(2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente

2021年外国人住民向けの消費者被害防止研修会の参加者を募集します

2021/01/18 Monday Anunsyo, Seminar at mga events

Ang proporsyon ng mga dayuhang naninirahan sa Mie Prefecture ay mataas sa lahat ng mga residente, ang mga dayuhan na namamalagi at permanenteng residente ay lalong dumadami. Sa sitwasyong ito, dumadami din ang kaso na kung saan nasasangkot sa mga problema sa pamimili. Dahil dito, magkakaroon kami ng mga workshop sa mga lugar kung saan maraming mga dayuhang residente, at susuportahan namin upang makapamuhay ng ligtas at may seguridad.

  1. Petsa at oras: Sabado, Pebrero 13 (2020) – 10:10am hanggang 11:10am (simula ng pagtanggap 9:50am)
  2. Venue: Matsusaka-shi Kodomo Shien Kenkyu Center (Matsusaka City Children’s Support Research Center)
    * Maaaring mabago depende sa katayuan ng impeksyon sa bagong coronavirus.
  3. Tema: Protektahan ang iyong sarili mula sa problema sa kontrata!
    Lecturer:Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi (Mie Prefecture Environment Living Division) ・ Koutsu Anzen-ka Shouhi Seikatsu Center-han (Traffic Safety Section Consumer Life Center)
    Mga nilalaman ng pagsasanay: Mga paliwanag tungkol sa consumer damage prevention na gamit ang multilingual brochure, case example gamit ang DVD, Q & A atbp.
    ※Mayroon kaming mga interpreter sa Portuguese, Pilipino, Ingles, Chinese at Indonesian.
  4. Mga kalahok: Mga dayuhang residente ng Mie Prefecture at ang mga involve sa pagtulong sa mga dayuhang residente.
  5. Bilang ng mga tao: 30-katao (First come first served basis)
  6. Participation fee: Libre
  7. Paraan ng pag-apply
    Mangyaring punan ang application form sa likod ng leaflet at ipadala sa Mie International Exchange Foundation sa pamamagitan ng fax oe-mail hanggang Pebrero 5 (Huwebes).
  8. Application / Inquiries
    Koeki Zaidan Hojin Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan (Foundation Mie International Exchange Foundation)
    Person in charge: Okumura (奥村) and Ikari (猪狩)
    〒514-0009 Tsu Shi Hadokoro Machi 700 Ast Tsu 3F
    Tel: 059-223-5006  Fax: 059-223-5007  Email: mief@mief.or.jp
    Homepage: http://www.mief.or.jp/
    Para sa Flyers i-click dito
  9.  Sponsor: Mie Prefecture Project implementation (Trustee) – Koeki Zaidan Hojin Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan (Mie International Exchange Foundation – MIEF)

(Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2021/01/18 Monday Anunsyo, Seminar at mga events

(2021年1月)県営住宅の定期募集

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Enero
Enero 5 (Martes) ~ Enero 31 (Linggo), 2021

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)

I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

Ang impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat at mga patakaran at regulasyon sa pabahay ng prefectural ay maaari ding matagpuan ang pag-click dito (sa japanese lang).

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Enero 31.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Mihama district) TEL: 059-222-6400