Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials 三重県職員の業務説明会を開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/12/06 Thursday Karera, Seminar at mga events Para sa mga mag-aaral na isinasaalang-alang ang pagkuha ng recruitment exam para sa Mie Prefectural official at opisyal ng pulisya at para sa mga nag-iisip tungkol sa magiging trabaho sa hinaharap, ipapaliwanag sa meeting na ito ang workflow at ang kapaligiran ng lugar ng trabaho. Para sa mga nais magtrabaho bilang opisyal ng Mie Prefecture o isang opisyal ng pulisya sa hinaharap, at para sa mga interesado sa serbisyo sibil, mangyaring huwag mag-atubiling sumali sa amin. ※Ang recruitment exam ng Mie prefecture official ay maaring kunin kahit walang Japanese nationality. Gayunman, ang ilang mga kategorya ng test ay nangangailangan ng Japanese nationality. Mie Kencho Oshigoto Seminar in Tsu (Work Seminar) – hindi kailnagan ng advance application Petsa at oras: Disyembre 21, 2018 (Biyernes) 13: 30-16: 00 Lugar: Mie-ken Cho Kodo (Tsu-shi Komei-cho 13) Mga nilalaman: panayam ng kawani, sesyon ng pag-uusap ng mga kabataan na kawani, pagkonsulta sa indibidwal atbp. Detalye: http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/68855027304.htm i-Click dito para sa flyers Mie Kencho Genba Setsumeikai (Field explanatory) – advance application required Petsa at oras: Enero 11, 2019 (Biyernes) 13: 45 – 17: 00 Meeting place: Mie Ken Tsu office building front entrance (Tsu-shi Sakurabashi 3-446-34) Mga Nilalaman: Mga taong interesado na magtrabaho bilang opisyal ng Mie Prefecture (General Civil Engineering.) Bibisita sa site ng konstruksiyon na kasalukuyang ginagawa ng Mie prefecture Application: hanggang Disyembre 21 Biyernes 3pm Mangyaring tawagan sa 059-224-2932 ※Ang reception ay mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang weekdays at holidays ※Matatapos ang reception kapag naabot na ang kapasidad (12 tao). Details: http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/68855027304.htm i-Click dito para sa flyers ※Ang parehong explanatory sessions, materyales, paliwanag at katanungan atbp ay isasagawa sa wikang Hapon. Makipag-ugnayan sa Mie-ken Jinji Iinkai Jimukyoku 〒514-0004 Tsu-shi Sakaemachi 1-891 TEL 059-224-2932 I-search ang employee hiring HP http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/ O i-search ang 「三重県職員採用」(Mie-ken Shokuin Saiyo) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑤ Kuwana City Medical Center Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑥ Nanbu Driving School » ↑↑ Next Information ↑↑ Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑤ Kuwana City Medical Center 2018/12/06 Thursday Karera, Seminar at mga events 外国人が活躍する企業⑤ 桑名市総合医療センター Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang isang regular na empleyado kahit na sa loob Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng kumpanya ang pinagta-trabahuan ng isang banyagang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang isinasagawa ng mga kompanya upang ang isang dayuhang empleyado ay maging isang aktibong bahagi? Kakatapos lamang ang paggawa ng Kuwana City Medical Center sa kanilang bagong ward noong Abril 2018, at ang pinakabagong mga medikal na kagamitan ay ipinakilala din. Kapag natapos ang lahat ng ward sa Disyembre, ang bilang ng mga hospital beds ay magiging 400. Ang ospital na ito ay nag-hahandog ng mga interpreter mula pa noong 2014 para sa mga nakatirang mga dayuhan sa hilagang bahagi ng Mie Prefecture kung saan nandoon ang lungsod ng Kuwana. Ang mga medical interpreter ay hindi lamang tumutulong sa mga dayuhan sa mga tuntunin ng mga wika kundi nakikinabang rin sa pagpapadali sa klinikal na kasanayan sa mga medikal na site. Si Ms. Carla na nagtrabaho mula pa noong itinatag ang medical interpreter, ay ini-interpret ng wasto ang sinasabi ng doctor na may matigas na Japanese accent at teknikal na mga tuntunin ng tumpak at mabilis. Ininterbyu namin si Ms. Carla sa isang waiting room na nakatuon para sa mga medical interpreter. Medical Interpreter Ms. Carla Cardenas May 22 taon na mula nang dumating ako sa Japan na may balak na mag “Dekasegi” mula sa Peru. Noong una hindi ako makapagsalita ng wikang Hapon, alam ko lang ang salitang “Sumo” at “Kimono”. Nanganak ako sa aking unang anak sa ganoong sitwasyon, ngunit ako ay nabagabag sa ospital dahil ininjectionan ako ng isang drip nang hindi ko alam kung para saan sya. Gayunpaman, dahil gusto kong manatili sa Japan na ligtas para sa aking anak, pumasok ako sa isang paaralan ng wikang Hapon at pinag-aralan ito. Sa tingin ko nagkaroon ako ng iba’t ibang mga opportunity dahil sa pagmaster ko ng Japanese language, at ang trabaho ng interpreter sa medisina ay isa sa mga ito. Kasalukuyang ako ay nagta-translate ng Espanyol at Portuges, ngunit sa pambihirang mga kaso ay natatranslate din sa Ingles. Kami ay nagbibigay ng serbisyo sa iba’t-ibang mga eksena tulad ng konsultasyon, eksaminasyon, pamamaraan sa ospital, operasyon atbp. Kami ay lahing tinatawag dito at doon sa buong ospital kaya sobrang busy araw-araw. Ang trabaho ng medical interpreter ay higit pa sa pagpapalit ng mga salita. Kailangan namin ang ilang mga kaalaman sa aming sinasabi upang mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng iba’t ibang mga kultura. Halimbawa, tinanong ng doctor ang isang pasyente kung ipagpapatuloy ba ang pagbubuntis sa isang pasyente na kaka-alam lamang na siya ay buntis, ngunit ito ay isang nakapangingilabot na tanong para sa mga taong taga Peru na obligasyon at natural lamang na ipagpatuloy ang pagbubuntis. Ipinaliliwanag ko ang mga pagkakaiba ng kultura sa mga pasyente at doktor bago at hinahanda ko muna ang mental na kaanyuan ng pasyente. Ngayon ako ay mahusay na itinuturing ng iba pang mga staff, ako ay patuloy na gumagawa ng mga relasyon upang maunawaan nila ang mga bagong tagapamagitan sa trabaho sa ospital. Sa isang pagkakataon, ang pasyente ay biglang yinakap ang kanyang doktor ng isang pangkaraniwang yakap ng pasasalamat ng Peru. Ang doktor ay isang napaka-seryoso na tao, ngunit salamat sa nakakagulat na reaksyon ng kaligayahan mula sa pangyayaring ito, ang aking kaugnayan sa doktor ay lalo din bumuti (tumawa). Gayundin, sa mga pasyente, ang ilan ay natatakot sa mga doktor, at medyo hindi komportable sa mga interpreter, kaya mahirap makipag-ugnayan sa kanila. Gayunpaman, gusto ko ang rewarding na trabaho at pagtanggap ng “salamat” mula sa mga pasyente. Chiho Dokuritsu Gyosei Hojin Kuwana-shi Sogo Iryo Center Establishment: Oktubre 2009 Head Office Location: Mie-ken Kuwana-shi Kotobuki-cho 3-11 URL: www.kuwanacmc.or.jp *Kailangan ang maga-reserve para sa paggamit ng isang medikal na interpreter Ang artikulo para sa Kuwana City Medical Center, na co-authored ng mga internasyonal na mag-aaral sa mga unibersidad sa Mie Prefecture, si Ms Kim Choyeon at Ms Qing Dagan at mga assistant na si Matsubara Atsushi at Shirato Masami ay naka-post dito: Mga artikulo na sakop ng mga banyagang reporter www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html (桑名市総合医療センター) (Japanese · Korean · Chinese) May report meeting din na naka-scheduled. Business visit report meeting Petsa at oras: Disyembre 8, 2018 (Sabado) 13: 30 ~ 15: 15 Lugar: UST Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Ang proyektong ito ay nabuo sa pakikipag-tulungan ng subsidy ng Ippan Zaidan Hojin Jichitai Kokusai-ka Kyokai. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp