[2019-H31] Highschool Graduate Certification Test

平成31年度 高等学校卒業程度認定試験

2019/04/03 Wednesday Edukasyon

Ang mga nakapasa ay makakakuha ng sertipiko na magpapatunay na maari na silang kumuha ng entrance exam para mapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, junior college at vocational course. At dahil ang hawak nilang sertipikasyon na katulad sa mga nakapagtapos ng senior highschool, maari nila itong gamitin bilang kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho at ibang pang pagsusulit. Kapag ninanais na kumuha ng examinasyon, mangyaring sundin ang mga sumusunod sa pagkuha ng examination guide at ipasa ang aplikasyon.

(Babala)

Ang pagpaparehistro sa eksaminasyon na ito ay bukas sa lahat ng mga taong nasa edad na 16 na taon o pataas pagdating ng Marso 31, 2020. Subalit, ang pinaka-final academic qualification ay hindi pang high school graduate.

  1. Panahon ng pagbibigay ng gabay tungkol sa pagkuha ng eksaminasyon

Ika-1: Simula Abril 8 (Lunes) hanggang Mayo 15 (Miyerkules)

Ika-2: Simula Hulyo 19 (Biyernes) hanggang Setyembro 12 (Huwebes)

  1. Paraan kung paano makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsusulit
    1. Kung nais kuhanin ng direkta ang guidelines
      ‐Maaring kumunsulta sa Kenmin no Koe Sodan-Shitsu “Voice of the Citizen Consultation Room” (Prefectural Office Building 1st floor)
      ‐Mie Ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyoiku Bunkazai Hogo-ka (Mie Prefecture Board of Education Secretariat Social Education / Cultural Property Protection Division) (Prefectural Office Building 7th floor)
      ‐Ken’nai Kakuken Chosha (Prefectural branch office) (para sa detalye, tingnan ang (Juken Annai Basho Ichiran) (Listahan kung saan namamahagi ng guidelines)
    2. Kapag magre-request sa pamamagitan ng internet o telephone
      Mangyaring siyasatin sa kaugnay na link→「Internet de siyaku no baai」(Pagrequest sa internet)
  1. Paraan ng pagpasa
    Kalakip sa examination guidelines ang gagamiting sobre na susulatan at ipapadala sa post office naka-address sa Ministry of Education, Health and Sports.
  1. Panahon ng pagtanggap ng aplikasyon

Ika-1: Abril 26, 2019 (Biyernes) hanggang Mayo 15 (Miyerkules)

Ika-2: Augusto 29, 2019 (Huwebes) to Setyembre 12 (Huwebes)

※Ang mga applications nan aka-postmark simula sa ika-1 May 15 (Miyerkules) ay tatanggapin, Ika-2 hanggang Setyembro 12 (Huwebes).

  1. Araw ng Test

Ika-1: Augusto 6, 2019 (Martes), Augusto 7 (Miyerkules)

Ika-2: Nobyembre 9, 2019 (Sabado), Nobyembre 10 (Linggo)

  1. Lugar ng test

Ika-1: Mie Daigaku (Tsu-shi Kurima-machi Ya-cho 1577)

Ika-2: Mie Ken Tsu Chosha (Tsu-shi Sakurabashi 3-446-34)

Para sa mga katanungan: (Japanese Only)

Mie Ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyoiku Bunkazai Hogo-ka (三重県教育委員会事務局 社会教育・文化財保護課)
〒514-8570 Tsu Shi Komei Cho 13
TEL: 059-224-3322
8:30am hanggang 5:15pm (Weekdays)

Para sa mga karagdagang impormasyon, mangyaring tignan ang link sa ibaba:

Monbukagakusho (MEXT- 文部科学省)
→ http://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/shiken/index.htm

Mie Ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku (三重県教育委員会事務局)
→ http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0046300089.htm

Ang bagong status of residence “Specified Skilled Worker” ay ipapatupad na mula April 1, 2019

2019/04/03 Wednesday Edukasyon

新しい在留資格「特定技能」が2019年4月1日からスタートします

Mula ika-1 ng Abril 2019, upang malutas ang malubhang sitwasyon sa kakulangan ng manggagawa, ang isang bagong status of residence “Specified Skilled Worker” ay inilikha bilang isang sistema upang tumanggap ng mga dayuhan na mayroong mataas na level of expertise at skills at magiging isang malaking tulong sa industriya. Mayroong dalawang klase ng “Designated Skilled Labor”, ang No. 1 at No. 2. Sa oras na ito, ipapaalam lang namin sa inyo ang tungkol sa No. 1 dahil ang No. 2 ay nakatakda pang magsimula sa taong 2021.

<Pangunahing tampok ng Specified Skilled Worker 1>

  1. Description ng negosyo: 14 na partikular na industriya.
    * Mangyaring tingnan ang p. 3 dito para sa iba pang detalye.
  2. Period of stay: Kabuuan ng hanggang sa 5 taon
    *Kinakailangang i-renew ang kwalipikasyon bawat isang taon, anim na buwan o apat na buwan.
  3. Skill level: Makukumpirma sa pamamagitan ng examination, atbp.
    * Ang mga nakatapos na sa Training Skills No. 2 ay exempted.
  4. Level ng Japanese Language Proficiency: Susuriin ang kasanayan sa wikang Hapon na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay at trabaho.
    * Ang mga nakatapos ng Training Skills No. 2 ay exempted.
  5. Edad: 18 taong gulang at pataas
  6. Pagsama ng pamilya: karaniwan ay hindi posible

*Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang website ng Ministry of Justice sa ibaba. (Japanese only)
http://www.moj.go.jp/nyuukokukanri/kouhou/nyuukokukanri01_00127.html

*Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon o nais na kumunsulta, mangyaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Immigration Bureau.

Source: Leaflet na tumutukoy sa status of residence ng Ministry of Justice “Specified Skilled Worker”
Nilikha ayon sa: http://www.moj.go.jp/content/001290040.pdf