2015 Highschool Graduate Certification Test 平成27年度高等学校卒業程度認定試験について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/04/14 Tuesday Edukasyon, Nilalaman, Selection Ang senior highschool graduate certification test ay ginaganap ng 2 beses sa isang taon para mabigyan ng pagkakatoon ang mga estudyanteng hindi nakatapos ng senior highschool at walang kuwalipikasyong makapasok sa kolehiyo na makakuha ng sertipiko, at dito ay susuriin kanilang talino kung karapat-dapat bang magkatanggap ng sertipikasyon. Ang mga subject na kailangan ipasa ay iipunin at hindi rin kinakailangang kunin ng sabay-sabay ang pagsusulit, bagkus ay maaring itong kuhanin ng ilang beses. Ang mga nakapasa ay mabibigyang ng sertipiko na magpapatunay na maari na silang kumuha ng entrance exam para mapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, junior college at vocational course. At dahil sa ang hawak nilang sertipikasyon ay katulad ng sa mga nakapagtapos ng senior highschool, maari rin nila itong gamitin bilang kuwalipikasyon sa paghahanap ng trabaho at ibang pagsusulit. Ang pagpaparehistro sa eksaminasyon na ito ay bukas sa lahat ng mga taong nasa edad na 16 na taon o pataas pagdating ng Marso 31, 2016. Maari ding kumuha ng eksaminasyon ang mga kasalukuyang estudyante na pumapasok sa senior highschool. Subalit ang mga estudyanteng natanggap na sa kolehiyo ay hindi na kailangang kumuha ng eksaminasyon na ito. Sa mga nais kumuha ng eksaminasyon, kumuha ng examination guidelines sa mga lugar na nakasaad sa ibaba at ihanda ang proseso ng pagpasa ng aplikasyon. ・Panahon ng pagbibigay ng gabay tungkol sa pagkuha ng eksaminasyon Ika-1 Abril 6 (Lunes) hanggang Mayo 13 (Miyerkules), 2015 Ika-2 Hulyo 21 (Martes) hanggang Septyembre 17 (Huwebes) ・Paraan kung paano makakuha ng impormasyon tungkol sa pagsusulit (1) Kung nais kuhanin ng direkta ang guidelines – Maaring kumunsulta sa “Voice of the Citizen” (Prefectural Office Building 7th floor) – Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept (7th fl) – Prefectural branch office (para sa detalye, tingnan「listahan kung saan nagpapamahagi ng guidelines」 (2) Para sa mga gustong padalhan sila ng guidelines sa pamamagitan ng post office Ilagay sa loob ng sobre ang isang pang nakatuping sobre na may nakasulat na post number, address, pangalan ng sender at idikit ang 250 post stamp (kung 1 booklet) at saka ipadala sa address na nakasaad sa ibaba: ( To: ) 〒514-8570 (Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept.) 三重県教育委員会事務局社会教育・文化財保護課 「高卒認定試験受験案内希望」 ※ Isaad sa loob ng sobra na nais makatanggap ng guidelines tungkol sa highschool certificate exam. ※ Maaring rin makakuha ng guidelines gamit ang computer at smart phone (magtanong) ・Paraan ng Pagpasa Kalakip sa examination guidelines ang gagamiting sobre na susulatan at ipapadala sa post office naka-address sa Ministry of Education, Health and Sports. ・Panahon ng pagtanggap ng aplikasyon Ika-1 Abril 23 (Huwebes) hanggang Mayo 13, 2015 (Miyerkules) *Ang may postmark na hanggang Mayo 13, 2015 (Miyerkules) ay valid Ika-2 Septyembre 3 (Huwebes) hanggang September 17, 2015 (Huwebes) *Ang may postmark na hanggang Septyembre 17, 2015 (Huwebes) ay valid ・Araw ng Eksamination Ika-1 Agosto 4 (Martes) at 5(Miyerkules), 2015 Ika-2 Nobyembre 7 (Sabado) at 8 (Linggo), 2015 ・Lugar ng eksaminasyon Ika-1 Mieken Kyouiku Bunka Kaikan (Tsu shi Sakurabashi 2-142) Ika-2 Mie Prefecture Office Auditorium (Tsu shi Komei cho 13 ) Para sa mga detalyeng impormasyon pindutin ang link sa ibaba http://www.mext.go.jp/a_menu/koutou/shiken/ (homepage ng Ministry of Educatio, Health and Sports) Para sa mga katanungan: (Japanese Only) Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Shakai Kyōiku・Bunkazai Hogoka (Mie Board of Education Executive Department, Social education・Culture Protection Dept.) 〒514-8570 Tsu shi Komei cho 13 TEL:059-224-3322 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « [2015] Mie Citizen’s Day Spring Eco Fair Para sa Bata » ↑↑ Next Information ↑↑ [2015] Mie Citizen’s Day 2015/04/14 Tuesday Edukasyon, Nilalaman, Selection 平成27年4月18日(土)に津市で「県民の日」が開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang gobyerno ng Mie ay magtatanghal ng isang event para ipagdiwang ang “Mie Citizen’s Day” sa Abril 18 (Sabado) na gaganapin sa Mie Cultural Center (Tsu shi Ishinden Kozubeta), para mas mapalawak ang interes at kaalaman ng mga mamamayan sa lugar na kanilang kinalakihan. Kahit sino ay maaring dumalo, kaya’t halina at makisaya. (Hindi kailangan ang reserbasyon) Petsa: Abril, 18, 2015 (Sabado) 10:00~16:00 Lugar: Mie Cultural Center (Tsu shi Ishinden Kozubeta 1234) Bayad: Libre Schedule ・Panimula (Festival Plaza 10:00~10:20 Mie University 「Gotsu Group」Yosakoi Presentation ・Exhibits・Pagsubok・Tindahan (10:00~16:00) – Exhibit ng robot na gawa ng mga estudyante – Health check, Konsultasyon kung paano makapasok sa unibersidad – Simulator Vehicle kung saan maaring masubukan ang pag-uga ng lindol – Mga pagkaing gawa sa local ng produkto – Pagbebenta ng mga handicrafts at pagtikim ng mga pagkain – Pagsubok gumawa ng wood craft ・Stage event (Middle Hall 13:00~14:00) Traditional music presentation mula sa Kogakkan University at Symphonic Band Mula Mie University ・Commemorative Lecture (Middle Hall 14:00~15:30) Paksa: 「Sa pag-abot sa isang pangarap~Hindi magtataksil ang pagsisikap」 Speaker: Utsugi Taeko (Former coach ng Japan Women’s Softball Team) Para maging maayos ang paligid, hanggat maari ay gumamit ng public transportation. ( Inaasahan na sa araw na ito ay puno ang parking area) Maaring mabago ang schedule kung sakaling umulan Maaring maisara ang mga tindahan at iba pang aktibidad sakaling maubos ang mga paninda at ginamit na materyales. Iba pang ktibidad Libreng bayad sa mga pasilidad ng gobyerno Kasabay sa pagdiriwang ng “Mie Citizen’s Day” ang ilang exhibits sa “MieMu” ay magiging bukas sa publiko ng libre at ang ilang pampublikong pasilidad ay (magkakaron ng discount sa pagpasok) Alamin ang detalye sa mga pasilididad na ito. (listahan ng mga pasilidad) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp