Consultation desk para sa mga dayuhang residente

外国人住民のための相談窓口

2019/01/23 Wednesday Anunsyo

Nagtatag ang Mie Prefecture ng isang consultation desk para sa mga dayuhang residente. Kung mayroon kang anumang mga problema, mangyaring sumangguni sa sumusunod na consultation desk (Japanese, Portuguese, Spanish, English). Gayundin, mangyaring gamitin ang consultation agency ng prefecture at support system tungkol sa suporta sa pamumuhay sa kahirapan.

Impormasyon tungkol sa consultation desk para sa mga dayuhang residente

Japanese version

Portuguese version

Spanish version

English version

Mie-ken Rodo Sodan-shitsu Homepage

http://www.pref.mie.lg.jp/oshigoto/09693012940.html

Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan Homepage

http://www.mief.or.jp/jp/helpdesk.html#tagengo

Mga organisasyon ng konsultasyon at mga sistema ng suporta ng mga prefecture tungkol sa mga taong kulang sa suporta (Japanese only)

Listahan ng mga organisasyon ng konsultasyon

Listahan ng mga scheme ng suporta

Ano ang isang Kontrata? ~Alamin ang mga pangunahing kaalaman ng isang kontrata~

2019/01/23 Wednesday Anunsyo

契約とは? ~契約の基礎知識を知ろう~

Sa pamamagitan ng paggastos ng pera sa ating pang-araw-araw na buhay, nakakabili tayo ng pagkain at damit, pang-araw-araw na kagamitan, kagamitan sa bahay, kotse, paggamit ng iba’t ibang mga serbisyo, atbp. Ito ay tinatawag na buhay ng mamimili.

Sa video na ito, malalaman natin ang tungkol sa pangunahing kaalaman sa kontrata upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa mga mamimili.

Alin sa mga sumusunod ang naaangkop sa isang kontrata?

  1. Pag-renta ng apartment
  2. Pag-gupit ng buhok sa barber shop
  3. Pagbili ng ticket at pagsakay ng tren
  4. Manood ng pelikula sa isang sinehan

 Sa totoo lang, lahat ng ito ay itinuturing na naangkop sa isang kontrata.

Kung magkakasundo sa mga nilalaman at presyo ng mga kalakal, oras ng delivery, atbp. sa pagitan ng mga mamimili (mga customer) at mga negosyo (mga distributor) sa pamamagitan ng paggamit ng mga trading at serbisyo ng mga produkto, ang mga kontrata ay maaari ring gawin sa salita.

Ang kontrata ay para sa pagpapanatili ng katibayan ng kung anong uri ng kasunduan kapag ito ay naiiba mula sa ipinangako na nilalaman, ang pag-sign nito ay nangangahulugang sumasang-ayon ka sa lahat ng nakasulat na nilalaman ng kontrata, kaya suriin natin ang mga nilalaman ng kontrata nang mabuti bago lagdaan o tatakan ng name stamp.

Kinakailangang maging maingat dahil ang kontrata ay isang “pangako ng mga legal na pananagutan”. Sa kaso ng isang kontrata ng benta para sa mga kalakal, ang karapatan upang makatanggap ng pagbabayad at ang obligasyon upang makapaghatid ng mga produkto sa mga customer ay para sa side ng nagbebenta, at para naman sa side ng mamimili ay ang “karapatan na makatanggap ng mga kalakal” at “obligasyon na bayaran ang halaga ng kalakal.”

Kung ganon, sa anong kaso maaari mong kanselahin ang kontrata?

Alin sa mga sumusunod ang maaari mong ibalik o palitan?

  1. Noong pagbukas ng kahon, iba ang nakalagay keysa sa na order kong produkto
  2. Bumili ako ng damit, ngunit hindi ko gusto ang kulay
  3. Bumili ako ng isang prefabricated na bookshelf, ngunit wala ang ibang mga parts na dapat na nandoon.
  4. Ang mga produkto na binili ko ay ibinebenta sa mas murang presyo sa iba pang mga tindahan

Ang number 1 at 3 lamang ang maaaring ibalik o palitan.

Kapag ikaw ay nakipag-kontrata upang bumili ng produkto, ang nagbebenta ay walang obligasyon na tumugon sa mga pagbabalik / pagpapalit ng mga produkto , maliban kung ito ay isang misdelivery na nakasaad sa number 1 o may sira o kulang ang item na nakasaad sa number 3.

Gayunpaman, sa mga sumusunod na kaso, ang kontrata ay maaaring kanselahin:

  1. Sa kaso ng pagsang-ayon sa kontrata dahil sa pandaraya o pananakot
  2. Kapag ang isang menor de edad o isang tao na walang kakayahang umintindi ay nakipag-kontrata
  3. Kung ang kontrata ay hindi natupad (tuwing may default)
  4. Kapag mayroong isang depekto sa produkto (warranty laban sa depekto)
  5. Kapag natuon ito sa ilalim ng cooling-off system
  6. Kapag nakarating sa isang kasunduan na kanselahin ang kontrata sa isa’t isa

Sa ibang mga kaso, maaari mong ma-kansela ang kontrata batay sa “Consumer Contract Law”.

*Impormasyon tungkol sa Consumer Contract Law:

http://mieinfo.com/tl/nilalaman/anunsyo/shouhisha-keiyakuho-ni-tsuite-fi/index.html

At panghuli, alamin natin ang tungkol sa mga kontrata na ginawa ng isang menor de edad.

Ang mga menor-de-edad na may kaunting karanasan at pumasok sa isang kontrata na walang pahintulot ng mga legal representatives (mga guardians katulad ng mga magulang)

Sa kasong ito posible upang kanselahin ang kontrata. Ito ay tinatawag na “pagkansela sa isang minor contract”

Alin sa mga sumusunod na kontrata na ginawa ng mga menor de edad ang maaaring kanselahin?

  1. Binayaran ang kontrata gamit ang maliit na halaga ng allowance
  2. Nagsinungaling tungkol sa kanilang edad noong pumasok sa isang kontrata
  3. Nilagdaan at tinatakan ang portion para sa mga magulang nang walang pahintulot
  4. Kung may asawa ngunit wala pa din sa hustong gulang

Ang mga ito ay mga bagay na hindi maaaring kanselahin.

Ang 3 mga kundisyon sa ilalim kung saan ang mga menor de edad ay maaaring kanselahin ay ang mga sumusunod.

  1. Ang edad ng nasa kontrata ay wala pang 20 taong gulang
  2. Ang nag kontrata ay walang asawa
  3. Kung ang mga legal representatives (guardians tulad ng mga magulang) ay hindi sumasang-ayon

Kung ang paggastos sa labas ng hanay ng malayang magagamit na allowance ng pera na pinahihintulutan ng isang legal na kinatawan o kapag ang isang menor de edad ay tinatakan ng name seal o linagdaan ang patlang ng mga magulang nang walang pahintulot katulad ng ika-3 halimbawa upang makakuha ng pahintulot mula sa mga magulang, ito ay mahirap na kanselahin.

Sa kasalukuyang panahon, iba’t ibang mga bagong produkto at maginhawang serbisyo ay lumilitaw nang sunod-sunod. Salamat sa mga ito, ang ating buhay ay nagiging mas komportable at masagana. Gayunpaman, sa parehong oras, ang iba’t ibang mga bagong problema sa consumer ay nagaganap din.

Hangga’t patuloy tayong bumibili ng mga produkto, ang sinumang tao ay maaaring makaranas ng mga problema sa pamimili.

Sa sandaling nasangkot sa mga problema sa consumer, maaaring tumagal ng maraming oras at pagsisikap upang malutas ito, o maaaring mahirapan ng malutas ito.

Upang ang mga mamimili ay magkaroon ng kapayapaan ng isip, mahalaga na malaman muna at intindihing mabuti ang mga kontrata upang maiwasan ang mga problema sa mga mamimili.