Subsidy para sa mga gastusing medikal para sa paggamot ng bagong coronavirus (kapag na admit sa ospital)

新型コロナウイルス感染症の医療費の公費負担(入院したとき)について【2023年10月1日から2024年3月31日までの制度】

2023/10/16 Monday Anunsyo, Coronavirus

[Ang sistema ay mula Oktubre 1, 2023 hanggang Marso 31, 2024]

Public Subsidy para sa mga gastusin (kapag na admit sa ospital para sa paggamot sa coronavirus)

Ang mga sumusunod na item (1) at (2) ay sakop ng pampublikong pondo.

(1) Bahagi ng mga gastos sa medikal ng pagpapaospital dahil sa impeksyon sa coronavirus.

(2) Bahagi ng mga gastos sa gamot kapag ang mga sumusunod na mahal na gamot ay inireseta sa pasyente.

  • Oral medicines “Lagebrio”, “Paxlovid” at “Xocova”.
  • Intravenous medications ” Vecluri “.
  • Neutralizing antibody medications “Zebudi”, “Lonaprieve” at “Evusheld”.

Mga detalye ng subsidy upang masakop ang bahagi ng mga gastusin para sa gamot

Sa prinsipyo, ang mga pampublikong pondo ay nag-subsidize upang ang pinakamataas na halaga na babayaran ng pasyente ay ang gastos sa paggamot na minus 10,000 yen sa high-cost healthcare system.

*i-click dito para sa maximum na halaga ng pagbabayad pagkatapos bawasan ng pampublikong pondo.

I-click dito para sa impormasyon tungkol sa subsidy kapag tumatanggap ng paggamot bilang outpatient(pagpapagaling sa bahay) para sa sakit na coronavirus.

Subsidy para sa mga medikal na gastos para sa paggamot ng coronavirus (kapag tumatanggap ng paggamot bilang outpatient)

2023/10/16 Monday Anunsyo, Coronavirus

新型コロナウイルス感染症の医療費の公費負担(外来診療を受けたとき)について 【2023年10月1日から2024年3月31日までの制度】

[Ang sistema ay magagamit mula Oktubre 1, 2023 hanggang Marso 31, 2024]

Pampublikong subsidy para sa mga gastusin (kapag tumatanggap ng paggamot bilang outpatient ng coronavirus)

Ang bahagi ng mga gastos ng mga sumusunod na mahal na gamot na inireseta para sa paggamot ng impeksyon sa coronavirus ay sasakupin ng pampublikong pondo.

  • Mga oral medicines “Lagebrio”, “Paxlovid” at “Xocova”.
  • Intravenous medications ” Vecluri “.
  • Neutralizing antibody medications “Zebudi”, “Lonaprieve” at “Evusheld”.

* Ang iba pang gastusing pang medikal, bayad sa reseta, bayad as ibang gamot at iba pang expenses ay hindi saklaw ng pampublikong pondo.

Mga detalye ng tulong pinansyal upang masakop ang bahagi ng mga expenses as mga gamot

Ang halaga na dapat bayaran ng pasyente ay tinutukoy ayon sa rate para sa mga medikal expenses.

Ang halaga ay 9,000 yen (30%), 6,000 yen (20%), at 3,000 yen (10%).

Ginagamit ang mga pampublikong pondo upang hindi magbago ang mga halaga sa itaas.

i-click dito para sa impormasyon tungkol sa pampublikong pondo para sa pagpapaospital para sa paggamot sa coronavirus.