Ang Coronavirus infection ngayon ay isa nang category 5 infectious disease 「新型コロナウイルス感染症」が 5類感染症に移行しました Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2023/05/08 Monday Seminar at mga events Noong Mayo 8, 2023, ang legal na katayuan ng impeksyon sa coronavirus ay naging kategorya 5 na nakakahawang sakit, kapareho ng seasonal na trangkaso. Bilang resulta, ang mga paghihigpit sa paggalaw ng mga nahawaang tao, pagkilala sa mga taong may malapit na pakikipag-ugnayan sa mga nahawahan, paggamot sa mga nahawaang tao ng mga sentro ng kalusugan, bukod sa iba pang mga hakbang, ay hindi na kakailanganin. Bagama’t walang mga paghihigpit sa paglabas sa mga pampublikong lugar pagkatapos lumipat sa Kategorya 5, kung ikaw ay may sakit, sa loob ng 5 araw pagkatapos lumitaw ang mga sintomas at sa loob ng 24 na oras mula nang mawala ang sintomas (lagnat, namamagang lalamunan atbp.), iwasan pag-alis ng bahay hangga’t maaari. Bukod pa rito, ang mga bagong gamot sa coronavirus na nakalista sa ibaba ay patuloy na popondohan ng sistema ng pampublikong kalusugan, ngunit ang iba pang gastos sa treatment ay babayaran ng pasyente (natapos na ang pampublikong pagpopondo para sa mga naturang gastos). Mga gamot para sa treatment ng coronavirus na sasakupin ng pampublikong pondo Mga oral medications (Lagevrio Paxlovid, Xocova) Mga intravenous medications (Veklury) Mga gamit upang ma-neutralize ang mga antibodies (Casirivimab/Imdevimab, Sotrovimab, Tixagevimabe/cilgavimabe) Mga sentro ng konsultasyon at pangangalaga para sa mga impeksyon sa coronavirus (sa wikang Japanese lamang) 24 na oras na serbisyo (kabilang ang weekends at holidays) Kuwana Public Health Center: 0594-24-3619 Yokkaichi Public Health Center: 059-352-0594 Suzuka Public Health Center: 059-392-5010 Tsu Public Health Center: 059-223-5345 Matsusaka Public Health Center: 0598-50-0518 Ise Public Health Center: 0596-27-5140 Iga Public Health Center: 0595-24-8050 Owase Public Health Center: 0597-23-3456 Kumano Public Health Center: 0597-89-6161 Mga Service Desk Kung nahihirapan ka dahil sa coronavirus: Tawagan ang MieCo, Mie Consultation Center para sa mga dayuhang residente TEL: 080-3300-8077 Mga oras ng pagbubukas: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9am hanggang 5pm Mga support language: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese Kung nakakaranas ka ng mga problemang nauugnay sa vaccine at/o nangangailangan ng tulong sa pag-book ng vaccine: Tawagan ang “Linya ng Konsultasyon sa vaccine ng Coronavirus para sa mga Dayuhang residente ng Mie” – Mie Gaikokujin Corona Vaccine Soudan Dial (みえ外国人コロナワクチン相談ダイアル) TEL: 080-3123-9173 Mga oras ng pagbubukas: bukas mula Linggo hanggang Biyernes, mula 9am hanggang 5pm Mga support language: English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepalese, Indonesian, Thai at Japanese Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Impormasyon sa Mga Espesyal na Konsultasyon sa mga Abogado, Clinical Psychologist at Immigration (Abril 2023 hanggang Marso 2024) Sundin ang mga patakaran kapag pupunta sa mga beach » ↑↑ Next Information ↑↑ Impormasyon sa Mga Espesyal na Konsultasyon sa mga Abogado, Clinical Psychologist at Immigration (Abril 2023 hanggang Marso 2024) 2023/05/08 Monday Seminar at mga events 弁護士、臨床心理士、出入国在留管理局への専門相談会のお知らせ (2023年4月~2024年3月実施分) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang mga konsultasyon sa telepono sa mga eksperto ay magaganap sa mga sumusunod na petsa. Ang mga taong gustong kumuha ng appointment ay dapat gumawa ng reservation nang hindi bababa sa 5 araw bago ang petsa ng appointment. Kung gusto mong magpareserba o may mga tanong tungkol sa pagkuha ng appointment, tumawag sa MieCo (080-3300-8077). Libre ang mga konsultasyon. Horas ng konsultasyon First time: 1:30 pm hanggang 2:30 pm Second time: 3pm hanggang 4pm Mga eksperto na maaring magpakunsulta Mga abogado (mga konsultasyon sa mga batas na may kaugnayan sa diborsyo, aksidente sa trapiko, bukod sa iba pa) Mga clinical psychologist (mga konsultasyon tungkol sa mga damdamin ng depresyon, kawalan ng tulog, bukod sa iba pa) Immigration, Zairyu Kanrikyoku (mga konsultasyon sa mga procedures sa imigrasyon, bukod sa iba pa) Mga petsa ng konsultasyon sa mga abogado Abril 7, 2023 (Biyernes) Abril 21, 2023 (Biyernes) Mayo 12, 2023 (Biyernes) Hunyo 2, 2023 (Biyernes) Hunyo 23, 2023 (Biyernes) Hulyo 14, 2023 (Biyernes) Agosto 4, 2023 (Biyernes) Agosto 25, 2023 (Biyernes) Setyembre 15, 2023 (Biyernes) Oktubre 6, 2023 (Biyernes) Oktubre 27, 2023 (Biyernes) Nobyembre 17, 2023 (Biyernes) Disyembre 1, 2023 (Biyernes) Disyembre 22, 2023 (Biyernes) Enero 19, 2024 (Biyernes) Pebrero 2, 2024 (Biyernes) Marso 15, 2024 (Biyernes) Mga petsa ng konsultasyon sa Immigration (Zairyu Kanrikyoku) Abril 13, 2023 (Huwebes) Mayo 11, 2023 (Huwebes) Hunyo 8, 2023 (Huwebes) Hulyo 13, 2023 (Huwebes) Agosto 10, 2023 (Huwebes) Setyembre 14, 2023 (Huwebes) Oktubre 12, 2023 (Huwebes) Nobyembre 9, 2023 (Huwebes) Disyembre 14, 2023 (Huwebes) Enero 11, 2024 (Huwebes) Pebrero 8, 2024 (Huwebes) Marso 14, 2024 (Huwebes) Mga petsa ng konsultasyon sa mga clinical psychologist Mayo 26, 2023 (Biyernes) Hulyo 28, 2023 (Biyernes) Setyembre 22, 2023 (Biyernes) Nobyembre 24, 2023 (Biyernes) Enero 26, 2024 (Biyernes) Marso 22, 2024 (Biyernes) i-click dito upang tingnan ang pamphlet ng konsultasyon Kung gusto mong magtanong tungkol sa mga problema sa pang-araw-araw na buhay, i-click dito Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp