“ASMILE”, Binuksan ang Center of Animal Protection sa lalawigan ng Mie

三重県動物愛護推進センター「あすまいる」がオープンしました

2017/07/03 Monday Anunsyo

Ang Center for the Protection of Animals ng lalawigan ng Mie na  “ASMILE”, na may layunin na “isang lipunan na kung saan makakapamuhay ng ligtas at mapayapa ang mga tao at hayop” ay binuksan noong May 28, 2017 (Linggo).

Ang ASMILE ay isang neolohismo na nakuha mula sa paghalo ng “Animal” at “Smile” na nagbibigay ng mensahe na magpapakalat ng mga ngiti sa lahat ng tao at hayop. Ang  “ASMILE” ay nago-organize  ng adoption ng aso at pusa na inabandona ng kanilang mga amo na may iba’t-ibang rason hanggang sa pag rescue ng mga hayop na nabiktima ng natural disasters at mabigyan ito ng tahanan.

Noong nakaraang taon, mahigit 600 na aso at pusa ang nakupkop sa lalawigan, subalit may ibang mga hayop na sa kasawiang palad ay hindi naisalba. Ang layunin ng organisasyon ay tuluyang maitigil na ang pag slaughter ng mga aso at pusa sa lalawigan hanggang sa 2023.

Mangyaring bumisita sa “ASMILE”, upang makita ang mga aso at pusa na naghihintay sa kanilang mga bagong amo!!

・i-click upang mabuksan ang poster ng “ASMILE” (sa wikang Japanese lamang)

Contact information

ASMILE – Center for Protection of Animals sa lalawigan ng Mie

〒514-1254 Tsu-shi Moricho 2438-2

Contact Number: 059-253-1238

http://www.pref.mie.lg.jp/ASMILE/

Opening hours: 9:30am ~ 4:30pm

Holidays: kada Miyerkules at Sabado (hindi kasali ang mga commemorative na araw), Ang susunod na linggo pagkatapos ng isang commemorative na araw, Holiday ng simula at katapusan ng taon

Alamin ang Consumer Rights Consultation Service

2017/07/03 Monday Anunsyo

消費生活に関するトラブル相談窓口の紹介

Kapag ikaw ay nakakaranas ng mga problema kaugnay sa mga produkto at serbisyo (mga kontrata, mga malisyosong pagbenta, mga problema na kinasasangkutan ng mga serbisyo, pagkain, at iba pang mga produkto), huwag magdusa ng mag-isa! Humiling ng appointment sa Municipal Consumer Consultation Center o sa Consumer Center ng Mie Province

<Obserbasyon para magsagawa ng konsultasyon>

Kapag sa palagay mo, ikaw ay may problema, agarang humiling ng appointment.

Inererekomenda na ang contract holder ang siyang gumawa ng konsultasyon. (ang konsultasyon ay sa wikang Japanese lamang. Kapag mahihirapan sa pagcommunicate, magsama ng tao na marunong mag Japanese).

Ihanda ang mga kaugnay na dokumento katulad ng kontrata, atbp.

<Lugar ng konsultasyon>

  • Consumer Hotline TEL: 188 (Walang Area Code)

Kapag tumawag sa “188”, isang statement ang ilalabas at ang tawag ay mafo-forward sa pinakamalapit na Consumer Consultation Center o sa Consumer Center ng Mie Prefecture.

  • Mie Province Consumer Center Dedicated to Consultation

TEL: 059-228-2212
Office hours:
Lunes hanggang Biyernes: 9a.m. hanggang 4p.m. (maliban na lang sa oras ng pagitan ng 12p.m. at 1p.m.) * Posible na makapagkonsulta ng direktahan
Linggo 9a.m. – 3p.m. (maliban na lang sa oras ng pagitan ng 12p.m. at 1p.m.)
* Maliban sa Commemorative Holidays · Days Off · Desyembro 29 – Enero 3
Address: 〒514-0004 Mie-ken Tsu-shi Sakaemachi 1-954    Government Office Building of Mie-ken Sakaemachi – 3F
URL: http://www.pref.mie.lg.jp/SHOUHI/HP/

I-click ang link sa ibaba upang makita ang Municipal Consumer Consultation Center ng kada siyudad at municipality.
http://www.pref.mie.lg.jp/SHOUHI/HP/81765046344.htm