Sa lahat ng mga dayuhan na gustong manirahan sa Mie

三重県で住まいをさがす外国人の方へ(三重県居住支援連絡会からのお知らせ)

2023/06/14 Wednesday Anunsyo, Paninirahan

Anunsyo mula sa Mie Prefectural Residential Support Contact Committee (Mieken Kyoju Shien Renraku-kai)

Ang Mie Prefectural Home Support Contact Committee ay isang asosasyon na binuo ng Mie Prefecture, 10 lungsod at bayan sa prefecture, at iba pang mga organisasyon.

Tinutulungan nila ang mga taong nahihirapang maghanap ng pabahay na mauupahan ng matitirhan.  Ang mga taong gustong talakayin ang bagay na ito ay dapat makipag-ugnayan sa mga sumusunod na organisasyon pagkatapos suriin ang kaukulang wika.

Pangalan ng organization Address Telephone Lugar ng operasyon Language Homepage
Aidensha (愛伝舎) 〒510-0874 Yokkaichi-shi Kawarada-cho 2448-1 080-3667-5129 Suzuka Japanese

Portuguese

i-click dito
Heartpier Mie 〒510-0002 Yokkaichi-shi Hazunaka 1-7-20 050-5362-6885 Yokkaichi Japanese

Portuguese

i-click dito
Life Stage Solution 〒510-8012 Yokkaichi-shi Mochibuku-cho 1-21 059-361-5755 Yokkaichi Japanese i-click dito
Igashi Shakai Fukushi Kyogikai 〒518-0829 Iga-shi Hirano Yamanoshita 380-5 Igashi Sogo Fukushi Kaikan 1-F 059-521-5866 Iga Japanese i-click dito
Isism 〒512-0923 Yokkaichi-shi Takatsuno-cho 2605 059-325-2351 Yokkaichi

Komono

Japanese i-click dito
ITO 〒510-0091 Yokkaichi-shi Kitahama-cho 2-17 059-356-1114 Yokkaichi

Suzuka

Kameyama

Japanese i-click dito

Flyer sa portuguese

Flyer sa japanese

Flyer para sa mga dayuhang naghahanap ng tirahan sa Mie (Portuguese)

Flyer para sa mga dayuhang naghahanap ng tirahan sa Mie (Vietnamese)

Flyer para sa mga dayuhang naghahanap ng tirahan sa Mie (Japanese)

Mie Prefecture Residential Support Contact Committee (Mieken Kyoju Shien Renraku-kai)

Sa wikang Japanese lang.  Ang opisina ay hindi maaaring magbigay ng tulong sa pabahay.

Mieken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka

TEL: 059-224-2720

Impormasyon tungkol as 2023 coronavirus vaccine

2023/06/14 Wednesday Anunsyo, Paninirahan

【2023年】新型コロナワクチン接種についてのお知らせ

Sa 2023, maaari ka pa ring mabakunahan laban sa coronavirus nang libre.

Vaccination mula Mayo hanggang Agosto 2023

Ang mga sumusunod na tao na nakakumpleto ng kanilang unang pagbabakuna (1st at 2nd inoculation):

  1. Mga nakatatanda (65 taong gulang o mas matanda)
  2. Mga taong may kondisyong medikal (sa pagitan ng 5 at 64 taong gulang)
  3. Health care worker, seniors facility workers, atbp.

* Pagbabakuna gamit ang bivalent vaccine na naaayon sa Omicron strain.

Vaccination mula Setyembre hanggang Disyembre 2023

Lahat ng taong may edad 5 taong gulang pataas na nakakumpleto ng kanilang unang pagbabakuna (1st at 2nd inoculation).

*Ang bakunang gagamitin ay sinusuri ng gobyerno.

Mga taong hindi pa nakakakuha ng kanilang unang bakuna (1st at 2nd inoculation)

Una, magpabakuna ng 1st at 2nd inoculation (conventional vaccine).  Kapag ito ay nakumpleto, ang bivalent vaccine na katugma sa Omicron strain ay maaaring ibigay nang hindi bababa sa tatlong buwan pagkatapos ng huling pagbabakun.

Mga Sanggol (6 na buwan hanggang 4 na taon)

Ang mga batang 6 na buwan hanggang 4 na taong gulang ay tatanggap ng kabuuang tatlong doses ng karaniwang bakuna upang makumpleto ang kanilang unang pagbabakuna.

Ang Omicron strain-compatible na bakuna para sa mga sanggol ay hindi klinikal na inaprubahan sa Japan at samakatuwid ay hindi maaaring ibigay.

* Makipag-ugnayan sa iyong lokal na city hall para sa impormasyon tungkol sa patunay ng pagbabakuna, dahil ang bawat munisipalidad ay may iba’t ibang serbisyo.

Kung gusto mong kumonsulta sa wikang banyaga, tumawag sa MieCo (Mie Foreign Resident Consultation Center)

Numero ng telepono: 080-3123-9173

Mga oras ng pagbubukas: Lunes hanggang Biyernes, mula 9:00 am hanggang 5:00 pm (sarado tuwing Sabado, Linggo,  holiday, bago mag new year at new year holiday ).

Mga magagamit na wika: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese.