(2019) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente 2019年 外国人住民向けの消費者被害防止研修会の参加者を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/01/21 Monday Anunsyo Ang proporsyon ng mga dayuhang naninirahan sa Mie Prefecture ay mataas sa lahat ng mga residente, ang mga dayuhan na namamalagi at permanenteng residente ay lalong dumadami. Sa sitwasyong ito, dumadami din ang kaso na kung saan nasasangkot sa mga problema sa pamimili. Dahil dito, magkakaroon kami ng mga workshop sa mga lugar kung saan maraming mga dayuhang residente, at susuportahan namin upang makapamuhay ng ligtas at may seguridad. Petsa at oras: Sabado, Pebrero 16 (2019) – 10:10am hanggang 11:10am (simula ng pagtanggap 9:50am) Venue: Matsusaka-shi Kodomo Shien Kenkyu Center (Matsusaka City Children’s Support Research Center) – 2nd Floor Meeting Room (Matsusaka City Kawai-Cho 690-1) Tema: Protektahan ang iyong sarili mula sa problema sa kontrata! Lecturer:Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi (Mie Prefecture Environment Living Division) ・ Koutsu Anzen-ka Shouhi Seikatsu Center-han (Traffic Safety Section Consumer Life Center) Mga nilalaman ng pagsasanay: Mga paliwanag tungkol sa consumer damage prevention na gamit ang multilingual brochure, case example gamit ang DVD, Q & A atbp. ※Mayroon kaming mga interpreter sa Portuguese, Espanyol, Pilipino, Ingles at Chinese. Mga kalahok: Mga dayuhang residente ng Mie Prefecture at ang mga involve sa pagtulong sa mga dayuhang residente. Bilang ng mga tao: 30-katao (First come first served basis) Participation fee: Libre Paraan ng pag-apply Mangyaring punan ang application form sa likod ng leaflet at ipadala sa Mie International Exchange Foundation sa pamamagitan ng fax oe-mail hanggang Pebrero 8 (Huwebes). Application / Inquiries Koeki Zaidan Hojin Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan (Foundation Mie International Exchange Foundation) Person in charge: Okumura (奥村) and Ikari (猪狩) 〒514-0009 Tsu Shi Hadokoro Machi 700 Ast Tsu 3F Tel: 059-223-5006 Fax: 059-223-5007 Email: mief@mief.or.jp Homepage: http://www.mief.or.jp/ Para sa Flyers i-click dito Sponsor: Mie Prefecture Project implementation (Trustee) – Koeki Zaidan Hojin Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan (Mie International Exchange Foundation – MIEF) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mag-ingat sa mga problema sa virtual currency Ano ang isang Kontrata? ~Alamin ang mga pangunahing kaalaman ng isang kontrata~ » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat sa mga problema sa virtual currency 2019/01/21 Monday Anunsyo 仮想通貨に関するトラブルに注意しましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang mga problema na may kaugnayan sa tinatawag na “virtual currency” na kung saan ay kinakalakal ito sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Internet ay lalong tumataas. Mayroon ding mga kaso kung saan ang mga problema ay sanhi ng pag-invest na kaugnay ang virtual exchange ng pera. Alamin ang tungkol sa mga punto upang malaman kapag ginagamit ang virtual currency upang hindi magkaroon ng problema. Pangunahing mga punto na dapat nating malaman Ang virtual currency ay hindi isang “legal currency” na tinitiyak ng bansa ang halaga tulad ng Japanese yen at dolyar. Ito ay isang elektronikong data na ipinagpapalit sa Internet. Maaaring magbago ang presyo ng pera at mag fluctuate. May posibilidad na ang presyo ng mga virtual currency ay bumaba at matalo. Ang mga virtual currency exchanger ng Japan ay dapat na nakarehistro sa Financial Services Agency / Finance Bureau. Mangyaring kumpirmahin mula sa sumusunod na URL kung sila ay isang rehistradong operator ng negosyo. https://www.fsa.go.jp/menkyo/menkyoj/kasoutuka.pdf Kapag makikipag-deal gamit ang virtual currency, siguraduhin na lubos na maunawaan ang description ng negosyo at mga panganib (panganib ng pagbabagu-bago ng presyo, panganib sa seguridad ng cyber, atbp.). Consultation window para sa mga magrereklamo Consumer hotline TEL: 188 *Kung kayo ay tatawag, makakarinig ng announcement at idederekta kayo sa inyong lokal na municipal consumption consultation counter o sa Mie-ken Shohi Seikatsu Center Source:Consumer Agency “Beware of troubles regarding virtual currency! “消費者庁「仮想通貨に関するトラブルにご注意ください!」 http://www.caa.go.jp/policies/policy/consumer_policy/caution/caution_001/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp