(Abril/2022) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2022年4月)県営住宅の定期募集

2022/04/13 Wednesday Anunsyo, Paninirahan

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Abril
Abril 1 (Biyernes) ~ Abril 30 (Sabado), 2022

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

Ang impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat at mga patakaran at regulasyon sa pabahay ng prefectural ay maaari ding matagpuan ang pag-click dito (sa japanese lang).

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang Hunyo 1, 2022 (Miyerkules). Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Abril 31.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400

Spring National Traffic Safety Campaign

2022/04/13 Wednesday Anunsyo, Paninirahan

「春の全国交通安全運動」を実施します

Ang Abril ay ang buwan kung kailan magsisimula ang mga klase at daycare para sa mga bata.

Kung magpapatuloy ang mainit na panahon, maaaring magambala ang atensyon ng mga driver at inaasahang tataas ang bilang ng mga aksidente.

Ang campaign na ito ay upang itaas ang kamalayan sa kaligtasan sa trapiko, sundin ang mga patakaran sa trapiko at mabawasan ang mga aksidente.

  1. Period

Abril 6 (Miyerkules) hanggang Abril 15 (Biyernes) 2022 10-araw na period

* Ang Abril 10 (Linggo) ay ang “Araw para sa Zero Traffic Deaths”

  1. Mahahalagang puntos
    1. Pagtiyak sa kaligtasan ng mga pedestrians kabilang ang mga bata
  • Dapat ding sundin ng mga pedestrian ang mga patakaran sa trapiko, tulad ng “bantayan ang mga traffic lights” at “huwag biglang tumawid sa kalsada”.
  • Kapag tumatawid sa isang pedestrian lane, siguraduhing munang nakahinto ang sasakyan bago tumawid.
    1. Pagpapabuti ng kamalayan sa ligtas na pagmamaneho tulad ng proteksyon ng mga pedestrian at pagpuksa sa pagmamaneho ng lasing.
  • Ang mga pedestrian ay binibigyang priyoridad kapag tumatawid sa lane. Ang driver ay obligadong magdahan-dahan at/o huminto sa harap ng lane.  Magmaneho nang may paggalang at kaligtasan.
  • Huwag kailanman magmaneho ng kotse kapag naka-inom ka ng alak.
    1. Masusing pagsunod sa mga tuntunin sa trapiko ng bisikleta at pagtiyak ng kaligtasan
  • Ang mga bisikleta ay mayroon ding sariling mga batas trapiko, tulad ng mga kotse. Sundin ang mga batas trapiko at ligtas na sumakay.
  • Ang mga bisikleta, sa prinsipyo, ay dapat magmaneho sa mga daanan ng sasakyan (maliban sa mga bangketa).
  • Kapag nagmamaneho sa kalsada, magmaneho sa kaliwang bahagi.
  • Ang mga pedestrian ay may priyoridad sa sidewalk. Kapag nasa sidewalk, dahan-dahang magmaneho patungo sa kalsada.
  • Ang pagsakay habang lasing, riding in tandem o pagsakay sa iba pang mga bisikleta na magkasabay ay ipinagbabawal.
  • Kapag magba-bike sa gabi, huwag kalimutang buksan ang mga ilaw. Ang mga bata ay dapat palaging magsuot ng helmet

I-click dito upang makita ang flyer.

  1. Contact (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

TEL: 059-224-2410