Disaster Prevention Seminar para sa mga Dayuhang Residente 防災講座 志摩市の災害と防災及び避難所生活体験 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/07/20 Thursday Kurso tungkol sa kalamidad Ang Japan ay isang bansa na madalas ang lindol, tsunami, bagyo at iba pang kalamidad. Ito ay mahalaga upang mangalap ng sapat na impormasyon at maghanda para sa pagdating ng mga natural na kalamidad bago pa ito mangyari. Sa lungsod ng Shima (lalawigan ng Mie), isang disaster prevention seminar ang gaganapin para sa mga dayuhang residente. Ang mga kalahok ay makakakuha ng mahalagang impormasyon sa disaster prevention, kaalaman sa food safety, paghahanda sa emergency room, at iba pang impormasyon. Isa sa mga mahahalagang puntong natugunan sa seminar na ito ay ang emergency shelters. Alam mo ba kung ano ang salitang “hinanjo” ito ay nangangahulugang “emergency shelters” at sa ano nga bang sitwasyon ito maaaring magamit? Interview 1 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques “Kapag nangyari ang natural na sakuna, kahit na ang bahay ninyo ay nasira man o hindi, mayroong mga temporaryong housing facilities para sa mga tao na nawalan ng matutuluyan at naubusan ng pagkain at tubig. Sa mga lugar na ito, mabibigyan ng tubig, pagkain, kumot, atbp. at posible din na makapag stay pansamantala sa lugar. ” Sa bawat lungsod may ilang mga site na itinalaga bilang emergency shelters. Ang bawat lungsod at munisipal na organisasyon ay nag-aalok ng impormasyon para dito, at kailangang ninyong alamin ang pinakamalapit na emergency shelter sa iyong bahay bago pa dumating ang sakuna.. Interview 2 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques “Sa lungsod ng Shima, mayroong hazzard map na ipinapamahagi sa city hall. Sa mga taong abala at hindi makakapunta sa city hall, maaari din na ma-download ito sa homepage” Ngunit kapag nasa labas tayo ng bahay at kinakailangan nating alamin kung nasaan ang emergency shelter, anong hakbang ang kailangan nating gawin? Interview 3 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques “Dahil may mga bulletin boards at signs na nagsasaad ng lokasyon ng emergency shelters sa mga poste o sa lugar na madali itong makita, maaari ninyo itong hanapin at sundin ang direksyon, o obserbahan ang galaw ng mga tao sa lugar na iyon at sundin ang direksyon nila. Maaari din magtanong sa mga nage-evacuate kung saan ang lokasyon ng emergency shelters. ” Kahit na pumunta sa emergency shelter, hindi ibig sabihin nito ay lahat maaaring mai-provide sainyo. Kinakailangan na bago lumikas ay nakapaghanda ng mga dadalhin. Kapag kinakailangang pumunta sa emergency shelter, magdala ng mga emergency supplies. Ano nga ba ang mga emergency items at supplies na kinakailangang dalhin sa emergency shelter? Interview 4 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques ” Palaging isaisip ang importansya ng survival items at hindi lahat ay mabibigay sa emergency shelters, importante na umalis sa bahay ng may dalang pagkain, damit, at mga kumot, kung posible ay maghanda ng para sa tatlong araw, at hindi dapat magdala ng mga hindi kailangang bagay. bukod pa dito, kinakailangan din maghanda ng mga espesyal na bagay katulad ng gamot kapag may sakit, googles, diapers at gatas para sa mga sanggol dahil maaring hindi ito ma provide tuwing may sitwasyong ganito at naniniwala ako na importante din magdala ng radyo upang makakuha ng impormasyon, flashlights at iba pa”. Sa loob ng emergency shelter, may posibilidad na mailagay sa lugar na kasama ang ibang hindi kilalang tao. sa ganitong kaso, importante na makipag-cooperate sa isa’t-isa. Mangyaring sundin at respetuhin ang regulasyon ng shelter, at mangyaring makipagtulungan ang mga foreigners sa pagtranslate sa ibang dayuhang residente. Mayroong mga pagkain sa emergency shelters subalit, kapag nagkaroon ng malaking sakuna, maaaring magkaroon ng delay sa mga supply. Interview 5 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques “Kahit na sa mga hapon, may mga beses na hindi posibleng makapag-provide ng sapat na paggamot at sapat na pagkain dahil sa napaka-gulong sitwasyon na nangyayari tuwing pagkatapos ng isang natural na kalamidad, kaya’t hinihiling namin ang inyong kooperasyon. Hinggil naman sa pagsasaayos ng evacuation, una sa lahat, kailangan na kusang loob na pumunta kapag ninanais na humingi ng kanlungan sa shelter, hinihiling namin ang kooperasyon ng lahat. Mangyaring sundin ang mga patakaran tuwing isinasaayos ang evacuation. Maliban dito, hinihiling namin sa mga dayuhan na tumulong sa pagtranslate sa ibang dayuhan at turuan ng gawi at pamamaraan ng bansa at iba pang pagtulong”. Ang emergency shelters ay hindi lamang lugar kung saan mapagkukunan ng pagkain at impormasyon, kundi ito ay lugar kung saan mapo-protektahan ang pamilya. Interview 6 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques “Kapag ang inyong tahanan ay hindi na maaaring tirhan dahil sa resulta ng natural na sakuna, ang emergency shelter ay magsisilbi bilang temporaryong pabahay at importante itong lugar sa paghahanap ng pamilya kapag nagkahiwalay-hiwalay. Bukod pa dito, maaaring makakuha dito ng pagkain, materyales para sa kaligtasan, at impormasyon. Mangyaring alamin ang daan papunta galing sa inyong bahay o lugar ng trabaho para maging handa sa mga sitwasyong alanganin”. Bago pa man dumating ang isang sakuna, importante na pag-usapan kasama ng inyong pamilya ang tungkol sa paraan ng disaster prevention katulad ng lugar kung saan ang shelter na masisilungan , paano ma-contact ang ibang tao, anong mga kailangan dalhin, at iba pa. Kada City Hall at municipal organization ay naghahanda ng iba’t-ibang impormasyon na may kaugnayan sa disaster prevention. Upang makapaghanda sa sakuna, hanggat maaari sumali sa mga disaster prevention training o mga seminars. Interview 7 – Mr. Masa Yabuki, Meteorologist, Disaster Prevention Officer, at Instructor of Disaster Prevention Techniques “Dahil may mga bagay na hindi kinakaya kapag may mga emerhensiyang sitwasyon, hinihiling namin na maghanda para hanggat maaari ay maging komportable ang sitwasyon. Dahil madaming sakuna na nangyayari sa Japan, hinihiling ko sa lahat na gawin ang makakaya upang kahit papano ay mabawasan ang pinsala. ” Sa text sa ibaba ng video na ito, mag-iiwan kami ng link na may impormasyon tungkol sa emergency shelters. Yayain ang inyong pamilya at pag-usapan kung ano ang natutunan sa video na ito. Mie Hazard Map – http://www.pref.mie.lg.jp/D1BOUSAI/75148007862.htm Bosai Mie.jp – http://www.bosaimie.jp/ [防災講座] 南海トラフ地震について – http://mieinfo.com/ja/video-jp/bousai/bousai-kouza-nankai-torafu/index.html 外国人のための避難所訓練 – http://mieinfo.com/ja/video-jp/bousai/gaikoku-jin-notame-no-hinansho-kunren/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « (2017) Fireworks Festivals sa Mie Huwag Magpaloko! Mag-ingat sa Tokushu Sagi “Special Fraud” » ↑↑ Next Information ↑↑ (2017) Fireworks Festivals sa Mie 2017/07/20 Thursday Kurso tungkol sa kalamidad (2017) みえの花火大会 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Kapag sinabing kaganapan tuwing tag-init, ito ay ang Fireworks display. Ginaganap ang Fireworks Festival sa buong Mie Prefecture simula Hulyo hanggang Augusto. Halina’t i-enjoy ang fireworks event sa iba’t-ibang area. Narito ang mga impormasyon ng mga fireworks display ng ilang mga lugar sa magkakasunod-sunod na schedule. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Mie Prefectural Tourism Federation website (https://www.kankomie.or.jp/season/detail_56.html). Petsa at Oras: Hulyo 15, 2017 (Sabado) 7:20pm-9pm Dai 65 Kai Isse Jingu Hono Zenkoku Hanabi Tai Kai Location: Miyagawa river (sa tulay ng Watarai) Para sa mga detalye → https: //www.kankomie.or.jp/event/detail_5091.html Isa ito sa “Tatlong Malalaking Firework Competitions sa Japan”. Ito ay isang fireworks competition para ipaabot sa itaas ang pagdiriwang ng pang araw-araw na pamumuhay sa night sky ng Ise, ang lungsod ng mga diyos, at para na rin sa mga masters ng hanabi na pinili sa ilang mga rehiyon, ay nabuo itong fireworks festival. *Kapag ang event ay hindi matutuloy dahil sa pag-ulan, bagyo, baha, atbp., ire-reschedule ito sa Septyembro 9 (Sabado). Kapag masama pa din ang lagay ng panahon sa araw na iyon, ay gaganapin ang event sa sususnod na araw (Septyembro 10 Linggo). Tignan ang iba pang impormasyon tungkol sa event sa official website: http://www.city.ise.mie.jp/hanabi/ Petsa at Oras: Hulyo 29, 2017 (Sabado) 7:45pm hanggang 9pm Dai 66-kai Tsu Hanabi Taikai 2017 Lugar: Tsu Akogiura coastal zone Para sa mga detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5011.html Ang star fireworks na pinapa-putok galing sa malapit na barko ang isa sa mga sikat na attractions! Ang pag-upo sa beach sand at paglanghap ng amoy ng dagat habang nanonood ng fireworks display ay ang isa sa mga sikat na tradisyon sa tag-init sa siyudad ng Tsu, at napamahal sa mga residente at sa mga tao ng kalapit na siyudad. *Makipag-ugnayan sa: 059-229-3234 (Tsu Fireworks Display Executive Committee Secretariat) Petsa at Oras: Hulyo 29, 2017 (Sabado) 7:30pm hanggang 9pm Kuwana Suigou Hanabi Taikai Lugar: Siyudad ng Kuwana Para sa mga detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_34127.html Simula sa pagpapa-putok ng libo-libong star-shaped fireworks, ang “suichu hanabi” at “niagara” ay nagdi-display ng kanilang kagandahan sa kalangitan. Tuwing event, ang laki at lakas ng pagsabog ng “nishaku hanabi”, isa sa pinaka-malaki sa Tokai region, ay nagpapakita ng kagandahan nito na mistulang parang shower o pinapaulanan nito ang mga tao. *Kapag na-postponed ito dahil sa masamang panahon, ang event ay ire-reschedule sa 30 (linggo) at 31 (kapag umulan pa din) Para sa detalye tungkol sa petsa: 0180-995-987 * Hindi maaring magamit sa IP Phones. Petsa at Oras: Hulyo 29, 2017 (Sabado) 7:50pm hanggang 9pm Nabarigawa Nouryou Hanabi Taikai Lugar: Nabarigawa Shinmachi Kahan Para sa mga detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_35260.html Mahigit 4,500 na paputok ang ila-launch para ipakita ang kasaganahan ng Nabari. May mga magagandang ala-ala sa summer ng Nabari at pag-enjoy ng fireworks kung saan kumakalat ito ng napakaliwanag at malakas na pagsabog sa kalangitan. * Para sa detalye tungkol sa petsa ng event: (simula alas 10 ng umaga): 0180-99-3636 (forecast) Petsa at Oras: Augusto 5, 2017 (Sabado) 8pm hanggang 9pm Summer Festa in Hisai Lugar: Tsu Ground Self-Defense Force Hisai Garrison Para sa mga detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5022.html Ang launch site ng fireworks ay sa harap mismo ng bleachers o mga upuan ng ground at masisilayan ang kagandahan nito sa kalangitan. Ang pinaka-highlight ay ang Niagara River na may mahigit 150m na haba at ang napaka-laking star-shaped na fireworks sa bandang huli. *Makipag-ugnayan sa: Summer Festa Executive Committee in Hisai – 059-255-8846 Petsa at Oras: Augusto 17, 2017 (Huwebes) 7:10pm Hanggang 9:30pm Kumano Hanabi Taikai 2017 Lugar: Shichirimi Coast Para sa mga detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5207.html Ito ang pinaka-mahabang tradisyon sa tag-init sa kalye ng Komono, mahigit 10,000 fireworks ang ipapaputok at ang Onigajo ng Yoshino-Kumano National Park bilang isang scenery at iba pang mga magagandang tanawin ang ipapakita sa direksyon ng open sea. *Alamin ang impormasyon tungkol sa event, parking, at bayarin sa upuan sa sumusunod na URL: http://www.kumano-kankou.info/kumano-fireworks/ Petsa at Oras: Augusto 27, 2017 (Linggo) 7:15pm Hanggang 8:30pm Yokkaichi Hanabi Taikai Lugar: Yokkaichi-shi Kasumi Para sa mga detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_14747.html Makukulayan ang kalangitan ng matitingkad na kulay ng fireworks. Isa sa mga highlights ng Yokkaichi Hanabi Taikai ay ang memorials fireworks na kung saan ito ay na-organize ng mga residente na nais magpa-abot ng mensahe katulad ng pasasalamat, kaarawan, anibersaryo, atbp. * In case na ma-cancel dahil sa masamang panahon, ang event ay ire-reschedule sa Septyembro 3 (Linggo) Alamin ang impormasyon tungkol sa event: 0180-991-354 * Hindi maaaring magamit sa IP phones. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp