Career Guide – Para sa mga dayuhang bata 外国人の子どもに向けた[キャリアガイド] Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/07/23 Thursday Edukasyon, References Career Guide Para sa mga dayuhang bata Mga posibilidad na walang hanggan! Ang mga impormasyon tungkol sa trabaho na nakasalin sa ibat ibang wika ay hindi sapat. Ang manuscript na ito ay ginawa sa layuning bigyang ng pagkakataong makapili ng kursong gustong pag-aralan ng maaga at pag nakatapos ay maging isang huwaran at kapaki-pakinabang na mamamayan ng bansang Japan. Inaasahan namin na kahit isa man lang sa mga batang ito, kapag lumaki na, ay maging kapaki-pakinabang sa ibat ibang aspeto ng lipunan dito sa Japan. Mga detalye tungkol sa ibat ibang trabaho Paglalarawan ng ibat ibang uri ng trabaho, anong uri ng trabaho ang ginagawa dito. Mag-research o kaya ay magtanong sa guro at mga kaibigan sa nais na maging trabaho o propesyon. Course Chart Ang chart tungkol sa trabaho na nangangailangan ng certificate ay ibinibigay sa estudyante pagkatapos maka-graduate sa junior high school o senior high school. Lugar ng pagtatrabahuhan Pagpapakilala ng pangunahing lugar ng pagtatrabahuhan at suweldo. Ang estimate na halaga ng annual income at initial salary ay nakasaad sa handbook at internet. Gamitin ito bilang standard reference. Ang tungkol sa mga gastusin. Pagkatapos makagraduate ng junior at senior high school, nagbibigay kami ng impormasyon tungkol sa estimate ng halagang gagastusin kapag nagpatuloy ng pag-aaral sa university o technical at vocational school. Ang halaga ng tuition fee ay depende sa school na papasukan. Para sa mga detalye, magtanong sa school na papasukan (paaralang nais na pasukan). Student Loan Sa Japan Student Services Organization, maaring makahiram ng student loan.(Homepage http://www.jasso.go.jp/shougakukin/)para pambayad ng tuition fee sa senior high school at university. Para sa detalye, makipag-ugnayan sa school na nais pasukan. Bukod dito, mayroon ding ibinibigay na scholarship ang prefecture at ilang hospital sa mga nais kumuha ng nursing at medical course. Makipag-ugnayan sa school na papasukan. Career Guide – Para sa mga dayuhang bata Teacher (Guro) Nursery Teacher Doktor Public health nurse Midwife Nurse/assistant nurse Parmasiyotiko Physical therapist Masahista ng hiatu/Therapist Beautician Barbero Fashion designer Social worker Clinical psychologist Care giver Home helper Abogado Patent lawyer Judiciary scrivener Administrative scrivener Labor at social insurance consultant Certified public accountant Certified tax accountant Medium/Small business connsultant Custom officer Surveyor ng bahay at Lupa Real estate negotiattor Real estat appraiser Arkitekto Karpintero Nutrisyonista Chef Pastry maker Agrikultura o pagsasaka Forestry Pangingisda Empleyado ng pamahalaan/Civil servant Mekaniko ng sasakyan Interpreter Tour conductor Cabin attendant Ground staff/Airport employees Information technology technician Cartoon artist Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « [Matsusaka] Ika-51 Nigiwai Shijo – Natsu Matsuri Sagutan ang survey para sa 2015 National Census! » ↑↑ Next Information ↑↑ [Matsusaka] Ika-51 Nigiwai Shijo – Natsu Matsuri 2015/07/23 Thursday Edukasyon, References 平成27年7月25日(土)に松阪市で「第51回にぎわい市場デー:夏まつり」が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ika-51 Gaganapin ang「Summer Fiesta sa Nigiwai Market」 Ang local wholesale market sa Mie ay bukas kada ika-4 na Sabado ng buwan at nagbebenta ng mga produktong may kaugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Magkakaroon ng pagkakataon na malaman kung anong uri ng pamihilihan mayroon sa local market at ang mga produktong dito lamang mabibili. Sa Hulyo 25 ay ipagdiriwang ang「Summer Fiesta sa Nigiwai Market」at inaanyayahan ang lahat na dumalo lalo na ang mga batang nasa elementarya at ang kanilang mga magulang, gayundin ang mga pangakaraniwang mamimili upang mag-obserba sa local market. Petsa: Hulyo 25 (Sabado) 8:30 – 12:00 ng tanghali Lugar: Mie Local Market Wholesale Related Product (Matsuka-shi Ozucho 800) Mga Nilalaman: (1) Pagbebenta ng mga related product Sari-saring sariwang isda, seasonal na prutas, processed food, pang-sangkap sa pagkain, pangkaraniwang produktong ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay, snack, tinapay, bulaklak, preserved food, pangsahog sa pagkain, inihaw na unagi at iba pa. (2) Events sa araw na ito Magpapalabas kung paano hinihiwa ang isdang “Maguro”, Pakwan game (libreng pagtikim) Maaring makipag-ugnayan sa: Mie Chuo Market Management Company (Tel: 0598-56-8111) Oras ng Pagtawag: weekdays 9:00 – 16:30 Iba pa: – Hindi maaring pumasok para magbenta ang mga walang kaugnayan sa pasilidad ng local market. – Iwasan na magtungo sa wholesale market ng mas maaga sa 8:30 dahil maaring makaabala sa paglalabas ng mga produkto. – Paunawa na maaring maubos agad ang mga paninda kayat maari itong magsara ng mas maaga. Mapa patungo sa local wholesale market at kung paano magpunta dito: http://www.pref.mie.lg.jp/CHIZU/oroshi.htm Link Homepage: http://shijyo-management.com/new2.php?no=20150709_110347 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp