Para sa lahat ng mangagaling sa Chubu International Airport

2016/05/18 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

centrair

Alinsunod sa Summit, mas lalong pinahigpit ang alerto sa seguridad sa Chubu International Airport at sa kapaligiran nito. Bilang karagdagan sa checkpoints malapit sa airport, ay ipinatupad din ang mga checkpoints sa pasilidad ng airport.

Minsan ang pag biyahe sa eroplano ay natatagalan dahil sa mga procedure ng boarding kaya’t mangyaring umalis ng maaga upang hindi magahol sa oras.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon sa Summit security.

Ang pagpapatupad ng checkpoints sa mga nakapalibot na lugar sa Chubu International Airport

Mula sa kalagitnaan ng Mayo, ang checkpoints sa paligid ng “Rinku IC” ay pinahigpit. Kung dadaan sa super highway patungong Chubu International Airport, hinihiling namin ang kooperasyon ng lahat ng sasakyan sa checkpoints na isasagawa sa “Rinku IC”.

Bilang karagdagan, dahil inaasahan na magiging mabigat ang trapiko sa paligid ng “Rinku IC”, sa mga taong pupunta sa palibot ng Tokoname City, mangyaring dumaan sa “Tokoname IC”.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at kooperasyon sa Summit security.

 

Source: Aichi Prefectural Police

http://www.pref.aichi.jp/police/

Reference

https://www.pref.aichi.jp/police/anzen/samitai/centrair1.html