Nakagawa ng (4 na videos in total) ng Road Safety Awareness Video 交通安全啓発動画(全4編)を制作しました Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2024/12/04 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan Ang Mie Prefecture ay lumikha ng mga video ng kamalayan sa apat na paksa, kabilang ang pagpuksa sa pagmamaneho ng lasing at paghinto ng mga sasakyan sa harap ng mga pedestrian. Mapapanood ang mga video sa website ng prefecture (sa wikang Japanese lamang). Dapat igalang ng bawat isa sa atin ang mga patakaran sa trapiko at magsikap na maiwasan ang mga aksidente. Kasaysayan ng Kaligtasan ng Trapiko ng Mie Prefecture (apat na video ng kamalayan sa kaligtasan ng trapiko) Pagpuksa ng pagmamaneho ng lasing (na-upload noong Nobyembre 22, 2024) “Bakit ako pinagmulta noon?” Pagkatapos ng isang proyekto, napakasaya ko sa natamong tagumpay at nais kong magdiwang. ‘Isang inumin lang, ayos na ako!’ Iyon ang naisip ko, ngunit pagkatapos ay nakaramdam ako ng antok… Huwag uminom at magmaneho na iniisip na maayos ang lahat. Masyadong mataas ang magagastos at magiging huli na ang lahat para pagsisihan ito. Dapat palaging tandaan ng mga driver, “Hindi ako dapat uminom at magmaneho!”, at ang mga tao sa kanilang paligid ay hindi dapat pahintulutan ang sinuman na magmaneho ng lasing. Magtulungan tayong lahat para makamit ng Mie Prefecture ang zero drunk driving. Ang Mie Prefecture Zero Drunk Driving Ordinance ay nag-aatas sa mga lasing na driver na sumailalim sa isang medikal na eksaminasyon upang suriin ang pagdepende sa alkohol. Pedestrian Crossing (na-upload noong Disyembre 12, 2024) ‘Ito ay dapat na maging isang mahusay na biyahe’. Sa isang bakasyon sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, ako ay nagmamaneho nang bukas ang isip at hindi maiwasang tumingin sa tanawin sa labas. Pagtingin ko sa unahan, may nakita akong pedestrian na tumatawid na walang traffic lights… Ang Artikulo 38 ng Road Traffic Act ay nagsasaad na ang mga pedestrian ay may priyoridad sa mga tawiran ng pedestrian. Kapag papalapit sa tawiran ng pedestrian nang walang mga ilaw ng trapiko, ang mga driver ay dapat magpatuloy sa bilis na nagpapahintulot sa kanila na huminto kaagad bago ang pagtawid, maliban kung walang mga pedestrian na nakikitang nagtatangkang tumawid, at dapat na huminto bago ang pagtawid kung may mga pedestrian na tumatawid o nagtatangkang tumawid. Mga matatandang pedestrian (na-upload noong Enero 3, 2025) ‘Sigurado akong magiging okay ako.’ Sa aking pag-uwi mula sa aking pang-araw-araw na pagtakbo, naisip ko, “Hindi ako nag-aalala tungkol sa mga aksidente sa trapiko.” Alam kong labag ito sa mga patakaran, ngunit dumaan ako sa karaniwang shortcut… Ang katotohanan ay ang ilang mga pedestrian at siklista na namatay o nasugatan sa mga aksidente sa trapiko ay lumabag sa batas, tulad ng pagtawid sa labas ng mga tawiran o hindi pag-check para sa kaligtasan. Tiyaking susundin mo ang mga patakaran sa trapiko at iwasan ang anumang panganib sa iyong sarili, ibang mga naglalakad, at mga motorista. Mga helmet ng bisikleta (na-upload noong Enero 22, 2025) ‘Nakakaabala magsuot ng helmet, kahit na naka-bike ako’ Napa-abala magsuot ng helmet na hindi rin sinusuot ng iba…. Sa aking karaniwang ruta papunta sa paaralan, nakita ko ang isang kulay silver na kotse sa aking harapan… Mula noong Abril 2023, ipinag-uutos sa lahat ng henerasyon na magsuot ng helmet kapag nagbibisikleta. Ipinapakita ng data na ang rate ng pagkamatay para sa mga hindi nagsusuot ng helmet ay humigit-kumulang dalawang beses kaysa sa mga nagsusuot ng helmet. Upang maprotektahan ang iyong sariling buhay, mangyaring magsuot ng helmet ng bisikleta. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班) Phone number: 059-224-2410 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mie Prefecture Multicultural Coexistence Symposium Mangyaring makipagtulungan sa aming survey (Survey para sa awareness ng mga Foreign residente ng Mie Prefecture) » ↑↑ Next Information ↑↑ Mie Prefecture Multicultural Coexistence Symposium 2024/12/04 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan 「みえ多文化共生シンポジウム」を開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Itinalaga ng Mie Prefecture ang Enero bilang “Mie Prefecture Multicultural Awareness Month” upang hikayatin ang mga Japanese at dayuhang residente na kilalanin ang pagkakaiba ng isa’t isa sa pamumuhay at kultura at sama-samang bumuo ng komunidad. Bilang bahagi ng mga pagsisikap na ito, ang Mie Prefecture Multicultural Coexistence Symposium ay gaganapin tulad ng sumusunod. Inaanyayahan ang lahat na dumalo. Hiindi kailangang magpaunang rehistro. Ang paglahok ay libre. Inaasahan ng prefecture ang iyong pakikilahok. Petsa at oras Enero 12, 2025 (Linggo), 1:00 p.m. hanggang 3:00 p.m. Lugar Mie Multipurpose Hall, Mie Prefectural Cultural Center (Mieken Sogo Bunka Center – 三重県総合文化センター) Tsu-shi Isshindenn Kouzubeta 1234 (津市一身田上津部田1234) Programa (1) Opening speech 13:00-13:10 (2) Key note speech 13:10-14:00 Paksa: “Mamuhay na ayon sa iyong mga pangarap” Tagapagsalita: Jessica Oyama (Teacher at Hisai High School, Mie Prefecture) (3) Panel discussion 14:00-15:00 Paksa: “Pagtanggap sa iba’t-ibang mga kultura Coordinator: Masato Tsutsumi (JICA Mie Desk Mie International Cooperation Promotion Officer) Painelists: Jessica Oyama (Teacher sa Hisai High School, Mie Prefecture) Marina Pasheco Hashimoto (Brazilian-born Coordinator para sa International Relations) Mai Hanai (Tutor at Nishi-Hino Niji Gakuen, Mie Prefecture School for the D Isabled at dating JICA International Cooperation Volunteer) Exhibitions sa mga booth Mie Prefectural Diversity Society Promotion Division (Mieken Diversity Shakai Suishinka – 三重県ダイバーシティ社会推進課)“Introduction sa Easy Japanese”. JICA Mie Desk “Subukang suutin ang mga ethnic costumes mula sa iba’t-ibang bansa! Mga aktibidad upang ipakilala at ibenta ang mga produkto mula sa mga grupo ng suporta para sa mga dayuhan sa Mie Prefecture, atbp. Organizers Mie Prefecture – JICA Chubu Center I-click dito upang makita ang pamphlet (portuguese) I-click dito upang makita ang pamphlet (chinese) I-click dito upang makita ang pamphlet (english) I-click dito upang makita ang pamphleto (japanese) Contact details (sa wikang Japanese lamang) Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Diversity Shakai Suishin-ka 059-222-5974 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp