Screening at talk event ng isang documentary film na tungkol sa multicultural coexistence sa Mie Prefecture

三重県の多文化共生を考えるドキュメンタリー映画の上映会&トークイベントをします

2022/02/18 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ginawa ng Mie Prefecture ang pelikulang “Crossroad (クロスロード)” upang mas malaman ng lahat kung ano ang multicultural coexistence.  Ito ay isang dokumentaryong pelikula na nakunan ang mga araw-araw na eksena ng mga dayuhang naninirahan sa Mie.

Inaanyayahan ng city hall ang mga tao na lumahok sa online screening at makipag-usap sa mga gumawa ng pelikulang ito.

* Sa pelikula, magkakaroon ng easy Japanese subtitles (yasashii nihongo – やさしい日本語).

Petsa: Marso 5, 2022 (Sabado), mula 2:00 pm hanggang 3:30 pm

 Paano lumahok: Online (sa pamamagitan ng Zoom)

Schedule:

1:30pm – Simula ng screening entry

2:00pm hanggang 2:05pm – Opening ceremony

2:05 p.m. hanggang 2:45 p.m. – Film screening

2:45pm hanggang 3:30pm – talk event sa director at workshop members na mga kasali sa paggawa ng pelikula

 Capacity: 100 katao (first come, first served)

 Participation fee: Libre

Paraan ng pag register: mag register sa pamamagitan ng registration URL (https://forms.gle/pz5kGW7LgDtQCg5AA) o sa pamamagitan ng QR Code sa flyer hanggang ika-2 ng Marso  (Miyerkules)

Contact:

Mie International Exchange Foundation (MIEF)

TEL: 059-223-5006

E-mail: mief@mief.or.jp

Screening Ceremony Flyer at Talk Event

Tungkol sa screening (Mie homepage)

Bakante para sa Metal Molding Course sa Tsu Technical School – ika-unang termino ng 2022

2022/02/18 Friday Anunsyo, Kultura at Libangan

三重県立津高等技術学校金属成形科 2022年度 4月入校生の募集

Ang impormasyon sa recruitment sa ibang wika (Japanese, Portuguese, Spanish, English) ay makikita sa ilalim ng pahina.

Target na lugar ng trabaho Mga nilalaman ng trabaho

  • Iron structure = welding, machining at thin metal sheets processing)
  • Metal pieces production = welding at press working
  • Architectural sheet metal = sheet metal processing

Certification

  1. JIS welding certification (SA-2F, SA-3F basic grade)
  2. Certification ng skill training course ng gas welding registered by <Mie Labor Bureau Director Registration Teacher Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)>
  3. Certification ng safety and health special education in Arc Welding.
  4. Certificate of completion ng special education for free grinding and wheel replacement.
  5. (Optional) Slinging skill training course certificate <Registration training institution of Mie Labor Bureau (Mie Labor Bureau No. 20-2)>

Bilang ng maaaring sumali: 10

Training period

Abril 7, 2022 (Huwebes) hanggang Setyembre 2, 2022 (Biyernes) – Duration ng 6 na buwan

(Maliban sa Sabado, Linggo, holiday at mga araw kung saan hindi isinasagawa ang inire-rekumendang pagsasanay)

Oras ng pagsasanay: 8:30 ~ 15:40

Halaga

LIBRE ang tuition

Sa panahon ng entrance procedure, work expenditure, protective equipment, disaster insurance etc. ito ay nagkakahalaga ng 20,000 yen.

Sino ang maaaring  sumali

Yung mga taong motivated upang makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa metal forming department at naaangkop sa mga sumusunod:

  1. Isang foreign national na may status of residence na walang restrictions sa pagtatrabaho.
    ※ Subalit, dapat mayroong daily conversation level sa wikang Japanese at nakakapagsulat at nakakapagbasa ng Hiragana
  2. Para sa mga taong walang work experience o kulang sa experience.

Vocational training entrance screening

Ang mga nais sumali sa pagsasanay ay dapat lumahok sa entrance examination.

  1. Araw ng exam
    Unang screening: Pebrero 14, 2022 (Lunes)

Pangalawang screening: Marso 7, 2022 (Martes)

Pangatlong screening: Marso 24, 2022 (Huwebes)
(Mangyaring tandaan na ang pangalawa at pangatlong screening ay hindi maipatutupad kung ang bilang ng mga kalahok ay umabot na sa kapasidad.)

  1. Para sa mga nais na makilahok sa entrance exam, mangyaring sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work).
    Bilang karagdagan, mangyaring makipag-ugnay sa paaralan bago mag alas-5 ng hapon isang araw bago ang araw ng screening.
  2. Ang entrance examination content ay qualification test, hiragana test, individual interview.
  3. Mangyaring pumunta sa Tsu technical school ng 9:00 am ng petsa ng opening.
  4. Sa araw ng pagsusulit ay siguraduhin na dalhin ang:
  • Pansulat (black ballpoint pen, pencil, eraser)
  • Personal Seal (Hindi tatanggapin ang Shachihata)
  • Residence card (para lamang sa foreign nationals)
  • Hello Work Card and isa sa mga sumusunod:
  1. KOYO HOKEN JUKYU SHIKAKUSHA-SHO para sa mga tumatanggap ng seguro sa pagkawala ng trabaho.
  2. CHOSASHO para sa high school graduates (para sa trabaho)
  3. SHUSHOKU SOUDANHYO (Employment Advice Sheet) para sa mga bagong chugakko graduates
  4. Para sa mga iba pa kaysa sa nabanggit sa itaas, magdala ng identification card (driver’s license, health insurance card, atbp.)

Paraan ng pagpasok

  1. Ang school decision notice at mga dokumento sa pagpaparehistro ay ipapadala lamang sa mga matagumpay na aplikante. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon.
  2. Hindi maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa pagtanggap ng entry sa pamamagitan ng telepono atbp.

Lugar para sa impormasyon, pagpaparehistro at pagtatapos ng kurso

〒514-0817 Tsu-shi, Takachaya Komori-cho 1176-2 Mie Kenritsu Tsu

Kouto Gijutsu Gakko

Kinzoku Seikei-ka Nyukou Tanto: Maeda or Kitamura (mga taong in charge sa metal modeling course)

TEL 059-234-3135  FAX 059-234-3668)

TEL: 059-234-3135

FAX: 059-234-3668

Homepage: https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/bosyuu/tanki/bosyuu_kinzoku.html