Mag-ingat sa cyber crimes!

サイバー犯罪に気をつけよう!

2022/03/01 Tuesday Anunsyo, Kaligtasan

Ang Pebrero 1 hanggang Marso 18 ay “Cyber ​​Security Month”.

Maraming problemang nauugnay sa cybersecurity gaya ng pinsala sa pagtagas ng impormasyon na dulot ng mga kahina-hinalang email at pagtagas ng mga personal na impormasyon.  Alamin ang tungkol sa cybercrime at mag-ingat na hindi mabiktima ng krimeng ito.

  1. Mag-ingat sa phishing scams

Ang “phishing” ay isang modus ng mga scammer na magpadala ng pekeng email ang biktima at mai-link sa isang pekeng page, at pagnanakaw ng mahalagang personal na impormasyon tulad ng numero ng credit card, impormasyon ng account, atbp., gamit ang mga pekeng form.  Kamakailan, dumarami rin ang mga phishing scam gamit ang SMS.

Halimbawa ng mga scam

  • Hindi awtorisadong remittance sa pamamagitan ng internet banking
  • Hindi awtorisadong pagbili sa pamamagitan ng e-commerce
  • Ninakaw na personal na impormasyon na ginagamit para sa mga gawaing kriminal, atbp.

Flyers (Ma-ingat sa phishing scams – Phishing Sagi ni Chui – フィッシング詐欺に注意)

Paraan ng pag-iwas

  • Huwag buksan ang mga nakasulat na link sa mga email. Palaging buksan ang mga pahina sa pamamagitan ng mga opisyal na link.  Maaari mong gamitin ang bookmarks bar para dito.
  • Mag-install ng mga antivirus program at palaging mag-update sa pinakabagong bersyon.
  • Gumamit ng mga website at app na may mga function ng seguridad (one time password, biometric app authentication, multi-factor authentication, atbp.)
  1. Ang bilang ng mga kaso ng targeted email attacks ay dumarami

Ang targeted email attacks na may layuning magnakaw ng kumpidensyal na impormasyon mula sa mga partikular na organisasyon o indibidwal ay madalas na nagaganap.  Kung nahawaan ka ng virus ng ganitong uri ng pag-atake, hindi lamang ang impormasyon ng iyong kumpanya kundi pati na rin ang impormasyon ng mga kaugnay na kumpanya ay maaaring tumagas, o maaaring magkaroon ng cyber attack sa mga kumpanyang ito, na maaaring magresulta sa malaking pagkalugi ng negosyo.

Ruta ng mga impeksyon sa virus

  • Sa pamamagitan ng email attachment
  • Sa pamamagitan ng mga link na naglalaman ng virus atbp.

Paraan ng pag report issue  (mula sa kahina-hinalang files/links)

  • Makipag-ugnayan sa contact center tungkol sa mga produkto at serbisyo
  • Mag alerto sa seguridad mula sa mga pampublikong institusyon atbp.

Paraan ng pag-iwas

  • Mag-ingat sa mga email na may mga attachment, kahit sino pa ang nagpadala.
  • Kung nag-aalala ka, suriin sa nagpadala ang tungkol sa nilalaman ng email bago ito buksan.

Flyers (ang mga targeted e-mail attacks ay lalong dumarami – Hyouteki-gata Mail Kougeki ga Tahatsu-chu – 標的型メール攻撃が多発中!)

Makipag-ugnayan sa

MieCo (Mie Consultation Center for Foreign Residents)

Tel: 080-3300-8077

Lunes hanggang Biyernes at Linggo (sarado tuwing Sabado at holiday), mula 9 am hanggang 5 pm

Suporta sa mga sumusunod na wika: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese.

Screening at talk event ng isang documentary film na tungkol sa multicultural coexistence sa Mie Prefecture

2022/03/01 Tuesday Anunsyo, Kaligtasan

三重県の多文化共生を考えるドキュメンタリー映画の上映会&トークイベントをします

Ginawa ng Mie Prefecture ang pelikulang “Crossroad (クロスロード)” upang mas malaman ng lahat kung ano ang multicultural coexistence.  Ito ay isang dokumentaryong pelikula na nakunan ang mga araw-araw na eksena ng mga dayuhang naninirahan sa Mie.

Inaanyayahan ng city hall ang mga tao na lumahok sa online screening at makipag-usap sa mga gumawa ng pelikulang ito.

* Sa pelikula, magkakaroon ng easy Japanese subtitles (yasashii nihongo – やさしい日本語).

Petsa: Marso 5, 2022 (Sabado), mula 2:00 pm hanggang 3:30 pm

 Paano lumahok: Online (sa pamamagitan ng Zoom)

Schedule:

1:30pm – Simula ng screening entry

2:00pm hanggang 2:05pm – Opening ceremony

2:05 p.m. hanggang 2:45 p.m. – Film screening

2:45pm hanggang 3:30pm – talk event sa director at workshop members na mga kasali sa paggawa ng pelikula

 Capacity: 100 katao (first come, first served)

 Participation fee: Libre

Paraan ng pag register: mag register sa pamamagitan ng registration URL (https://forms.gle/pz5kGW7LgDtQCg5AA) o sa pamamagitan ng QR Code sa flyer hanggang ika-2 ng Marso  (Miyerkules)

Contact:

Mie International Exchange Foundation (MIEF)

TEL: 059-223-5006

E-mail: mief@mief.or.jp

Screening Ceremony Flyer at Talk Event

Tungkol sa screening (Mie homepage)