Huwag Magpaloko! Mag-ingat sa Tokushu Sagi “Special Fraud”

被害ストップ! 「特殊詐欺」にご用心

2017/07/20 Thursday Anunsyo

Ang Tokushu Sagi o Special Fraud ay isang uri ng panloloko o scam upang makakuha ng pera ng hindi nakikita ang manloloko ng harapan at gamit lamang ang telepono, fax, email, atbp.

Sa pampublikong survey na isinagawa ng Cabinet Office, nasa 80% ang sumagot ng “Sa tingin ko hindi ako magiging biktima ng special fraud.” Gayunpaman, sa Mie prefecture, ang bilang ng nabiktima at napinsala dahil sa special fraud ay mahigit 100, na nagkakahalaga ng lagpas sa 500 milion yen sa apat na magkakasunod-sunod na taon hanggang 2016. Lalo na sa mga matatanda, sila ay madaling maging target sa panloloko na ito.

Upang hindi mabiktima, ipapa-alam namin sainyo ang uri ng karaniwang modus ng panloloko at paano ito maiiwasan ayon sa anunsyo ng Mie prefectural police.

【Karaniwang modus ng sagi o panloloko

Ore Ore Sagi (Impersonation Scam)

Halimbawa, tatawag at magpapanggap na anak o apo at sasabihin na “nawala ko ang bag ng company ko na nagkakalaman ng mga documents at mobile phone, at kailangan ko bayaran lahat yon, pahiramin mo naman ako ng pera”. Dagdag pa dito ay may magpapanggap na police, lawyer, atbp, at tatangkaing manloko at hihikayating magpadala ng pera.

Kaku Seikyu Sagi (False Billing Scam)

Padadalhan ng postcard o Email galing sa hindi kilalang tao ng pekeng notice katulad ng pagkolekta ng bayarin, internet fees, atbp at hihilinging ipadala ang bayad sa isang account o pababayarin gamit ang electronic money.

Yushi Hoshokin Sagi (Loan Money Financing Scam)

Sa katotohanan, hindi talaga ito loan, lolokohin nila ang mga biktima na nag-apply ng loan, at ipapa-padala ang pera sa pangalan ng kunwari ay guarantor ng pera.

Kanpukin Sagi (Refund Money Scam)

Magpapanggap na staff member ng City Hall at Social Insurance Officer. Sasabihin nila na “may mare-refund sa medical expenses, at matatanggap ito kapag aasikasuhin ito” at hihikayating magpadala ng pera sa ATM para sa pag-asikaso.

Kinyu Shohin Torihiki Meimoku Sagi (Financial InstrumentsTrading Nominal Scam)

Magbibigay ng pekeng impormasyon gamit ang telepono, direct mail, atbp. at tatangkaing manloko at hihikayating bumili katulad ng undisclosed shares, foreign currency, pekeng security, atbp.

 【Paraan ng pag-iwas na mabiktima

  • Kapag napag-usapan ang pera sa telepono at may hinala, kumunsulta agad sa inyong pamilya o sa police (110)
  • Kapag may natanggap na tawag galing sa hindi kilalang tao, patayin muna ang telepono at huminahon.
  • Gamitin ang answering machine.
  • Hintayin muna ang tumatawag na mag-iwan ng mensahe sa answering machine bago sagutin ang telepono.
  • Makipag-usap muna sa inyong pamilya o kakilala para masigurado na totoo nga na ang tao na yon ang tumawag.
  • Ang mga refunds ay hindi natatanggap sa ATM.

Disaster Prevention Seminar para sa mga Dayuhang Residente

2017/07/20 Thursday Anunsyo

防災講座 志摩市の災害と防災及び避難所生活体験

Ang Japan ay isang bansa na madalas ang lindol, tsunami, bagyo at iba pang kalamidad. Ito ay mahalaga upang mangalap ng sapat na impormasyon at maghanda para sa pagdating ng mga natural na kalamidad bago pa ito mangyari.

Sa lungsod ng Shima (lalawigan ng Mie), isang disaster prevention seminar ang gaganapin para sa mga dayuhang residente. Ang mga kalahok ay makakakuha ng mahalagang impormasyon sa disaster prevention, kaalaman sa food safety, paghahanda sa emergency room, at iba pang impormasyon.

Isa sa mga mahahalagang puntong natugunan sa seminar na ito ay ang emergency shelters.

Alam mo ba kung ano ang salitang “hinanjo” ito ay nangangahulugang “emergency shelters” at sa ano nga bang sitwasyon ito maaaring magamit?

Interview 1 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

“Kapag nangyari ang natural na sakuna, kahit na ang bahay ninyo ay nasira man o hindi, mayroong mga temporaryong housing facilities para sa mga tao na nawalan ng matutuluyan at naubusan ng pagkain at tubig. Sa mga lugar na ito, mabibigyan ng tubig, pagkain, kumot, atbp. at posible din na makapag stay pansamantala sa lugar. ”

Sa bawat lungsod may ilang mga site na itinalaga bilang emergency shelters. Ang bawat lungsod at munisipal na organisasyon ay nag-aalok ng impormasyon para dito, at kailangang ninyong alamin ang pinakamalapit na emergency shelter sa iyong bahay bago pa dumating ang sakuna..

Interview 2 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

“Sa lungsod ng Shima, mayroong hazzard map na ipinapamahagi sa city hall. Sa mga taong abala at hindi makakapunta sa city hall, maaari din na ma-download ito sa homepage”

Ngunit kapag nasa labas tayo ng bahay at kinakailangan nating alamin kung nasaan ang emergency shelter, anong hakbang ang kailangan nating gawin?

Interview 3 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

“Dahil may mga bulletin boards at signs na nagsasaad ng lokasyon ng emergency shelters sa mga poste o sa lugar na madali itong makita, maaari ninyo itong hanapin at sundin ang direksyon, o obserbahan ang galaw ng mga tao sa lugar na iyon at sundin ang direksyon nila. Maaari din magtanong sa mga nage-evacuate kung saan ang lokasyon ng emergency shelters. ”

Kahit na pumunta sa emergency shelter, hindi ibig sabihin nito ay lahat maaaring mai-provide sainyo. Kinakailangan na bago lumikas ay nakapaghanda ng mga dadalhin. Kapag kinakailangang pumunta sa emergency shelter, magdala ng mga emergency supplies. Ano nga ba ang mga emergency items at supplies na kinakailangang dalhin sa emergency shelter?

Interview 4 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

” Palaging isaisip ang importansya ng survival items at hindi lahat ay mabibigay sa emergency shelters, importante na umalis sa bahay ng may dalang pagkain, damit, at mga kumot, kung posible ay maghanda ng para sa tatlong araw, at hindi dapat magdala ng mga hindi kailangang bagay. bukod pa dito, kinakailangan din maghanda ng mga espesyal na bagay katulad ng gamot kapag may sakit, googles, diapers at gatas para sa mga sanggol dahil maaring hindi ito ma provide tuwing may sitwasyong ganito at naniniwala ako na importante din magdala ng radyo upang makakuha ng impormasyon, flashlights at iba pa”.

Sa loob ng emergency shelter, may posibilidad na mailagay sa lugar na kasama ang ibang hindi kilalang tao. sa ganitong kaso, importante na makipag-cooperate sa isa’t-isa. Mangyaring sundin at respetuhin ang regulasyon ng shelter, at mangyaring makipagtulungan ang mga foreigners sa pagtranslate sa ibang dayuhang residente. Mayroong mga pagkain sa emergency shelters subalit, kapag nagkaroon ng malaking sakuna, maaaring magkaroon ng delay sa mga supply.

Interview 5 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

“Kahit na sa mga hapon, may mga beses na hindi posibleng makapag-provide ng sapat na paggamot at sapat na pagkain dahil sa napaka-gulong sitwasyon na nangyayari tuwing pagkatapos ng isang natural na kalamidad, kaya’t hinihiling namin ang inyong kooperasyon. Hinggil naman sa pagsasaayos ng evacuation, una sa lahat, kailangan na kusang loob na pumunta kapag ninanais na humingi ng kanlungan sa shelter, hinihiling namin ang kooperasyon ng lahat. Mangyaring sundin ang mga patakaran tuwing isinasaayos ang evacuation.

Maliban dito, hinihiling namin sa mga dayuhan na tumulong sa pagtranslate sa ibang dayuhan at turuan ng gawi at pamamaraan ng bansa at iba pang pagtulong”.

Ang emergency shelters ay hindi lamang lugar kung saan mapagkukunan ng pagkain at impormasyon, kundi ito ay lugar kung saan mapo-protektahan ang pamilya.

Interview 6 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

“Kapag ang inyong tahanan ay hindi na maaaring tirhan dahil sa resulta ng natural na sakuna, ang emergency shelter ay magsisilbi bilang temporaryong pabahay at importante itong lugar sa paghahanap ng pamilya kapag nagkahiwalay-hiwalay. Bukod pa dito, maaaring makakuha dito ng pagkain, materyales para sa kaligtasan, at impormasyon. Mangyaring alamin ang daan papunta galing sa inyong bahay o lugar ng trabaho para maging handa sa mga sitwasyong alanganin”.

Bago pa man dumating ang isang sakuna, importante na pag-usapan kasama ng inyong pamilya ang tungkol sa paraan ng disaster prevention katulad ng lugar kung saan ang shelter na masisilungan , paano ma-contact ang ibang tao, anong mga kailangan dalhin, at iba pa.  Kada City Hall at municipal organization ay naghahanda ng iba’t-ibang impormasyon na may kaugnayan sa disaster prevention. Upang makapaghanda sa sakuna, hanggat maaari sumali sa mga disaster prevention training o mga seminars.

Interview 7 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques

“Dahil may mga bagay na hindi kinakaya kapag may mga emerhensiyang sitwasyon, hinihiling namin na maghanda para hanggat maaari ay maging komportable ang sitwasyon. Dahil madaming sakuna na nangyayari sa Japan, hinihiling ko sa lahat na gawin ang makakaya upang kahit papano ay mabawasan ang pinsala. ”

Sa text sa ibaba ng video na ito, mag-iiwan kami ng link na may impormasyon tungkol sa emergency shelters. Yayain ang inyong pamilya at pag-usapan kung ano ang natutunan sa video na ito.

Mie Hazard Map – http://www.pref.mie.lg.jp/D1BOUSAI/75148007862.htm

Bosai Mie.jp – http://www.bosaimie.jp/

[防災講座] 南海トラフ地震について – http://mieinfo.com/ja/video-jp/bousai/bousai-kouza-nankai-torafu/index.html

外国人のための避難所訓練 – http://mieinfo.com/ja/video-jp/bousai/gaikoku-jin-notame-no-hinansho-kunren/index.html