Regulasyon ng trapiko sa mga assumed route ng Ise-Shima Sum

伊勢志摩サミットにおける交通規制想定路線のお知らせ

2016/05/18 Wednesday Kaligtasan, Selection

trafic-information

Sa mga araw ng May 25 (Wed) hanggang May 28 ( Sat), alinsunod sa mga galaw ng mga world leader, ay ipapatupad ang pansamantalang regulasyon sa trapiko sa mga expressway ng rehiyon at mga kalsada ng Ise-Shima, ang mga route na pansamantalang magpapatupad ng traffic restriction ay nakalista sa pulang linya ng brochure sa ibaba.

Expressway

May 25(Wed)・May 26(Thu):galing Nagoya hanggang direksyon ng Ise

May 27(Fri)・May 28(Sat):galing Ise hanggang direksyon ng Nagoya

Mga kalsada ng Ise Shima Region

Sa mga araw ng May 25(wed)hanggang May 28(Sat)ay ipapatupad ang temporaryong regulasyon sa mga kalsada ng Ise Shima area. Hinihiling naming ang inyong kooperasyon sa pagsunod sa mga instructions ng mga awtoridad.

Alinsunod sa sitwasyon ng mga araw na iyon, maaring magkaroon ng pagbabago sa mga regulasyon.

trafic-double

Kailangang sumailalim sa Rabies Vaccination ang alagang aso

2016/05/18 Wednesday Kaligtasan, Selection

愛犬の狂犬病予防接種について

kyokenbyo

Wala nang Rabies dito sa Japan simula pa noong 1975, subalit ito pa rin ang isang sakit na laganap sa malawak na lugar sa buong mundo. Ang rabies ay nagpapakita ng mga neurological na sintomas tulad ng pagkaparalisado at pagkalito sa kaisipan, Ito ay halos 100 porsiyento na nakakamatay na sakit sa aso at sa tao. May tinatayang 55,000 katao sa isang taon ang namamatay mula sa rabies.

Ang pagrehistro at vaccination ng mga alagang aso ay inutos ng Rabies Prevention Law ng Japan in case lumaganap ang sakit na rabies.

Ang buwan ng Rabies Vaccination ay ginaganap taun-taon mula Abril hanggang Hunyo. Tuwing Abril ng mga nakaraang taon ay nagsagawa ng mga vaccination sa ibat-ibang lugar sa bawat lungsod at sa beterenaryo. (sa beterenaryo ay maaaring makapagpa-bakuna sa buong taon)

Para sa mga may-ari ng aso, mangyaring sumunod sa mga obligasyon na itinakda ayon sa Rabies Prevention Method。

1 Pagpapa-rehistro ng alagang aso

2 Pagpapa-bakuna ng Rabies Vaccination

3 Pagpa-lisensya・Patunay na pagsailalim ng vaccination.

※Para sa karagdagang impormasyon, magtanong sa Mie Prefecture Health and Welfare Department Food Safety Division,Life, health and animal welfare group o sa department na in charge sa bawat lungsod at bayan. (Sa wikang hapon lamang). ※ Ang pagbakuna at pagrehistro ay available na may karagdagang bayad.

Reference

http://www.pref.mie.lg.jp/SHOKUSEI/HP/70449044510.htm

http://www.mhlw.go.jp/bunya/kenkou/kekkaku-kansenshou10/