Subsidy para sa mga medikal na gastos para sa paggamot ng coronavirus (kapag tumatanggap ng paggamot bilang outpatient) 新型コロナウイルス感染症の医療費の公費負担(外来診療を受けたとき)について 【2023年10月1日から2024年3月31日までの制度】 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2023/10/16 Monday Anunsyo, Coronavirus [Ang sistema ay magagamit mula Oktubre 1, 2023 hanggang Marso 31, 2024] Pampublikong subsidy para sa mga gastusin (kapag tumatanggap ng paggamot bilang outpatient ng coronavirus) Ang bahagi ng mga gastos ng mga sumusunod na mahal na gamot na inireseta para sa paggamot ng impeksyon sa coronavirus ay sasakupin ng pampublikong pondo. Mga oral medicines “Lagebrio”, “Paxlovid” at “Xocova”. Intravenous medications ” Vecluri “. Neutralizing antibody medications “Zebudi”, “Lonaprieve” at “Evusheld”. * Ang iba pang gastusing pang medikal, bayad sa reseta, bayad as ibang gamot at iba pang expenses ay hindi saklaw ng pampublikong pondo. Mga detalye ng tulong pinansyal upang masakop ang bahagi ng mga expenses as mga gamot Ang halaga na dapat bayaran ng pasyente ay tinutukoy ayon sa rate para sa mga medikal expenses. Ang halaga ay 9,000 yen (30%), 6,000 yen (20%), at 3,000 yen (10%). Ginagamit ang mga pampublikong pondo upang hindi magbago ang mga halaga sa itaas. i-click dito para sa impormasyon tungkol sa pampublikong pondo para sa pagpapaospital para sa paggamot sa coronavirus. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « (Oktubre/2023) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura Subsidy para sa mga gastusing medikal para sa paggamot ng bagong coronavirus (kapag na admit sa ospital) » ↑↑ Next Information ↑↑ (Oktubre/2023) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura 2023/10/16 Monday Anunsyo, Coronavirus (2023年10月)県営住宅の定期募集 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Oktubre Oktubre 4 (Martes) ~ Oktubre 31 (Martes), 2023 Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito. I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version) *Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang sa susunod na Miyerkules ng susunod na buwan. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Oktubre 31. *Mula Abril 2023, posible na ngayong lumipat sa prefectural housing nang walang pinagsamang guarantor. Gayunpaman, kinakailangan upang makakuha ng isang “emergency contact person” na gaganap sa mga sumusunod na tungkulin. Hindi kailangang bayaran ng emergency contact ang atraso sa upa ng nangungupahan. Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply) Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office Araw ng bunutan Araw ng pag-upa Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1 Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1 Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1 Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1 ※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas. Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang) Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod (1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802 (2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171 (3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Ohama district) TEL: 059-222-6400 Mangyaring sumangguni sa sumusunod na URL para sa impormasyon tulad ng “Mga Kwalipikasyon para sa paglipat” at “Mga dapat tandaan tungkol sa paglipat.” http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm *Lahat ng impormasyon ay nasa Japanese. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp