2021 Medical Interpreter Training Course 2021年 医療通訳育成研修の受講者を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2021/07/12 Monday Kalusugan, Seminar at mga events Maraming mga dayuhan ang nahihirapang makipag-usap nang maayos sa mga doktor at nurse. Napakahalaga na mayroong mga medical interpreter upang makatulong sa komunikasyon ng parehong partido. Sa kursong ito, tuturuan ng mga kinakailangang kaalaman para sa interpretation na pang medikal, etika sa ospital at mga diskarte sa pag interpret ng face to face at koneksyon sa telepono. Ang registration ay matatapos sa ika-20 ng Agosto (Biyernes), at libre ang bayad sa kurso. Mga linguwahe kung saan ibibigay ang kurso Portuguese, Vietnamese, Chinese, Filipino, Spanish Kapasidad 30 katao (5 hanhanggang 10 katao kada linguwahe) * Ang mga taong nakapasa lamang sa selection test ang maaaring makasali Selection test August 28 (Sabado), mula 2 pm hanggang 3:30 pm* Ang test ay gagawin online sa pamamagitan Zoom. * Bago magsimula ang test, dapat dumalo ang mga mag-aaral sa espesyal na klase ng “Consumer Damage Prevention”. Mga petsa at lokasyon ng kurso Unang klase: Setyembre 25 (Sabado), mula 1:30pm hanggang 4:00 pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom) Pangalawang klase: Oktubre 30 (Sabado), mula 10am hanggang 3:30pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom) Pangatlong klase: Nobyembre 27 (Sabado), mula 10am hanggang 3:30pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom) Pang-apat na klase: Disyembre 18 (Sabado), mula 10am hanggang 3:30pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom) Pang-limang klase: Enero 22 (Sabado), mula 10am hanggang 12pm (UST Tsu: Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Tingnan ang kumpletong detalye kung sino ang maaaring kumuha ng kurso, petsa ng mga klase, kung paano magrehistro at iba pang impormasyon sa mga link sa ibaba (sa wikang Japanese lamang). I-click dito para sa explanatory pamphlet i-click dito para sa application form Contact Mie International Exchange Foundation (MIEF) Address: 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 (UST Tsu 3F) TEL: 059-223-5006 FAX: 059-223-5007 E-mail: mief@mief.or.jp http://www.mief.or.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « (Hulyo/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura Ang “Go To Eat” Campaign ng Mie » ↑↑ Next Information ↑↑ (Hulyo/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura 2021/07/12 Monday Kalusugan, Seminar at mga events (2021年7月)県営住宅の定期募集 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Hulyo Hulyo 3 (Biyernes) ~ Hulyo 30 (Biyernes), 2021 Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito. I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version) I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp. http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm *Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang. *Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Hulyo 31. Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply) Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office Araw ng bunutan Araw ng pag-upa Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1 Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1 Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1 Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1 ※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas. Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang) Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod (1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802 (2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171 (3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Mihama district) TEL: 059-222-6400 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp