
< Pebrero 1 hanggang Marso 18 ang panahon ng cybersecurity>
Ang mga computer at smartphone ay ginagamit ng maraming tao, mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda at naging isang importanteng bahagi ng ating buhay. Sa partikular, nagkaroon ng pagtaas sa mga konsultasyon sa pulisya tungkol sa email sa phishing.
Upang magamit ang Internet, e-mail, atbp. nang may kapayapaan ng isip, kumuha tayo ng “tamang kaalaman at paggamit” at alamin ang mga modus ng cybercrime upang maiwasan ang maging biktima.
Mag-ingat sa mga tech support scam!
Ang tech support scam ay tumutukoy sa pagpapakita ng pekeng screen ng babala gaya ng “ang iyong (computer/smartphone) ay nahawaan ng virus” habang nagba-browse sa Internet upang pukawin ang pagkabalisa ng user at tawagan nila ang numero ng telepono na ipinapakita sa screen , gawin ang nakabatay sa kontrata ng serbisyo sa pamamagitan ng remote na kontrol ng computer.
Mga pamamaraan na ginagamit sa pag-atake
Ang biglaang pagtunog at pag flash ng warning screen ay nagsasanhi ng panic sa mga user paraan upang tawagan ang support desk na naka flash sa screen.
↓
Nang tumawag ako, sumagot ang isang operator na nag-pakilala na siy ay mula sa isang support company at nagsabing, “Ang iyong computer ay nahawaan ng virus.”
↓
Ang user ay inutusan ng operator na i-install ang remote control software upang ang operator ay makapagsagawa ng tech support.
↓
Bagama’t ang tunog ng babala at ang screen ng babala ay nawala, ang pagbabayad sa pamamagitan ng credit card o pagbabayad sa isang convenience store ay sinisingil sa ilalim ng pagkukunwari ng bayad para sa annual labor and support costs.
Upang hindi mabiktima
- Huwag tawagan ang numerong ipinapakita sa mga prompt screen.
- Huwag magbayad gamit ang credit card o electronic money.
- Isara ang browser na may mga pekeng screen ng babala.
- Kung naka-install ang remote control software, alisin ang software at magpatakbo ng virus scan.
Mag-ingat na huwag basta-bastang “huwag buksan, huwag i-click, huwag i-type”!!
Tingnan din ang artikulong “Mag-ingat sa Mga Cyber Attack (mga email sa phishing)!”
Bukod sa mga phishing email at tech support scam, gumawa ng appointment kung sa tingin mo ay hindi ka ligtas na makatanggap ng hindi kilalang email sa pagsingil, atbp.
Mga consutation desk
Telepono ng Konsultasyon sa Seguridad ng Pulisya (Keisatsu Anzen Soudan Denwa) #9110 (Japanese lang)
*Para sa mga dial-in na telepono, tumawag sa 059-224-9110
Mga oras ng pagbubukas mula 9 am hanggang 5 pm (maliban sa weekend, commemorative days at New Year’s holidays)
Para sa mga katanungan sa maraming wika, gamitin ang MieCo, Mie Foreign Residents Consultation Center
Telepono 080-3300-8077
Linggo hanggang Biyernes, 9:00 am hanggang 5:00 pm (maliban sa weekend, commemorative days at New Year’s holidays)
Ang mga sinusuportahang wika ay English, Portuguese, Spanish, Filipino, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali, Indonesian, Thai at Japanese.