Impormasyon tungkol as 2023 coronavirus vaccine

【2023年】新型コロナワクチン接種についてのお知らせ

2023/06/05 Monday Anunsyo, Coronavirus

Sa 2023, maaari ka pa ring mabakunahan laban sa coronavirus nang libre.

Vaccination mula Mayo hanggang Agosto 2023

Ang mga sumusunod na tao na nakakumpleto ng kanilang unang pagbabakuna (1st at 2nd inoculation):

  1. Mga nakatatanda (65 taong gulang o mas matanda)
  2. Mga taong may kondisyong medikal (sa pagitan ng 5 at 64 taong gulang)
  3. Health care worker, seniors facility workers, atbp.

* Pagbabakuna gamit ang bivalent vaccine na naaayon sa Omicron strain.

Vaccination mula Setyembre hanggang Disyembre 2023

Lahat ng taong may edad 5 taong gulang pataas na nakakumpleto ng kanilang unang pagbabakuna (1st at 2nd inoculation).

*Ang bakunang gagamitin ay sinusuri ng gobyerno.

Mga taong hindi pa nakakakuha ng kanilang unang bakuna (1st at 2nd inoculation)

Una, magpabakuna ng 1st at 2nd inoculation (conventional vaccine).  Kapag ito ay nakumpleto, ang bivalent vaccine na katugma sa Omicron strain ay maaaring ibigay nang hindi bababa sa tatlong buwan pagkatapos ng huling pagbabakun.

Mga Sanggol (6 na buwan hanggang 4 na taon)

Ang mga batang 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang ay tatanggap ng kabuuang tatlong doses ng karaniwang bakuna upang makumpleto ang kanilang unang pagbabakuna.

Ang Omicron strain-compatible na bakuna para sa mga sanggol ay hindi klinikal na inaprubahan sa Japan at samakatuwid ay hindi maaaring ibigay.

* Makipag-ugnayan sa iyong lokal na city hall para sa impormasyon tungkol sa patunay ng pagbabakuna, dahil ang bawat munisipalidad ay may iba’t ibang serbisyo.

Kung gusto mong kumonsulta sa wikang banyaga, tumawag sa MieCo (Mie Foreign Resident Consultation Center)

Numero ng telepono: 080-3123-9173

Mga oras ng pagbubukas: Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 am hanggang 5:00 pm (sarado tuwing Sabado, Linggo,  holiday, bago mag new year at new year holiday ).

Mga magagamit na wika: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese.

Coronavirus: kapag ang isang miyembro ng pamilya ay nahawaan

2023/06/05 Monday Anunsyo, Coronavirus

【新型コロナウイルス】家族が感染したとき

Para sa taong nahawaan ng coronavirus

Inirerekomenda na ang bata ay hindi lumabas ng bahay sa loob ng 5 araw pagkatapos ng pagsisimula ng mga sintomas at sa loob ng 24 na oras pagkatapos humupa ang mga sintomas, dahil mataas ang panganib na makahawa sa iba. Hanggang sa lumipas ang 10 araw, magsuot ng mask at mag-ingat na huwag kumalat ang impeksyon sa iba.

Para sa mga tagapag-alaga at miyembro ng pamilya na nakatira sa parehong bahay

Bigyang-pansin ang iyong sariling pisikal na kondisyon

  • Mag-ingat sa unang limang araw, simula sa ika-unang araw ng pagsisimula ng sakit sa taong nahawahan. Ang sakit ay maaaring magtagal hanggang sa ika-7 araw.
  • Iwasan ang mataong lugar at magsuot ng mask kapag lalabas. Iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga taong may mataas na panganib na lumala ang mga sintomas at mag-ingat na huwag kumalat ang sakit sa iba.

Mga hakbang sa pagkontrol sa impeksyon na maaaring gawin sa bahay

  1. Regular na buksan ang mga bintana para sa bentilasyon

Madalas na i-ventilate ang mga common room at iba pang mga silid

  1. Paghiwalayin ang mga silid hangga’t maaari

I-manage ang bahay na may kakaunting tao hangga’t maaari at subukang panatilihing maikli ang oras ng pakikipag-ugnayan.

*Ang mga taong may mga problema sa puso, baga o atay, mga diabetic, mga taong immunocompromised, mga buntis, atbp. ay dapat na iwasan ang pag-aalaga sa mga nahawaan ng virus.

  1. Dapat magsuot ng mask ang mga miyembro ng pamilya na nakatira kasama ng taong nahawahan kung maaari.

Magsuot ng mask kapag nakikipag-ugnayan sa mga nahawaang miyembro ng pamilya at kapag lalabas.

  1. Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas