto 31
Changing room: Meron (binabayaran sa establisimento ng beach)

Beach house: Meron
Cold Shower: Isa (may bayad)
Parking: May bayad (mga 150 parking space)
Contact: 0596-21-5542 (Ise Tourism Association)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3489.html

 

[Shima]

Ago Beach in Matsubara (Ago no Matsubara Kaisuiyokujo)

Ito ay isang beach na binibisita ng maraming mga turista mula sa Nagoya at sa rehiyon ng Kansai. Ang mga alon ay kalmado, ngunit posible ring mag-surf.

Nag-aalok din ang beach ng “barrier free” na suporta, para sa paggamit ng mga espesyal na cart (upuan) para sa beach, bukod sa iba pa.

Lugar: Shima-shi Ago-cho Koka
Business hours: Sa pagitan ng Hulyo 1 at Agosto 31
Toilet: dalawa (libre)
Beach house: mga 5 establishments

Shower: May bayad (¥ 300)

Parking: May bayad: ¥ 1,000 (mga 500 parking space)

Contact: 0599-45-2012 (Koka Office of the Mie Gaiwan Fishing Cooperative Association)

Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3494.html

 

[Shima]

Goza Shirahama beach (Goza Shirahama Kaisuiyokujo)

Isang beach na may malinaw na tubig, isang baybaying may mababaw na tubig at puting buhangin. Pinili para sa “Kaisuiyokujo Hyakusen” (100 beach na pinili ng Ministri ng Kapaligiran), ito ay nakakakuha ng maraming mga bisita sa panahon ng mga beach season.

Lugar: Shima-shi Shima-cho Goza
Business hours: Hulyo 1 hanggang Agosto 31
Toilet: Isa (libre)
Beach house: mga 7 locations
Shower: mga 7 (may bayad simula sa ¥ 200)
Parking: May bayad: ¥1.000 (mga 470 parking space)
Contact: 0599-88-3326 (Goza Shirahama Tourism Association)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3493.html

 

[Kihoku cho]

Jounohama beach (Jounohama Kaisuiyokujo)

Leisure beach na matatagpuan sa loob ng Kumano Rinkai Park, isang cove na may malumanay na alon. May malapit na camping site sa lugar.

Lugar: Kitamuro-gun Kihoku-cho Higashinagashima 3043-4
Business hours: kalagitnaan ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto (hindi pa sigurado ang petsa)

Mayroong mga beach establishments sa panahon ng pagbubukas ng beach (shower na may mainit na tubig, coin locker, pag-upa ng mga bagay, pagbebenta ng pagkain)
Parking: May bayad
Contact: 0597-47-5371 (MAC Magotaro Auto Camp)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3497.html

 

 [Owase]

Mikisato beach (Mikisato Beach)

Isang beach na may mababaw na tubig at puting mga buhangin na may 1km ang haba. Sa tag-init mayroong maraming mga bisita at mga mangangalakal mula sa mga rehiyon ng Chukyo at Kansai. Mayroon ding beach volleyball tournaments at beach kayak.

Lugar: Owase-shi Mikisato-cho
Business hours: Simula ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto
Toilet: Lima
Beach house: Isa (minsan nauubusan ng establishment sa beach)
Shower: Dalawa
Parking: May bayad: ¥1.000 (mga 300 parking space)
* Maaaring makapag barbecue (¥ 1,500 para as isang lugar) at mag set up ng tent / camping (¥ 2,500 kada tent)
Contact: 0597-28-3046 (Mikisato Region Tourism Association)
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3474.html