Mga Bakante para sa Metal Molding Course ng Tsu Technical School Abril 2023 三重県立津高等技術学校 金属成形科 2023年度 4月入校生の募集 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2023/02/09 Thursday Anunsyo, Edukasyon Certification JIS welding certification (SA-2F, SA-3F basic grade, 1-2F) Certification ng skill training course ng gas welding registered by <Mie Labor Bureau Director Registration Teacher Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)> Certification ng safety and health special education in Arc Welding Certificate of completion ng special education for free grinding and wheel replacement. (Optional) Slinging skill training course certificate <Registration training institution of Mie Labor Bureau (Mie Labor Bureau No. 20-2)> Bilang ng maaaring sumali: 10 Training period Abril 6, 2023 (Huwebes) hanggang Setyembre 5, 2023 (Martes) – Duration ng 6 na buwan (Maliban sa Sabado, Linggo, holiday at mga araw kung saan hindi isinasagawa ang inire-rekumendang pagsasanay) Oras ng pagsasanay: 8:30 ~ 15:40 Halaga LIBRE ang tuition Sa panahon ng entrance procedure, work expenditure, protective equipment, disaster insurance etc. ito ay nagkakahalaga ng 20,000 yen. Sino ang maaaring sumali Yung mga taong motivated upang makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa metal forming department at naaangkop sa mga sumusunod: Isang foreign national na may status of residence na walang restrictions sa pagtatrabaho. ※ Subalit, dapat mayroong daily conversation level sa wikang Japanese at nakakapagsulat at nakakapagbasa ng Hiragana Para sa mga taong walang work experience o kulang sa experience. Vocational training entrance screening Ang mga nais sumali sa pagsasanay ay dapat lumahok sa entrance examination. Araw ng exam Unang screening: Pebrero 13, 2023 (Lunes) Pangalawang screening: Marso 6, 2023 (Lunes) Pangatlong screening: Marso 24, 2023 (Biyernes) (Mangyaring tandaan na ang pangalawa at pangatlong screening ay hindi maipatutupad kung ang bilang ng mga kalahok ay umabot na sa kapasidad.) Para sa mga nais na makilahok sa entrance exam, mangyaring sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work). Ang entrance examination content ay qualification test, hiragana test, individual interview. Mangyaring pumunta sa Tsu technical school ng 9:00 am ng petsa ng opening. Sa araw ng pagsusulit ay siguraduhin na dalhin ang: Pansulat (black ballpoint pen, pencil, eraser) Personal Seal (Hindi tatanggapin ang Shachihata) Residence card (para lamang sa foreign nationals) Hello Work Card and isa sa mga sumusunod: KOYO HOKEN JUKYU SHIKAKUSHA-SHO para sa mga tumatanggap ng seguro sa pagkawala ng trabaho. Para sa mga iba pa kaysa sa nabanggit sa itaas, magdala ng identification card (driver’s license, health insurance card, atbp.) Paraan ng pagpasok Ang school decision notice at mga dokumento sa pagpaparehistro ay ipapadala lamang sa mga matagumpay na aplikante. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon. I-enclose sa sulat ang decision notice at ipadala ang dokumento na “Para sa mga nagpaplano na pumasok sa paaralan”. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon. Hindi maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa pagtanggap ng entry sa pamamagitan ng telepono atbp. Ang pinakamalapit na public transport JR= 15 min by foot galing sa Takachaya Station Kintetsu= bumaba sa Hisai station, higashi guchi (west exit), sumakay ng bus galing sa Sanko bus patungong Kumozu Koukan-cho o sa Karasu Koen, bumaba sa Takachaya Danchi Mae at lakarin ng 5 minuto. Lugar para sa impormasyon, pagpaparehistro at pagtatapos ng kurso 〒514-0817 Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2 Mie Kenritsu Tsu Kouto Gijutsu Gakko Kinzoku Seikei-ka Nyukou Tanto: Kato or Kitamura (mga taong in charge sa metal modeling course) TEL 059-234-3135 FAX 059-234-3668) TEL: 059-234-3135 FAX: 059-234-3668 Homepage: https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/tanki/kinzoku/index.html Panfletos: Portuguese Español English Japonese Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Magsuot ng helmet kapag nagbibisikleta Mga pagsisikap na nauugnay sa edukasyon sa Japanese language sa Mie Prefecture » ↑↑ Next Information ↑↑ Magsuot ng helmet kapag nagbibisikleta 2023/02/09 Thursday Anunsyo, Edukasyon 自転車に乗るときはヘルメットをかぶりましょう!! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Batas Trapiko (Douro Koutsu-ho) ay binago at mula Abril 1, 2023, magiging mandatory na magsuot ng helmet kapag nakasakay sa bisikleta. Kaugnay ng mga aksidente sa bisikleta at helmet (mula sa mga materyales ng National Police Agency, 2017-2021) Humigit-kumulang 60% ng mga taong namamatay sa mga aksidente sa bisikleta nang hindi nakasuot ng helmet ay may pinsala sa ulo. Mahalagang protektahan ang ulo upang mabawasan ang pinsala. Sa mga aksidente sa bisikleta, ang rate ng namamatay na walang helmet ay humigit-kumulang 2.2 beses na mas mataas kaysa sa nakasuot ng helmet. * Ang fatality rate ay ang proporsyon ng pagkamatay ng mga biktima. Ang helmet ay maaaring magligtas ng iyong buhay sa mga aksidente sa trapiko. Magsuot ng helmet upang iligtas ang iyong buhay. I-click dito upang tingnan ang leaflet ng Mga Panuntunan ng Daan para sa Mga Bisikleta (bagong “limang panuntunan para sa ligtas na paggamit ng bisikleta”) Contact (sa wikang Japanese lamang) Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han TEL: 059-224-2410 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp