Ang Pagtatapos sa Middle School at High School at pagpapatuloy sa Mas Mataas na Edukasyon

[教育シリーズ⑦] 中学校・高校卒業後の進路

2014/02/27 Thursday Edukasyon, Edukasyon

Mayroong iba’t-ibang mga hakbang na maaring gawin ng mga mag-aaral pagkatapos nilang maka-graduate sa Japanese middle o high school. Ang ibang mga estudyante ay pinipili na maghanap ng trabaho, yung iba naman ay nagpapatuloy ng pag-aaral sa mas mataas na edukasyon.

Sa video na ito, ipapakilala namin ang mga iba’t-ibang maaaring pagpilian ng mga estudyante kapag magpapatuloy na mag-aral sa mas mataas na edukasyon. Maari mong mapagpilian ang landas na tatahakin batay sa iyong sariling kakayahan at interes.

University at Junior College

Tulad ng mga paaralan, ang university at junior college ay maaaring maging pambansa, pampubliko o pribado. Sa ilang mga rehiyon ay may mga university din na itinatag ng isang company. Ang mga kurso sa unibersidad ay tumatagal ng apat na taon upang makumpleto, habang ang mga kurso naman sa junior college ay nangangailangan lamang ng dalawang taon ng pag-aaral.

Upang makapasok sa isang university o junior college,  kailangan mo munang makapasa sa entrance exam na itinakda ng bawat indibidwal na institusyon. Mayroon ding mga unibersidad na may mga rekomendasyon na batay sa admission system. Ang bawat unibersidad ay mayroon ding iba’t ibang mga kwalipikasyon na kinakailanagan mula sa mga aplikante at iba’t ibang mga bayarin sa paaralan. Kailangang mong magtanong sa bawat university tungkol sa kanilang mga requirements.

Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing requirements na kinakailangan upang makakuha ng entrance exam sa unibersidad o junior college. Kung matugunan ang isa sa mga criteria sa ibaba ay magiging karapat-dapat na kumuha ng pagsusulit:

  • Kung ikaw ay nagtapos mula sa isang high school sa Japan o sa ibang bansa
  • Kung ikaw ay nakapasa sa exam na katumbas ng Japanese high-school equivalency
  • Kung ikaw ay may isang International Baccalaureate Certificate at kung ikaw ay magiging 18 sa simula ng school year sa April 1

Specialized Training School

Ang isang specialized training school ay isang vocational school kung saan ang mag-aaral ay magkakaroon ng kaalaman at teknikal na kasanayan upang maipatuloy ang isang partikular na propesyon pagkatapos ng graduation. Mayroong iba’t ibang mga uri ng mga kurso para sa mga specialized training school, tulad ng Upper Secondary na mga kurso para sa mga mag-aaral na ang katumbas ay ang antas ng middle school graduate, at Specialized Technical training course, para sa mga estudyante na ang katumbas ay graduate sa antas ng mataas na paaralan. Depende sa kurso na iyong kukunin, ang pag-aaral sa mga paaralang ito ay maaaring tumagal ng isa hanggang apat na taon.

Habang ang unibersidad at junior college ay pinagtutuunan ng pansin ang teoriya, ang pinagtutuunan naman ng pansin ng bokasyonal na paaralan ay nasa praktikal, na may mga aralin na nakatuon sa hands-on na mga pagsasanay. Ang mga paksa na maaari matutunan ng mag-aaral sa isang paaralang bokasyonal ay iba’t-iba para mapunan ang mga pangangailangan ng modernong lipunan, na may nilalaman kabilang na ang manufucture, agrikultura, gamot, kalusugan at kalinisan, edukasyon, kapakanang panlipunan, commerce at negosyo, fashion, home economics, kultura at edukasyon.

Specialized High School

Ang Specialized high schools ay karaniwang tinutukoy bilang kousen sa Japanese at nag-aalok ng pagsasanay sa engineering. Ang kanilang mga kurso ay nagtatagal ng limang taon (o limang taon at anim na buwan sa kaso ng maritime technology colleges). Ang mga nagtapos ng middle school (o mga taong nakamit ang pareho o mas mataas na antas ng edukasyon) ay maaaring makapasok sa Specialized high schools, at ang mga nagtapos ng high school ay maaaring makalipat sa isang specialized high school.

Upang makapasok sa mga paaralang ito, kailangan mong pumasa sa entrance exam na gaganapin kada taon ng Enero at Pebrero. Ang entrance exam ay nag-iiba sa pagitan ng mga paaralan kaya siguraduhin na magtanong nang direkta sa paaralan na interesado para sa iba pang detalyadong impormasyon.
Business Skill Development School

Ang Mie Prefectural Tsu Advanced Vocational Technical Training School ay isang business skill development school na kung saan ay naglalayong magbigay sa mag-aaral ng kaalaman at karanasan na kinakailangan upang makapasok sa manufacturing businesses at makamit ang mga propesyonal na kwalipikasyon.

Ang regular na kurso ay tatagal ng dalawang taon at bukas ito sa mga graduate ng high school na may edad na 35 pababa.

Ang short-term courses ng paaralan ay tatagal sa pagitan ng anim na buwan hanggang isang taon. Mayroong mga iba’t ibang uri ng short-term courses, kabilang na ang mga kurso para sa mga dayuhang residente, para sa mga

manggagawang walang trabaho o para sa mga tao na naghahangad na baguhin ang trabaho.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring tignan ang school homepage: http://www.tcp-ip.or.jp/~tsutech/index.html

 

Karamihan sa mga paaralan ay nagsasagawa ng open campus at seminar school kung saan maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa kung ano ang mga alok ng paaralan. Ang mga ito ay kapaki-pakinabang kapag magpapasya kung ano ang gusto mong gawin susunod na hakbang, at inirerekumenda namin na dumalo ng ilang beses hangga’t maaari. Mayroon ding maraming iba pang mga paraan upang matuto ng mga bagong kasanayan na kung saan hindi napakilala sa video na ito. inirerekumenda rin namin ang pakikipag-usap sa iyong guro o magulang o tagapangalaga kapag gumagawa ng iyong desisyon. ito ay ang iyong pagkakataon upang gumawa ng desisyon para sa hinaharap at matupad ang inyong pangarap sa pamamagitan ng mas mataas na edukasyon.

High School [Education Series]

2014/02/27 Thursday Edukasyon, Edukasyon

[教育シリーズ⑥] 高等学校

Ang high school sa Japan ay tinatawag na koutou gakkou sa wikang Japanese, o sa mas kilala at simpleng tawag na koukou. May higit na 90% ng Japanese Citizens ang pumapasok sa high school. Katulad ng elementary at middle school, mayroong national, public (halimbawa, prefectural at municipal) at private schools. Limitado lamang ang bilang ng schools na kung saan pwedeng mag apply depende sa region ng inyong tinitirhan. Ang high school education ay hindi compulsory at kayo ang magiging responsable sa pagbabayad ng school registration fees, class fees at iba pang mga bayarin sa textbooks.japanese-high-school-koukou

  1. Para sa pag-apply sa high school

Upang makapasok sa high school kinakailangan muna makapasa sa entrance exam ng paaralan. Para sa prefectural high schools ng Mie Prefecture, mayroong mga iba’t-ibang enrollment periods kung saan ang mga prospective students ay kailangan kumuha ng exam o di kaya mag-attend sa interview: zenki senbatsu (bandang February) at kouki senbatsu (bandang March). Mayroon din mga schools na may enrollment periods at exams para sa particular na grupo ng students, katulad ng non-Japanese students. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring magtanong sa school teacher ng iyong anak o di kaya mag-access sa Mie Prefectural Board of Education homepage.

  1. Qualifications

Kapag nakatakdang mag-graduate ng middle school sa Japan, o di kaya ay may educational background na equivalent o di kaya mas mataas sa Japanese middle school graduate, ay magiging qualified na makakuha ng high school examinations. Kapag nag-graduate ng middle school sa labas ng Japan ay nararapat mayroong proof of graduation. Kapag mag-aaply naman ng full time prefectural high school ay kinakailangan na ikaw, at ang magulang at guardian ay residente ng prefecture. Kapag naman maga-apply ng part-time prefectural high school ay kinakailangan nagta-trabaho o nakatira sa loob ng prefecture.japanese-high-school-koukou-ii

3. Types of High School

Kailangan makipag-usap kung anong klaseng high school ang gustong pasukan sa inyong mga magulang at middle school teacher.

(1) Subject
Ang school courses ay nahahati ng regular courses, technical courses (katulad ng manufacture, commerce at agriculture) at comprehensive courses.

(2) Programmes

Ang schools ay nahahati ng full-time, part-time at correspondence base sa numero ng oras ng klase na kailangan.

Full-time Pagpasok ng school sa araw. Pag-aaral ng three years.
Part-time Pagpasok ng school sa gabi (o kaya sa araw). Pag-aaral ng higit sa 3 years.
Correspondence Pag-aaral sa bahay (na may schooling twice a month)
  1. Buhay sa High School

Sa loob ng school year ay may iba’t-ibang mga school events, karamihan ng mga schools ay napaka aktibo sa mga extracurricular activities na isinasagawa pagkatapos ng klase o di kaya sa weekends. Tungkol naman sa nilalaman ng mga lessons ay napaka-mahirap pag-dating sa high school level, kaya’t kinakailangan maging dedikado sa pag-aaral. Ang high school ay hindi parte ng compulsory education system kaya’t kapag ikaw ay nagkaroon ng mababang grades ay maaring hindi ka makapasa at makapag-advance sa susunod na grade o di kaya maka-graduate.

Sa positibong pagsulong ng kada pagsubok na mahaharap kasama ng inyong mga kaibigan, ikaw ay magkakaroon ng fulfilling na 3 taon ng high school. Magkaroon ng malinaw na pananaw sa inyong future at magpursige na matupad ito sa high school!japanese-high-school-koukou-iii

Para sa impormasyon tungkol sa high school entrance exams sa 2014, paki-tignan sa ibaba:

◇ (Japanese language) 2014 Mie Prefectural High School Entrance Exam Implementation Outlines at Outlines para sa Recruitment ng Students ng Mie Prefectural Special Support Schools (Mie Prefectural Board of Education)

http://www.mie-c.ed.jp/koukou/boshu/h26/index3.html

◇〈Japanese language〉Sulat sa middle school students at kanilang mga parents o guardians: Aiming for Prefectural High School (Mie Prefectural Board of Education)

http://www.mie-c.ed.jp/koukou/boshu/h26/mezase.pdf

◇〈Japanese language〉Mie Prefectural High School Guide (Mie Prefectural Board of Education)

http://www.mie-c.ed.jp/rainbow/index.html

◇〈9 languages available〉 Guidance for Entering High School Guidebook(Mie International Exchange Foundation MIEF)

http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html