Paturukan ang inyong aso ng rabies preventive injection

飼い犬に狂犬病予防注射を受けさせましょう

2018/04/05 Thursday Kalusugan at kapakanan

Ang rabies ay nakakaapekto hindi lamang sa mga aso kundi pati sa mga tao at iba pang mga hayop, at kapag ito ay lumala, ito ay halos 100% na nakamamatay. Humigit-kumulang 55,000 katao ang namatay sa rabies bawat taon sa buong mundo.

Ang dog rabies preventive injections ay isinagawa tuwing Abril sa bayan at lungsod ng prefecture. Kung ikaw ay nagmamay-ari ng aso, mangyaring tignan ang iskedyul, sa pampublikong impormasyon atbp ng lungsod kung saan ka nakatira, at siguraduhin na ang iyong aso ay makatanggap ng rabies preventive injection. Maaari ka ring pumunta sa isang animal veterenary hospital para sa preventive injection.

Mangyaring sundin ang mga sumusunod na tungkulin na itinakda ng batas sa pag-iwas sa rabies para sa mga may-ari ng aso.

1  Ipa-rehistro ang iyong aso

2  Paturukan ang inyong aso ng rabies preventive injection

3  Ikabit ang rehistro ng aso (registration cards) at injected votes (pruweba ng pagtanggap ng injections) sa colar ng aso

* Ang injection at ang pagpapa-rehistro ay may bayad.

Para sa iskedyul ng rabies prevention at mga pamamaraan tulad ng pagpaparehistro, mangyaring kumunsulta sa tanggapan ng iyong lungsod / bayan.

 

※Sanggunian※ Tungkol sa Rabies(handog ng Kosei Rodosho)

http://www.mhlw.go.jp/bunya/kenkou/kekkaku-kansenshou10/

Recruitment ng mga aktibidad para sa Mie International Week 2018

2018/04/05 Thursday Kalusugan at kapakanan

「みえ国際ウィーク2018」 取組の募集

Ang “Mie International Week 2018” ay gaganapin simula sa Mayo 19, 2018 (Sabado) hanggang Hunyo 3 (Linggo). Sa panahon na nakasaad sa itaas, kami ay naghahanap ng mga munisipalidad, kumpanya, organisasyon, atbp. na makakagawa ng mga pang-internasyonal na aktibidad tulad ng ipapaliwanag sa ibaba. Mangyaring mag-apply.

Ano ang Mie International Week

Upang maugnay ang mga karanasan ng Summit sa pagsasanay at tagumpay ng global talent sa prefecture, ang Mie International week ay nakatakda dalawang linggo bago at pagkatapos ng Mayo 26 at 27, ito ay ang petsa na gaganapin ang Summit at nagnanais na mabigyan ng pansin ang mga internasyonal na aktibidad.

Mga kalahok (Organisasyon)

Mga munisipalidad, kumpanya, organisasyon, atbp., ng prefecture (kasama na ang mga individual business owners) na nakikibahagi sa internasyonal na mga gawain tulad ng international exchange at international contribution.

 Panahon ng recruitment

Hanggang Junyo 1, 2018 (Biyernes)

(Ang maagang makakapag-apply ay mauunang mapo-post sa homepage)

 Halimbawa ng mga nilalaman ng aktibidad

  • Magsasagawa ng mga festivals na nagpapakilala ng mga sayaw at awit mula sa buong mundo.
  • Magkakaroon ng mga lecturers na may karanasan sa ibang bansa bilang mga lecturer at alamin ang tungkol sa mga pagkakaiba sa pagitan ng ibang bansa at Japan atbp.

Para sa mga detalye at application forms atbp., Mangyaring tignan ang sumusunod na URL. (Japanese only)

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0030300125.htm

Aplikasyon / Mga katanungan

Mie Prefecture Employmet Economics Department International Strategy Division International Planning Team

TEL: 059-224-2844 / FAX: 059-224-3024

Application · Inquiries

Mie-ken Koyo Keizai-bu Kokusai Senryaku-ka Kokusai Kikaku-han

TEL: 059-224-2844 / FAX: 059-224-3024

E-mail:kokusen@pref.mie.jp

Click here for the flyers (pdf) →

http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000767563.pdf