Gamitin natin ng tama ang ambulansya 救急車を適正に利用しましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2022/03/16 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan, Kalusugan at kapakanan Sa Mie Prefecture, 81,021 katao ang dinala sa ospital sa pamamagitan ng ambulansya noong 2020. Sa mga ito, 51.6% o 41,820 katao, ay mga pasyenteng may bahagyang karamdaman na hindi nangangailang ng emergency. Gamitin nang mabuti ang mga ambulansya upang ang mga talagang nangangailangan nito ay makakuha ng emerhensiyang pangangalagang medikal. < Tingnan ang ilan sa mga dahilan kung bakit tinawag ang ambulansya. Kailangan ba talaga ng ambulansya ang lahat?> Pangangati dulot ng kagat ng lamok Pananakit ng balat dahil sa sunburn pagkatapos magpunta sa beach Nahiwa ng papel ang daliri, ngunit tumigil na ang pagdurugo Wala nang natira sa iniresetang gamot mula sa ospital Ang mga pasyenteng inaasahang maospital ay gustong pumunta sa ospital gamit ang ambulansya Mga pasyenteng ayaw maghintay sa pila sa ospital kaya’t tumawag nalang ng ambulansya Kung makaranas ka ng anumang kondisyon o sintomas na may matinding pangangailangan, huwag mag-atubiling tumawag sa 119 (sa prinsipyo, ang serbisyo ay sa wikang Japanese lamang). Mula sa link sa ibaba, makikita mo kung paano tumawag ng ambulansya, mga sintomas na nangangailangan ng ambulansya (mga matatanda at bata), tungkol sa heat stroke, at mga pointer kapag tumatawag ng ambulansya. Tingnan ang link na ito sa ibaba at gamitin ang impormasyon kung kinakailangan. Gabay sa Mga Serbisyo ng Ambulansya (mula sa homepage ng Fire and Disaster Management Agency – Shobocho), sa wikang Tagalog Gabay sa Mga Serbisyo ng Ambulansya – Gabay sa Kyukyusha Riyo (mula sa homepage ng Fire and Disaster Management Agency – Shobocho), sa wikang Japanese. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mag-ingat sa sunog! Manamie: Ang Mie Night School experience ay gaganapin as 2022 (Reiwa 4) » ↑↑ Next Information ↑↑ Mag-ingat sa sunog! 2022/03/16 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan, Kalusugan at kapakanan 火災を起こさないように気をつけましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa panahon ng taglamig, may mataas na posibilidad ng paglitaw ng sunog. Sa pagitan ng Marso 1 at 7, 2022, gaganapin ang “Spring National Fire Prevention Campaign” (Shunki Zenkoku Kasai Yobo Undo – 春季全国火災予防運動). Sa panahong ito, suriin ang mga fire alarms ng iyong tahanan. Gayundin, gumawa ng naaangkop na mga hakbang upang maiwasan ang sunog. Tungkol sa residential fire alarms Ayon sa Fire Service Act at sa mga regulasyon sa pag-iwas sa sunog ng bawat munisipalidad, ipinag-uutos na maglagay ng “residential fire alarms” sa bawat bahay sa prefecture. Ang mga residential fire alarms ay mga tool na nagpoprotekta sa iyong pamilya at tahanan mula sa sunog sa pamamagitan ng pagpapatunog ng alarm kung sakaling magkaroon ng sunog. Kung wala pang fire alarm ang iyong bahay, mag-install ng alarm. Sa mga bahay na mayroon nang residential fire alarm na naka-install, i-verify kung ito ay gumagana nang maayos. Ang battery life ay humigit-kumulang 10 taon. Mag Install ng Home Fire Alarm (Flyer) 10 puntos upang maiwasan ang sunog at maging ligtas ang buhay Huwag manigarilyo kapag nasa kama o nakahiga Huwag maglagay ng mga nasusunog na materyales malapit sa mga kerosene stove Palaging manatiling malapit sa stove kapag ginagamit ito Linisin ang alikabok mula sa mga saksakan at tanggalin ang hindi nagamit na mga kurdon Gumamit ng mga heater at stove na may mga safety device Regular na siyasatin ang mga alarma sa sunog sa tirahan Panatilihing malinis at maayos ang mga silid at gumamit ng hindi masusunog na damit, kurtina at kama upang maiwasan ang pagkalat ng apoy Maglagay ng fire extinguisher at tingnan kung paano ito gamitin Ang mga matatanda at mga taong may kapansanan ay dapat laging alam ang tungkol sa mga ruta at pamamaraan ng paglikas Makilahok sa mga pagsasanay sa pag-iwas sa kalamidad sa rehiyon kung saan ka nakatira at gumawa ng mga hakbang sa pag-iwas sa sunog 10 puntos para protektahan ang iyong buhay mula sa mga sunog sa bahay (mga flyer), mula sa website ng Fire and Disaster Management Agency (Shobo-cho – 消防庁) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp