Recruitment ng mga aktibidad para sa Mie International Week 2018

「みえ国際ウィーク2018」 取組の募集

2018/03/12 Monday Kultura at Libangan

Ang “Mie International Week 2018” ay gaganapin simula sa Mayo 19, 2018 (Sabado) hanggang Hunyo 3 (Linggo). Sa panahon na nakasaad sa itaas, kami ay naghahanap ng mga munisipalidad, kumpanya, organisasyon, atbp. na makakagawa ng mga pang-internasyonal na aktibidad tulad ng ipapaliwanag sa ibaba. Mangyaring mag-apply.

Ano ang Mie International Week

Upang maugnay ang mga karanasan ng Summit sa pagsasanay at tagumpay ng global talent sa prefecture, ang Mie International week ay nakatakda dalawang linggo bago at pagkatapos ng Mayo 26 at 27, ito ay ang petsa na gaganapin ang Summit at nagnanais na mabigyan ng pansin ang mga internasyonal na aktibidad.

Mga kalahok (Organisasyon)

Mga munisipalidad, kumpanya, organisasyon, atbp., ng prefecture (kasama na ang mga individual business owners) na nakikibahagi sa internasyonal na mga gawain tulad ng international exchange at international contribution.

 Panahon ng recruitment

Hanggang Junyo 1, 2018 (Biyernes)

(Ang maagang makakapag-apply ay mauunang mapo-post sa homepage)

 Halimbawa ng mga nilalaman ng aktibidad

  • Magsasagawa ng mga festivals na nagpapakilala ng mga sayaw at awit mula sa buong mundo.
  • Magkakaroon ng mga lecturers na may karanasan sa ibang bansa bilang mga lecturer at alamin ang tungkol sa mga pagkakaiba sa pagitan ng ibang bansa at Japan atbp.

Para sa mga detalye at application forms atbp., Mangyaring tignan ang sumusunod na URL. (Japanese only)

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0030300125.htm

Aplikasyon / Mga katanungan

Mie Prefecture Employmet Economics Department International Strategy Division International Planning Team

TEL: 059-224-2844 / FAX: 059-224-3024

Application · Inquiries

Mie-ken Koyo Keizai-bu Kokusai Senryaku-ka Kokusai Kikaku-han

TEL: 059-224-2844 / FAX: 059-224-3024

E-mail:kokusen@pref.mie.jp

Click here for the flyers (pdf) →

http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000767563.pdf

Kami ay gumawa ng “Communication Support Board”

2018/03/12 Monday Kultura at Libangan

三重県立図書館からのお知らせ 「コミュニケーション支援ボード」を作成しました

Gumawa ang Mie prefectural library ng “Communication Support Board” upang ang mga taong may kapansanan at mga dayuhan ay madaling makakagamit ng library. Sa paggamit nito, maaaring mapahiwatig kung ano ang gustong gawin sa library na gamit lamang ang mga daliri.

Ang “Communication support board” ay nakasulat sa wikang English, Portuguese, Spanish at Chinese, na idinagdag sa larawan at Japanese. Huwag mag-atubiling gamitin ang Prefectural Library.

Mga Kaugnay na Links ng Prefectural Library

AddressContact:

Mie Ken Ritsu Toshokan

〒914-0061 Mie-ken Tsu-shi Isshindenkozubeta 1234

Email: mie-lib@library.pref.mie.jp

TEL: 059-233-1180 FAX: 059-233-1190