Sundin ang mga patakaran kapag pupunta sa mga beach

マナーを守って海水浴場で遊びましょう

2023/05/22 Monday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang Mie Prefecture ay maraming magagandang beach kung saan maraming tao ang nag-e-enjoy na mag stroll at lumangoy bawat taon.  Upang matiyak na ang mga lokal at turista ay magkakaroon ng masayang oras, hinihimok ng lalawigan ang lahat na sundin ang mga alituntunin upang ligtas na magsaya.  Bilang karagdagan, ang pag-iingat ay dapat ding gawin upang maiwasan ang mga aksidente at pinsala.

Dalhin ang iyong basura sa bahay

Upang mapanatiling malinis ang beach, dalhin ang iyong basura sa bahay at itapon ito.

Huwag direktang humawak ng apoy

Huwag mag-barbecue sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng apoy.  Kahit na gumamit ka ng apoy sa mga lugar na hindi ipinagbabawal, mangyaring huwag direktang hawakan ang apoy at huwag dumihan ang beach.

Gamitin nang maayos ang mga banyo

Humihingi ng tulong ang mga awtoridad sa lahat para mapanatiling malinis ang dalampasigan.

Huwag maghugas ng damit o pinggan sa dagat

Ihanda ang lahat ng kinakailangan sa bahay para mapanatiling malinis ang beach.

Huwag gumawa ng ingay

Ang malakas na musika o malakas na boses ay maaaring hindi komportable sa ilang mga tao, kaya gamitin ang beach nang maayos.

Isaalang-alang mga taong nakatira malapit sa beach

May mga taong nakatira malapit sa dagat.  Gamitin ang beach nang maayos.

Mag parking sa mga itinalagang lugar

Huwag pumarada sa mga lugar kung saan ipinagbabawal ang paradahan.  Hindi makakadaan ang mga emergency na sasakyan at maaapektuhan ang pampublikong sasakyan.  Mangyaring sundin ang mga patakaran.

Ang Coronavirus infection ngayon ay isa nang category 5 infectious disease

2023/05/22 Monday Anunsyo, Kultura at Libangan

「新型コロナウイルス感染症」が 5類感染症に移行しました

Noong Mayo 8, 2023, ang legal na katayuan ng impeksyon sa coronavirus ay naging kategorya 5 na nakakahawang sakit, kapareho ng seasonal na trangkaso.

Bilang resulta, ang mga paghihigpit sa paggalaw ng mga nahawaang tao, pagkilala sa mga taong may malapit na pakikipag-ugnayan sa mga nahawahan, paggamot sa mga nahawaang tao ng mga sentro ng kalusugan, bukod sa iba pang mga hakbang, ay hindi na kakailanganin.

Bagama’t walang mga paghihigpit sa paglabas sa mga pampublikong lugar pagkatapos lumipat sa Kategorya 5, kung ikaw ay may sakit, sa loob ng 5 araw pagkatapos lumitaw ang mga sintomas at sa loob ng 24 na oras mula nang mawala ang sintomas (lagnat, namamagang lalamunan atbp.), iwasan  pag-alis ng bahay hangga’t maaari.

Bukod pa rito, ang mga bagong gamot sa coronavirus na nakalista sa ibaba ay patuloy na popondohan ng sistema ng pampublikong kalusugan, ngunit ang iba pang gastos sa treatment ay babayaran ng pasyente (natapos na ang pampublikong pagpopondo para sa mga naturang gastos).

Mga gamot para sa treatment ng coronavirus na sasakupin ng pampublikong pondo

  • Mga oral medications (Lagevrio Paxlovid, Xocova)
  • Mga intravenous medications (Veklury)
  • Mga gamit upang ma-neutralize ang mga antibodies (Casirivimab/Imdevimab, Sotrovimab, Tixagevimabe/cilgavimabe)

Mga sentro ng konsultasyon at pangangalaga para sa mga impeksyon sa coronavirus (sa wikang Japanese lamang)

24 na oras na serbisyo (kabilang ang weekends at holidays)

  • Kuwana Public Health Center: 0594-24-3619
  • Yokkaichi Public Health Center: 059-352-0594
  • Suzuka Public Health Center: 059-392-5010
  • Tsu Public Health Center: 059-223-5345
  • Matsusaka Public Health Center: 0598-50-0518
  • Ise Public Health Center: 0596-27-5140
  • Iga Public Health Center: 0595-24-8050
  • Owase Public Health Center: 0597-23-3456
  • Kumano Public Health Center: 0597-89-6161

Mga Service Desk

  • Kung nahihirapan ka dahil sa coronavirus:

Tawagan ang MieCo, Mie Consultation Center para sa mga dayuhang residente

TEL: 080-3300-8077

Mga oras ng pagbubukas: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9am hanggang 5pm

Mga support language:  English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese

  • Kung nakakaranas ka ng mga problemang nauugnay sa vaccine at/o nangangailangan ng tulong sa pag-book ng vaccine:

Tawagan ang “Linya ng Konsultasyon sa vaccine ng Coronavirus para sa mga Dayuhang residente ng Mie” – Mie Gaikokujin Corona Vaccine Soudan Dial (みえ外国人コロナワクチン相談ダイアル)

TEL: 080-3123-9173

Mga oras ng pagbubukas: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9am hanggang 5pm

Mga support language: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese