Alamin ang Mie: Matsusaka City

伝統と現代の文化が融合する街 松阪

2019/06/18 Tuesday Alamin ang Mie, Kultura at Libangan

Wilson Rossi
Mie-ken Diversity Suishin-ka (Mie Diversity Promotion Division)

Kamusta sa lahat ng nanood ng MieInfo. Sa video na ito, ipapakilala namin ang kagandahan ng Matsusaka City kung saan ang tradisyonal at modernong kultura ay nagsasama.

Una, magsisimula tayo sa pamamagitan ng pagpapakilala sa tradisyunal na panig. Nagpunta kami sa Okaderasan Keishoji na matatagpuan sa sentro ng lungsod. Ngayon ang ika-13 taon ng “Matsusaka Nadeshiko Donna Hana Matsuri”.

Upang maipakita ang kagandahan ng Matsusaka, nakipag-usap kami kay Higashimura, isang miyembro ng Miss Network Matsusaka, na nag-sponsor ng pagdiriwang na ito.

Higashimura Yoshiko – Utsukushiya Higashimura Gofukuten

Q: Maaari mo bang sabihin sa amin ang tungkol sa kagandahan ng Matsusaka.

A: Ang maganda sa Matsusaka ay mayroon pa rin maraming mga lumang town na natitira na nagpapahiwatig na isa itong lugar na alaala ng isang casle town. Mayroon pa ding natitirang stone wall sa mga castle, at ang mga kalsada ay nananatiling intricate, tulad ng isang maze, kaya’t itinuturing itong isang lungsod na magandang pasyalan.

Q: Maari mo bang ipaliwanag kung ano ang Matsusaka Nadeshiko.

A: Ang Matsusaka Nadeshiko ay isang uri ng bulaklak kung saan ang mga petals ay mahahaba at nakalawit na natuklasan sa panahon ng Edo. Natuklasan ito ng Tsugimatsu Eiji ng Kishuhanshi at inalagaan ito ng mga tao mula noon. Ito ay ipinahiwatig sa isang templo na tinatawag na Hokyoji Temple sa Kyoto sa pamamagitan ng Koukakutenno at maingat na tinatanim hanggang ngayon.

Q: Maaari mo bang sabihin ang tungkol sa Matsusaka Momen.

A: Matsusaka Momen ay isang blue na tela na may mga stripe patterns na kinagigiliwan ng maraming tao mula sa panahon ng Edo. Sa panahong iyon, kapag ang isang Kabuki na artista ay nagsuot ng may ganitong tela ng kimono, binagbansagan ito bilang “Suotin ang Matsusaka”. Sikat ang telang ito noong araw. Sana makapunta kayo at mahawakan ito.

Q: Maaari ka bang magbigay ng mensahe para sa mga dayuhan.

A: Masarap din ang karne sa Matsusaka! Mayroon din kaming masarap na tsaa! At mayroon ding Matsusaka Momen! Maraming tradisyon ang nananatiling hanggang ngayon! Mangyaring pumunta sa Matsusaka at maranasan ang lahat ng ito! Aasahan namin ang inyong pagbisita!

Sunod ay pumunta kami sa pinakabagong Kanko Koryu Center (Tourist Exchange Center) na binuksan noong Abril ngayong taon. Dito, makakakuha ka ng impormasyong pang-turista ng lungsod ng Matsusaka sa maraming wika.

Tinanong namin si Mr. Takegawa, ang managing director, kung anong uri ng pasilidad na mayroon sila dito.

Takegawa Yasuhisa – Managing Director, Matsusaka-shi Kankou Kyoukai

Q: Anong uri ng pasilidad ang Kanko Koryu Center (Tourism Exchange Center)?

A: Ang Tourism Exchange Center ay nasa gitna ng lumang lungsod ng Matsusaka. Ito ay mas maganda kung mayroon kang isang bahagi ng impormasyon habang naglalakad sa paligid ng lungsod. Pagkatapos ay may mga opinyon mula sa mga turista na walang lugar na mabibilhan ng mga souvenir (sa lungsod ng Matsusaka), kaya nagbebenta kami ng mga souvenir sa unang palapag. Sa ikalawang palapag, ang impormasyon ay ipinamamahagi sa pamamagitan ng mga display panel o DVD.

Q: Bakit itinawag ito na “Gosho no Machi Matsusaka”?

A: Ang kasaysayan ng Matsusaka, lalo na sa palibot ng kastilyo, ay halos 400 taong gulang, ngunit ang ilan sa mga nangungunang mangangalakal ng Japan tulad ng “Mitsukoshi” at “Mitsui Group” ay galing sa Matsusaka. Bukod dito, ang bahagi ng gusali na tinirhan nila ay nasa Matsusaka pa rin, kaya pinangalanang itong “Gosho no Machi”.

Q: Narinig namin na sikat ang gourmet sa Matsusaka, ngunit anong uri ng espesyal na produkto ang mayroon dito?

A: Ang Matsusaka ay isang lungsod ng gourmet. Partikular na sikat ang karne ng baka, ang Matsusaka Gyu. Bukod dito, ang baboy at manok ng Matsusaka ay nagiging popular kamakailan. Bukod pa rito, ang Matsusaka ay isang lugar kung saan ang produksyon ng tsaa ay napakapopular, kaya makakabili ka ng masarap na tsaa dito.

Q: Ang Matsusaka City ay tirahan ng tradisyonal na kultura, ngunit maaari mo bang sabihin sa akin kung mayroong inirekumendang lugar (ruta ng paglalakad).

A: Maraming lumang gusali ang Matsusaka. Sila ay nasa paligid ng Tourism Exchange Center, kaya mas maganda kung maglalakad ka sa parte na iyon ng lungsod. At kung maaari kang lumayo at lumabas ng siyudad, makakakita ka ng magandang plantasyon ng tsaa, at ang mga kagubatan at ilog ay maganda rin. Kung gusto mong malaman ang kasaysayan at kultura at kung gusto mong matamasa ang kalikasan, sa palagay ko mas maganda na pumunta sa mga probinsya.

Q: Maaari ka bang magbigay ng mensahe para sa mga dayuhan.

A: Sa tingin ko maraming tao dito ang mabait na magbibigay sa inyo ng gabay. Maaaring may hadlang sa wika, ngunit sa palagay ko maaari kang maglakad sa bayan ng Matsusaka gamit ang simpleng pag-uusap. Halina kayo, nais kong anyayahan lahat na bumisita sa Matsusaka, tingnan ang mga lumang gusali, kumain ng masarap na pagkain, at ako ay umaasa sa inyong muling pagbalik (bilang isang repeater).

At sa huli, nagpunta kami sa Matsusaka-shi Sogo Undo Koen Skate Park. Ito ang pinakamalaking skateboarding venue sa Japan na binuksan noong Abril ngayong taon.

Interview ng mga bisita

Ako ay mula sa Fukui Prefecture. Malaki (dito), maganda at imay isang seksyon ng kalye. Sa palagay ko ito ay isang magandang parke.

Q: Anong nagustuhan mo sa Skateboarding?

Marami kang makikilala at magiging kaibigan sa pamamagitan ng skateboarding. Kahit na magaling ka o hindi magaling mag skate, maaari ka pa ring makisama sa lahat kapag nag-skate. Ang skateboarding ay isang masayang karanasan, kaya inirerekomenda ko na subukan kung hindi mo pa na-try ito. At sa palagay ko ang park na ito sa Mie-ken Matsusak-shi, ay napakalaki, inirerekomenda ko ang mga tao mula sa labas ng prefecture na bumisita.

Nag-aalok ito ng iba’t ibang mga lugar para sa mga beginners at advanced na users upang mag-enjoy sa iba’t ibang mga antas, pati na rin ang mga rental para sa mga kinakailangang kagamitan, kabilang na ang mga skateboards. Bukas ito tuwing weekends at bukas mula 8:30 am hanggang 10 pm. Ang admission fee ay 300yen para sa mga adults, 100yen para sa mga high school students at junior high school, at mga mag-aaral sa elementarya at pababa ay maaaring makapag-enjoy ng libre ng buong araw. Mayroon ding mga trial sessions para sa mga beginners, kaya mangyaring pumunta at tangkilikin ang skateboarding sa Matsusaka.

So, ano sa palagay mo ang Lungsod ng Matsusaka? Sa video na ito, ipinakita namin ang ilan sa mga tradisyonal at kontemporaryong aspeto ng Matsusaka City. Mayroon ding maraming iba pang mga kagiliw-giliw na mga lugar. Mangyaring bisitahin ang Matsusaka City at masilayan ang kagandahan nito.

Sa ibaba ng pahinang ito, matatagpuan ang impormasyon sa mga lugar na itinampok namin at mga link sa website, kaya’t mangyaring tignan ito.

Ipinakilala ng MieInfo ang iba’t ibang tourist destination sa Mie Prefecture. Pakitingnan ang espesyal na tampok na “Mie wo Shiro” (Alamin ang Mie)

Okadera-san Keishou-ji (岡寺山継松寺)
Address:
Mie-ken Matsusaka-shi Nakamachi 1952
Site: https://www.okadera.com/
Google Maps: https://goo.gl/maps/V1rTV49unS2jWnVR8

Matsusaka Castle (松阪城)
Address:
Mie-ken Matsusaka-shi Tonomachi
Site:
https://www.city.matsusaka.mie.jp/site/kanko/matusakajogaiyou.html
Google Maps: https://goo.gl/maps/ra3jHe5n5oJiFe1v6

Kankou Kouryu Center (観光交流センター)
Address: Mie-ken Matsusaka-shi Uomachi 1658-3
Site: https://www.kankomie.or.jp/special/matsusaka-informationcenter/
Google Maps: https://goo.gl/maps/ARoJkD6yeLgaf7u89

Matsusaka-shi Sogo Undou Kouen Skate Park (松阪市総合運動公園スケートパーク)
Address: Mie-ken Matsusaka-shi Yamashitacho 1658-3
Site: https://www.city.matsusaka.mie.jp/soshiki/41/skate.html
Google Maps: https://goo.gl/maps/wFiHACWh6qbv9KDA8

Gaganapin ang Open Campus sa Tsu Technical School

2019/06/18 Tuesday Alamin ang Mie, Kultura at Libangan

津高等技術学校 オープンキャンパスを開催します

Tsu Technical School ay isang vocational ability development school ng Mie Prefecture na kung saan hinahasa nito ang mga manggagawa na siyang magtatayo ng isang malakas na puwersta sa industriya.

Dito, hindi lamang mapag-aaralan ang mula basic at applied na teknika na kinakailangan sa “Manufacturing”, kundi sinu-suportahan namin ang mga acquisition ng mga iba’t-ibang kuwalipikasyon na magagamit para sa national certification exam at paghahanap ng trabaho ayon sa napiling okupasyon. Isasagawa ang Open Campus upang maintindihan ng lahat ang layunin ng aming eskwelahan.

  1. Target person

High school students (Koukou), Mga may batang edad na naka-graduated ng high school, atbp.

※Maaring sumali sa Building construction department kapag nasa junior high school student at pataas

  1. Participation fee

LIBRE

  1. Nilalaman
  • Tour style (hindi kailangang mag-apply, walang capacity limit)

Ang tour sa loob ng school facilities ay lilibuting ang school, sitwasyon sa job market, kundisyon sa pagrehistro at demonstrations.

  • Practice experience style (Kailangang mag-apply, 10 tao bawat sa umaga at hapon para sa bawat departamento, pagdraw kapag sumobra sa kapasidad)

Practical classes kada subject gamit ang training facilities

<Halimbawa>

Machine Control Systems Department: Metalwork experience, 3D CAD experience, NC machine tool experience

Electronic Control Information Department: Homepage making experience & Program making experience

Automotive Engineering: Disassembly and assembly of automobile engines, Inspection and diagnosis of automobiles

Metal Craft Department: Car paint painting experience, Goods production using NC machine tools

Construction Engineering: Processing and assembling a stool using woodwork

  1. Petsa at oras
  • Tour style

July 25 (Huwebes) – September 28 (Sabado)

Reception: 12:50 pm hanggang 1:20 pm

Implementation: 1:20 pm hanggang 3:20 pm

  • Practice Experience style

August 6 (Martes) hanggang August 8 (Huwebes)

Umaga

Reception: 9am~ – Implementation: 9:30am hanggang 12:00pm

Tanghali

Reception: 12:50pm – Implementation: 1:20pm hanggang 3:50pm

  1. Others

Kailanagan ang application sa “Practice experience style”. Mangyaring punan ang application form ng inyong personal information, gustong kurso, gustong araw, atbp. Mangyaring ipadala by fax o e-mail.

Ang application period ay mula June 24 (Lunes) hanggang July 12 (Biyernes) hanggang 5 pm.

Open Campus URL (Japanese only)

https://www2.tcp-ip.or.jp/~tsutech/entrance/kengaku.html

Para sa Open Campus Flyers, i-click dito

Para sa application form para sa practice experience style, i-click dito

* Maaaring ma-cancel kapag may bagyo. Sa ganitong sitwasyon, ipapa-alam namin sa aming Homepage.

Makipag-ugnayan sa:

Mieken-ritsu Tsu Koutou Gijutsu Gakkou

Address: 〒514-0817 Tsu-shi Takachaya Komori-cho 1176-2 (along route 165)
TEL: 059-234-2839 FAX: 059-234-3668 E-mail: kikaku@kr.tcp-ip.or.jp