Mag-ingat sa mga problema sa virtual currency 仮想通貨に関するトラブルに注意しましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2019/01/18 Friday Anunsyo Ang mga problema na may kaugnayan sa tinatawag na “virtual currency” na kung saan ay kinakalakal ito sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Internet ay lalong tumataas. Mayroon ding mga kaso kung saan ang mga problema ay sanhi ng pag-invest na kaugnay ang virtual exchange ng pera. Alamin ang tungkol sa mga punto upang malaman kapag ginagamit ang virtual currency upang hindi magkaroon ng problema. Pangunahing mga punto na dapat nating malaman Ang virtual currency ay hindi isang “legal currency” na tinitiyak ng bansa ang halaga tulad ng Japanese yen at dolyar. Ito ay isang elektronikong data na ipinagpapalit sa Internet. Maaaring magbago ang presyo ng pera at mag fluctuate. May posibilidad na ang presyo ng mga virtual currency ay bumaba at matalo. Ang mga virtual currency exchanger ng Japan ay dapat na nakarehistro sa Financial Services Agency / Finance Bureau. Mangyaring kumpirmahin mula sa sumusunod na URL kung sila ay isang rehistradong operator ng negosyo. https://www.fsa.go.jp/menkyo/menkyoj/kasoutuka.pdf Kapag makikipag-deal gamit ang virtual currency, siguraduhin na lubos na maunawaan ang description ng negosyo at mga panganib (panganib ng pagbabagu-bago ng presyo, panganib sa seguridad ng cyber, atbp.). Consultation window para sa mga magrereklamo Consumer hotline TEL: 188 *Kung kayo ay tatawag, makakarinig ng announcement at idederekta kayo sa inyong lokal na municipal consumption consultation counter o sa Mie-ken Shohi Seikatsu Center Source:Consumer Agency “Beware of troubles regarding virtual currency! “消費者庁「仮想通貨に関するトラブルにご注意ください!」 http://www.caa.go.jp/policies/policy/consumer_policy/caution/caution_001/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mga impormasyon tungkol sa malicious websites at overseas online shopping (2019) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente » ↑↑ Next Information ↑↑ Mga impormasyon tungkol sa malicious websites at overseas online shopping 2019/01/18 Friday Anunsyo 海外ネット通販 悪質なウェブサイトの情報 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Consumer Affairs Agency ay nag-publish ng mga website na pinaghihinalaang ng pandaraya pati na rin ang pagbebenta ng mga pekeng kalakal (panlilinlang sa pamamagitan ng pagsabi na tunay ang mga pekeng mga bagay) sa mga mail order site at overseas mail order website. Kung kayo ay hindi kampante tuwing bibili ng mga item sa pamamagitan ng online mail order, pakitingnan kung sila ay nasa listahan. Listahan ng mga malicious websites * i-click ang “malicious website list” 「悪質なウェブサイト一覧」 http://www.caa.go.jp/policies/policy/consumer_policy/caution/internet/#m03 Gayunpaman, mangyaring magkaroon ng kamalayan na hindi lahat ng mga malisyosong website ay nakalista sa listahang ito. Tungkol sa kung paano matukoy ang mga malisyosong website, i-click dito Consultation window para sa mga nabiktima na mga mamimili Consumer Hotline TEL: 188 ※Kung kayo ay tatawag, makakarinig ng announcement at idederekta kayo sa inyong lokal na municipal consumption consultation counter o sa Mie-ken Shohi Seikatsu Center Source: Consumer Agency Website on internet consumer trouble http://www.caa.go.jp/notice/caution/internet/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp