Mga Paraan ng pag-iwas tuwing may bagyo 防災講座 「台風について」 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2014/07/06 Sunday Kurso tungkol sa kalamidad, Selection Mayroong mga malalaking bilang ng bagyo (tinatawag na taifu sa Japanese) ang dumadating sa Japan kada taon. Ang bagyo ay isang natural na phenomenon na maaaring mangyari kapag ang mga ulap ay nagdadala ng madaming tubig at naiipon kaya’t nagre-resulta ito ng maligamgam na alon sa karagatan. Ang mga bagyo ay kadalasang nangyayari tuwing buwan ng tag-init, na may madaming bilang ng bagyong padating tuwing kalagitnaan ng Hunyo at Septyembro. Ang mga warnings at advisories ay kadalasang ini-issue tuwing bagyo. Importante na tutukan ang mga updates na galing sa mga weather services, gobyerno, news agencies via television, radio, at sa Internet. Klasipikasyon ng Tropical Storms at Typhoons Lakas Klasipikasyon Wind Speed(m/s) Ang lakas ng bagyo ay natutukoy sa pamamagitan ng bilis ng wind speed (sa meters/second) 1. Strong typhoon 2. Very strong typhoon 3. Violent typhoon 33 ~43 44 ~ 53 54 o pataas Laki Klasipikasyon Radius(km) Ang Laki ng bagyo ay natutukoy sa pamamagitan ng radius ng rehiyon na nakakaranas ng gale force winds (na may average wind speed na 15km/s o mas mataas) 1. Large 2. Super 500 ~ 799 800 pataas Ang figure na ito ay nagpapakita ng inaasahang laki ng bagyo at daan nito ng higit sa tatlong araw. Ang “lugar ng bagyo” ay ang lugar kung saan ang mas malapit sa sentro ng bagyo. Ang area na ito ang makakaranas ng malakas na pag-ulan at hangin ng 25km/s at pataas. Kapag ang lugar ng bagyo ay patungo sa inyong area, kinakailangang maging alerto tungkol sa impormasyon ng bagyo. Ang mga impormasyon tungkol sa lakas, laki at prediksyon ng daan ng bagyo ay ibo-broadcast via television at iba pang media. Ang Large scale na bagyo ay nakakadulot ng malakas na hangin at pag-ulan, na kung saan mapipinsala nito ang mga apektadong lugar. Ang mga bagyo ay nakakasira ng mga gusali at may mga namamatay din dahil dito sa lahat ng prefecture sa Japan, kasama na ang Mie noong mga nakaraang taon. Evacuation Alerts Paghahanda sa pag-evacuate (避難準備情報, hinan junbi jouhou) =Ang mga taong may pisikal na kapansanan, mga matatanda, pamilya na may mga bata, at iba pang tao na kinakailangan ng adisyonal na horas para makapag-evacuate ay kailanagang maghanda na sa pag-evacuate.Tuwing may natural na sakuna, ang mga lungsod at siyudad o mga town mayors ay magi-issue ng rekomendasyon sa pag-evacuate o mago-ordena ng evacuation. Rekomendasyon sa pag-evacuate (避難勧告, hinan kankoku) =Ang alerto na ito ay ini-issue kapag nasigurado na tumaas ang banta ng pinsala sa mga tao na nakatira sa area. Hanggat maaari ay magsimula ng lumikas sa pagkakataon na ito. Pag-ordena ng evacuation (避難指示, hinan shiji) =Ang alerto na ito ay ini-issue kapag napakataas na ng banta sa pinsala sa mga residente. Habang ang alerto na ito ay hindi legally binding, mahalaga na sundin ito at lumikas na agad sa lugar. Mangyaring mag-evacuate na kaagad kapag may na-issue na rekomendasyon sa pag-evacuate at pag-ordena ng evacuation. Kapag sa palagay ninyo kayo ay nasa panganib, mangyaring lumikas na sa lugar kahit wala pang ini-issue na alerto. Proteksyunan ang sarili tuwing bagyo Ano ang maaari nating gawin para makapag-handa at ma-protektahan ang sarili tuwing may bagyo? Narito ang mga ilang bagay upang masiguro ang kaligtasan natin at ng ating pamilya. 1.Ang mga gamit o bagay na maaaring liparin ng malakas na hangin ay kailanagang tanggalin sa mga veranda at ilagay sa loob ng bahay. 2.Maghanda ng flashlight o torch para sa maaaring posibilidad ng evacuation o brownout. Importante na isama ang flashlight o torch sa inyong emergency kit o bag. 3.Sa oras ng bagyo, maaaring maputol ang supply ng tubig. Mag-ipon ng tubig para magamit sa sitwasyon na ito sa pamamagitan ng pagpuno ng tubig sa bathtub bago pa man dumating ang bagyo. 4.Isara ang storm doors at ibaba ang mga shutters ng bintana. Isara ng mabuti at i-lock ang mga bintana at pintuan. 5.I-check regularly ang mga gutters ng bubong kung ito ay barado o di kaya natanggal ito sa pagkakadikit sa inyong bubong. I-check din palagi kung ang inyong mga tiles sa bubong at antenna ng TV ay nakadikit ng mabuti sa inyong bubong. 6.Makipag-usap sa inyong pamilya kung saan ang pinaka-malapit na evacuation center at papano kayo makakapag-communicate sa isa’t-isa sa oras ng natural na sakuna. 7.Iwasan ang paglabas sa inyong bahay hanggat maaari. Search and Rescue Tuwing at Pagkatapos ng Natural na Sakuna Pagkatapos ng isang large-scale na natural na sakuna, ay posibleng matatagalan pa bago maabot ng mga bombero at mga Self-Defense Force personel ang mga apektadong lugar. Kaya’t importante sa mga miyembro ng mga apektadong komunidad na tulungan ang isa’t-isa pagkatapos humagupit ang sakuna. Pagkatapos ng Hanshin-Awaji Earthquake, 80% ng mga tao na na-rescue ay na-rescue ng kanilang mga kapitbahay o pamilya. Dito ay nagpapakita ng importansya ng kooperasyon sa ibang miyembro ng inyong komunidad tuwing oras ng sakuna. Alalahanin natin na ang simpleng pagbati sa umaga ay makakatulong sa pagtatag ng relasyon na kinakailangan para sa miyembro ng komunidad na masugpo ang mga natural na sakuna sa hinaharap. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Ang Pagtatapos sa Middle School at High School at pagpapatuloy sa Mas Mataas na Edukasyon Multicultural Integration and Japanese society » ↑↑ Next Information ↑↑ Ang Pagtatapos sa Middle School at High School at pagpapatuloy sa Mas Mataas na Edukasyon 2014/07/06 Sunday Kurso tungkol sa kalamidad, Selection [教育シリーズ⑦] 中学校・高校卒業後の進路 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Mayroong iba’t-ibang mga hakbang na maaring gawin ng mga mag-aaral pagkatapos nilang maka-graduate sa Japanese middle o high school. Ang ibang mga estudyante ay pinipili na maghanap ng trabaho, yung iba naman ay nagpapatuloy ng pag-aaral sa mas mataas na edukasyon. Sa video na ito, ipapakilala namin ang mga iba’t-ibang maaaring pagpilian ng mga estudyante kapag magpapatuloy na mag-aral sa mas mataas na edukasyon. Maari mong mapagpilian ang landas na tatahakin batay sa iyong sariling kakayahan at interes. University at Junior College Tulad ng mga paaralan, ang university at junior college ay maaaring maging pambansa, pampubliko o pribado. Sa ilang mga rehiyon ay may mga university din na itinatag ng isang company. Ang mga kurso sa unibersidad ay tumatagal ng apat na taon upang makumpleto, habang ang mga kurso naman sa junior college ay nangangailangan lamang ng dalawang taon ng pag-aaral. Upang makapasok sa isang university o junior college, kailangan mo munang makapasa sa entrance exam na itinakda ng bawat indibidwal na institusyon. Mayroon ding mga unibersidad na may mga rekomendasyon na batay sa admission system. Ang bawat unibersidad ay mayroon ding iba’t ibang mga kwalipikasyon na kinakailanagan mula sa mga aplikante at iba’t ibang mga bayarin sa paaralan. Kailangang mong magtanong sa bawat university tungkol sa kanilang mga requirements. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing requirements na kinakailangan upang makakuha ng entrance exam sa unibersidad o junior college. Kung matugunan ang isa sa mga criteria sa ibaba ay magiging karapat-dapat na kumuha ng pagsusulit: Kung ikaw ay nagtapos mula sa isang high school sa Japan o sa ibang bansa Kung ikaw ay nakapasa sa exam na katumbas ng Japanese high-school equivalency Kung ikaw ay may isang International Baccalaureate Certificate at kung ikaw ay magiging 18 sa simula ng school year sa April 1 Specialized Training School Ang isang specialized training school ay isang vocational school kung saan ang mag-aaral ay magkakaroon ng kaalaman at teknikal na kasanayan upang maipatuloy ang isang partikular na propesyon pagkatapos ng graduation. Mayroong iba’t ibang mga uri ng mga kurso para sa mga specialized training school, tulad ng Upper Secondary na mga kurso para sa mga mag-aaral na ang katumbas ay ang antas ng middle school graduate, at Specialized Technical training course, para sa mga estudyante na ang katumbas ay graduate sa antas ng mataas na paaralan. Depende sa kurso na iyong kukunin, ang pag-aaral sa mga paaralang ito ay maaaring tumagal ng isa hanggang apat na taon. Habang ang unibersidad at junior college ay pinagtutuunan ng pansin ang teoriya, ang pinagtutuunan naman ng pansin ng bokasyonal na paaralan ay nasa praktikal, na may mga aralin na nakatuon sa hands-on na mga pagsasanay. Ang mga paksa na maaari matutunan ng mag-aaral sa isang paaralang bokasyonal ay iba’t-iba para mapunan ang mga pangangailangan ng modernong lipunan, na may nilalaman kabilang na ang manufucture, agrikultura, gamot, kalusugan at kalinisan, edukasyon, kapakanang panlipunan, commerce at negosyo, fashion, home economics, kultura at edukasyon. Specialized High School Ang Specialized high schools ay karaniwang tinutukoy bilang kousen sa Japanese at nag-aalok ng pagsasanay sa engineering. Ang kanilang mga kurso ay nagtatagal ng limang taon (o limang taon at anim na buwan sa kaso ng maritime technology colleges). Ang mga nagtapos ng middle school (o mga taong nakamit ang pareho o mas mataas na antas ng edukasyon) ay maaaring makapasok sa Specialized high schools, at ang mga nagtapos ng high school ay maaaring makalipat sa isang specialized high school. Upang makapasok sa mga paaralang ito, kailangan mong pumasa sa entrance exam na gaganapin kada taon ng Enero at Pebrero. Ang entrance exam ay nag-iiba sa pagitan ng mga paaralan kaya siguraduhin na magtanong nang direkta sa paaralan na interesado para sa iba pang detalyadong impormasyon. Business Skill Development School Ang Mie Prefectural Tsu Advanced Vocational Technical Training School ay isang business skill development school na kung saan ay naglalayong magbigay sa mag-aaral ng kaalaman at karanasan na kinakailangan upang makapasok sa manufacturing businesses at makamit ang mga propesyonal na kwalipikasyon. Ang regular na kurso ay tatagal ng dalawang taon at bukas ito sa mga graduate ng high school na may edad na 35 pababa. Ang short-term courses ng paaralan ay tatagal sa pagitan ng anim na buwan hanggang isang taon. Mayroong mga iba’t ibang uri ng short-term courses, kabilang na ang mga kurso para sa mga dayuhang residente, para sa mga manggagawang walang trabaho o para sa mga tao na naghahangad na baguhin ang trabaho. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring tignan ang school homepage: http://www.tcp-ip.or.jp/~tsutech/index.html Karamihan sa mga paaralan ay nagsasagawa ng open campus at seminar school kung saan maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang mga alok ng paaralan. Ang mga ito ay kapaki-pakinabang kapag magpapasya kung ano ang gusto mong gawin susunod na hakbang, at inirerekumenda namin na dumalo ng ilang beses hangga’t maaari. Mayroon ding maraming iba pang mga paraan upang matuto ng mga bagong kasanayan na kung saan hindi napakilala sa video na ito. inirerekumenda rin namin ang pakikipag-usap sa iyong guro o magulang o tagapangalaga kapag gumagawa ng iyong desisyon. ito ay ang iyong pagkakataon upang gumawa ng desisyon para sa hinaharap at matupad ang inyong pangarap sa pamamagitan ng mas mataas na edukasyon. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp