Spring Eco Fair Para sa Bata

2015年4月25日と26日に春のキッズエコフェアが開催されます

2015/04/17 Friday Seminar at mga events

Masaya nating pag-aralan ang tungkol sa ecology.

Abril 25, ang tanggapan ng daily center ay magbibigay ng kurso at maaring subukang gawin ang 「Planetarium ng Bituin Gawa sa Itlog」na ginamitan ng karton ng gatas.
Abril 26, maaring masubukan ang paggawa ng woodcraft at de-bateryang bisikleta hatid ng mga environmentalist organization ng Mie.Bukod dito, ang booth ng “Yawarakana No Kai” ay kumukolekta ng「takip ng pet bottle 」 「gamit na stamps」at iba pa at sa booth naman ng NPO Kokusai Shigen Katsuyou Kyoukai ay kumukolekta ng「waste oil」.

Ang mga ito ay parehong nagbebenta ng pagkain at inumin kayat pinaaalalahanan lahat na magdala ng sariling chopstick.
Inaasahan namin ang inyong pagdalo sa araw na ito.

Petsa: Abril 25 (Sabado) 26 (Linggo) 10:00 ~ 15:00
Lugar: Mieken Kankyo Gakushu Joho Center
(Yokkaichi-shi Sakura-cho3684-11)
Tel: 059-329-2000
Admission: Libre

※ Ang event na ito ay isa lang sa parte ng Spring Wakuwaku Fureai Festival. Kasabay ng event na ito, may ilang pang event na nakasaad sa ibaba ang gaganapin.

Fureai Spring Livestock Festival
– Yokkaichi shi Fureai Bokujou (Yokkaichi-shi Suizawa-cho 1538)
– Yokkaichi Sports Land (Yokkaichi-shi Sakura-cho 9868)
– Yokkaichi-shi Shonen Shizen No Ie (Yokkaichi-shi Suizawa-cho Otani 1423-2)

Maaring sumakay ng libre sa community bus na umiikot sa mga sa mga lugar na ito,
Sa araw na ito ay magbibigay ng pabuya sa 100 tao na makaka-ipon ng 3 stamp na makukuha mula sa 4 na pasilidad, Mieken Kankyo Gakushu Joho Center, Yokkaichi-shi Shonen Shizen No Ie, Yokkachi-shi Bokujou at Yokkaichi-shi Sports Land.
Ang pabuya ay maaring makuha sa bawat pasilidad na ito, kayat inaayayahan ang lahat na sumali sa stamp relay na ito ( maaring i-zerox ang leaflet at gamitin).

KidsEcoFair-frente

 

KidsEcoFair-verso

2015 Highschool Graduate Certification Test

2015/04/17 Friday Seminar at mga events

平成27年度高等学校卒業程度認定試験について

Ang senior highschool graduate certification test ay ginaganap ng 2 beses sa isang taon para mabigyan ng pagkakatoon ang mga estudyanteng hindi nakatapos ng senior highschool at walang kuwalipikasyong makapasok sa kolehiyo na makakuha ng sertipiko, at dito ay susuriin kanilang talino kung karapat-dapat bang magkatanggap ng sertipikasyon.

Ang mga subject na kailangan ipasa ay iipunin at hindi rin kinakailangang kunin ng sabay-sabay ang pagsusulit, bagkus ay maaring itong kuhanin ng ilang beses.

Ang mga nakapasa ay mabibigyang ng sertipiko na magpapatunay na maari na silang kumuha ng entrance exam para mapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, junior college at vocational course. At dahil sa ang hawak nilang sertipikasyon ay katulad ng sa mga nakapagtapos ng senior highschool, maari rin nila itong gamitin bilang kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho at ibang pagsusulit.

Ang pagpaparehistro sa eksaminasyon na ito ay bukas sa lahat ng mga taong nasa edad na 16 na taon o pataas pagdating ng Marso 31, 2016.  Maari ding kumuha ng eksaminasyon ang mga kasalukuyang estudyante na pumapasok sa senior highschool. Subalit ang mga estudyanteng natanggap na sa kolehiyo ay hindi na kailangang kumuha ng eksaminasyon na ito.

Sa mga nais kumuha ng eksaminasyon, kumuha ng examination guidelines sa mga lugar na nakasaad sa ibaba at ihanda ang proseso ng pagpasa ng aplikasyon.

・Panahon ng pagbibigay ng gabay tungkol sa pagkuha ng eksaminasyon
Ika-1   Abril 6 (Lunes) hanggang Mayo 13 (Miyerkules), 2015
Ika-2   Hulyo 21 (Martes) hanggang Septyembre 17 (Huwebes)

・Paraan kung paano makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsusulit
(1) Kung nais kuhanin ng direkta ang guidelines
– Maaring kumunsulta sa “Voice of the Citizen” (Prefectural Office Building 7th floor)
– Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept (7th fl)
– Prefectural branch office (para sa detalye, tingnan「listahan kung saan nagpapamahagi ng guidelines

 (2) Para sa mga gustong padalhan sila ng guidelines sa pamamagitan ng post office
Ilagay sa loob ng sobre ang isang pang nakatuping sobre na may nakasulat na post number, address, pangalan ng sender at idikit ang 250 post stamp (kung 1 booklet) at saka ipadala sa                          address na nakasaad sa ibaba:

( To: ) 〒514-8570  (Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept.)
三重県教育委員会事務局社会教育・文化財保護課
「高卒認定試験受験案内希望」

※ Isaad sa loob ng sobra na nais makatanggap ng guidelines tungkol sa highschool certificate exam.
※ Maaring rin makakuha ng guidelines gamit ang computer at smart phone (magtanong)

・Paraan ng Pagpasa
Kalakip sa examination guidelines ang gagamiting sobre na susulatan at ipapadala sa post office naka-address sa Ministry of Education, Health and Sports.

・Panahon ng pagtanggap ng aplikasyon
Ika-1 Abril 23 (Huwebes) hanggang Mayo 13, 2015 (Miyerkules)
*Ang may postmark na hanggang Mayo 13, 2015 (Miyerkules) ay valid

Ika-2 Septyembre 3 (Huwebes) hanggang September 17, 2015 (Huwebes)
*Ang may postmark na hanggang Septyembre 17, 2015 (Huwebes) ay valid

・Araw ng Eksamination
Ika-1 Agosto 4 (Martes) at 5(Miyerkules), 2015
Ika-2 Nobyembre 7 (Sabado) at 8 (Linggo), 2015

・Lugar ng eksaminasyon
Ika-1 Mieken Kyouiku Bunka Kaikan (Tsu shi Sakurabashi 2-142)
Ika-2 Mie Prefecture Office Auditorium (Tsu shi Komei cho 13 )

Para sa mga detalyeng impormasyon pindutin ang link sa ibaba

http://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/shiken/ 

(homepage ng Ministry of Educatio, Health and Sports)

Para sa mga katanungan: (Japanese Only)
Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyōiku・Bunkazai Hogoka
(Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept.)
〒514-8570 Tsu shi Komei cho 13
TEL:059-224-3322