Mag-ingat sa sunog! 火災を起こさないように気をつけましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2022/03/03 Thursday Anunsyo, Kaligtasan Sa panahon ng taglamig, may mataas na posibilidad ng paglitaw ng sunog. Sa pagitan ng Marso 1 at 7, 2022, gaganapin ang “Spring National Fire Prevention Campaign” (Shunki Zenkoku Kasai Yobo Undo – 春季全国火災予防運動). Sa panahong ito, suriin ang mga fire alarms ng iyong tahanan. Gayundin, gumawa ng naaangkop na mga hakbang upang maiwasan ang sunog. Tungkol sa residential fire alarms Ayon sa Fire Service Act at sa mga regulasyon sa pag-iwas sa sunog ng bawat munisipalidad, ipinag-uutos na maglagay ng “residential fire alarms” sa bawat bahay sa prefecture. Ang mga residential fire alarms ay mga tool na nagpoprotekta sa iyong pamilya at tahanan mula sa sunog sa pamamagitan ng pagpapatunog ng alarm kung sakaling magkaroon ng sunog. Kung wala pang fire alarm ang iyong bahay, mag-install ng alarm. Sa mga bahay na mayroon nang residential fire alarm na naka-install, i-verify kung ito ay gumagana nang maayos. Ang battery life ay humigit-kumulang 10 taon. Mag Install ng Home Fire Alarm (Flyer) 10 puntos upang maiwasan ang sunog at maging ligtas ang buhay Huwag manigarilyo kapag nasa kama o nakahiga Huwag maglagay ng mga nasusunog na materyales malapit sa mga kerosene stove Palaging manatiling malapit sa stove kapag ginagamit ito Linisin ang alikabok mula sa mga saksakan at tanggalin ang hindi nagamit na mga kurdon Gumamit ng mga heater at stove na may mga safety device Regular na siyasatin ang mga alarma sa sunog sa tirahan Panatilihing malinis at maayos ang mga silid at gumamit ng hindi masusunog na damit, kurtina at kama upang maiwasan ang pagkalat ng apoy Maglagay ng fire extinguisher at tingnan kung paano ito gamitin Ang mga matatanda at mga taong may kapansanan ay dapat laging alam ang tungkol sa mga ruta at pamamaraan ng paglikas Makilahok sa mga pagsasanay sa pag-iwas sa kalamidad sa rehiyon kung saan ka nakatira at gumawa ng mga hakbang sa pag-iwas sa sunog 10 puntos para protektahan ang iyong buhay mula sa mga sunog sa bahay (mga flyer), mula sa website ng Fire and Disaster Management Agency (Shobo-cho – 消防庁) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mag-ingat sa cyber crimes! Gamitin natin ng tama ang ambulansya » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat sa cyber crimes! 2022/03/03 Thursday Anunsyo, Kaligtasan サイバー犯罪に気をつけよう! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Pebrero 1 hanggang Marso 18 ay “Cyber Security Month”. Maraming problemang nauugnay sa cybersecurity gaya ng pinsala sa pagtagas ng impormasyon na dulot ng mga kahina-hinalang email at pagtagas ng mga personal na impormasyon. Alamin ang tungkol sa cybercrime at mag-ingat na hindi mabiktima ng krimeng ito. Mag-ingat sa phishing scams Ang “phishing” ay isang modus ng mga scammer na magpadala ng pekeng email ang biktima at mai-link sa isang pekeng page, at pagnanakaw ng mahalagang personal na impormasyon tulad ng numero ng credit card, impormasyon ng account, atbp., gamit ang mga pekeng form. Kamakailan, dumarami rin ang mga phishing scam gamit ang SMS. Halimbawa ng mga scam Hindi awtorisadong remittance sa pamamagitan ng internet banking Hindi awtorisadong pagbili sa pamamagitan ng e-commerce Ninakaw na personal na impormasyon na ginagamit para sa mga gawaing kriminal, atbp. Flyers (Ma-ingat sa phishing scams – Phishing Sagi ni Chui – フィッシング詐欺に注意) Paraan ng pag-iwas Huwag buksan ang mga nakasulat na link sa mga email. Palaging buksan ang mga pahina sa pamamagitan ng mga opisyal na link. Maaari mong gamitin ang bookmarks bar para dito. Mag-install ng mga antivirus program at palaging mag-update sa pinakabagong bersyon. Gumamit ng mga website at app na may mga function ng seguridad (one time password, biometric app authentication, multi-factor authentication, atbp.) Ang bilang ng mga kaso ng targeted email attacks ay dumarami Ang targeted email attacks na may layuning magnakaw ng kumpidensyal na impormasyon mula sa mga partikular na organisasyon o indibidwal ay madalas na nagaganap. Kung nahawaan ka ng virus ng ganitong uri ng pag-atake, hindi lamang ang impormasyon ng iyong kumpanya kundi pati na rin ang impormasyon ng mga kaugnay na kumpanya ay maaaring tumagas, o maaaring magkaroon ng cyber attack sa mga kumpanyang ito, na maaaring magresulta sa malaking pagkalugi ng negosyo. Ruta ng mga impeksyon sa virus Sa pamamagitan ng email attachment Sa pamamagitan ng mga link na naglalaman ng virus atbp. Paraan ng pag report issue (mula sa kahina-hinalang files/links) Makipag-ugnayan sa contact center tungkol sa mga produkto at serbisyo Mag alerto sa seguridad mula sa mga pampublikong institusyon atbp. Paraan ng pag-iwas Mag-ingat sa mga email na may mga attachment, kahit sino pa ang nagpadala. Kung nag-aalala ka, suriin sa nagpadala ang tungkol sa nilalaman ng email bago ito buksan. Flyers (ang mga targeted e-mail attacks ay lalong dumarami – Hyouteki-gata Mail Kougeki ga Tahatsu-chu – 標的型メール攻撃が多発中!) Makipag-ugnayan sa MieCo (Mie Consultation Center for Foreign Residents) Tel: 080-3300-8077 Lunes hanggang Biyernes at Linggo (sarado tuwing Sabado at holiday), mula 9 am hanggang 5 pm Suporta sa mga sumusunod na wika: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp