Ang “Go To Eat” Campaign ng Mie

三重 GoToEat キャンペーン
追加販売が7月8日より開始されました!何回でもお申込みできます!

2021/07/19 Monday Anunsyo, Kultura at Libangan

Ang additional na pagbebenta ay nagsimula noong ika-8 ng Hulyo!  Maaaring makapag-order ng maraming beses!

Ang “Go To Eat” Campaign ng Mie ay isang serbisyo upang tulungan ang mga manggagawa sa restaurant ng Mie, na nagsusumikap na i-manage ang kanilang mga tindahan at sabay na naglalapat ng mga hakbang sa pag-iingat sa virus, at lahat ng mga magsasaka at mangingisda na nagbibigay ng pagkain.  Para sa mga consumer, ibebenta ang mga premium meal voucher.

Lugar na sakop ng campaign  

Buong rehiyon ng Mie

Tungkol sa premium meal voucher

  • Ang mga meal vouchers ay available ng 1 set na may 12-tickets na nagkakahalaga ng 1,000 yen kada ticket.
  • Ang halaga ng 1 set ay 10,000 yen (¥2,000 discount).
  • Ang mga residente lamang ng Mie ang makakabili.
  • Ang kada tao ay maaaring bumili ng hanggang sa 2 set (¥ 20,000). Sa apply period ng meal voucher, maaari kang mag-order ng maraming beses hangga’t gusto mo.  Gayunpaman, ang pag benta para sa kada period ay magtatapos kaagad kapag naubos na ang mga stock.
  • Hindi maaring mabaryahan ang mga meal voucher.
  • Magagamit lamang sa mga rehistradong miyembro ng mga tindahan sa Mie Prefecture (malalaman ito sa pamamagitan ng mga sticker at poster sa loob ng tindahan).
  • Hindi na ito magagamit kapag tapos na ang validity period.

Validity period

July 10 (Sabado) hanggang September 20 (Lunes) 2021

Paraan ng pag apply

  • Sa pamamagitan ng return cards (first-come-first-served basis), na may tatak na valid hanggang ika 8 mula ika-8 ng Hulyo (Huwebes) hanggang 23:59 sa ika-7 ng Agosto (Sabado) 2021

  • Sa pamamagitan ng WEB (first-come-first-served basis), mula ika-8 ng Hulyo (Huwebes) hanggang 23:59 sa ika-7 ng Agosto (Sabado) 2021
    Mag-apply as link na ito: https://www.funity-rs.jp/mie-f/

Pagkatapos mag-apply, kailangan mong bumili at kunin sa FamilyMart.

Kapag gumagamit ng meal voucher , mangyaring magpatuloy sa pagsunod  ng masusing mga hakbang sa pag-iingat laban sa mga nakakahawang sakit.

Bilang karagdagan, ang mga meal voucher na dating nailabas na may validity period [may bisa hanggang Pebrero 21, 2021 (Linggo) o 2021/06/30 (Huwebes)] ay magagamit din hanggang Setyembre 20, 2021 (Lunes).

Para sa mga inquiries (Mie’s “Go To Eat” Campaign Call Center)

TEL: 050-3538-2860 (para sa mga bibili, in Japanese only)

Weekdays: 10am hanggang 6pm (maliban tuwing Sabado, Linggo at holidays)

2021 Medical Interpreter Training Course

2021/07/19 Monday Anunsyo, Kultura at Libangan

2021年 医療通訳育成研修の受講者を募集します

Maraming mga dayuhan ang nahihirapang makipag-usap nang maayos sa mga doktor at nurse.  Napakahalaga na mayroong mga medical interpreter upang makatulong sa komunikasyon ng parehong partido.

Sa kursong ito, tuturuan ng mga kinakailangang kaalaman para sa interpretation na pang medikal, etika sa ospital at mga diskarte sa pag interpret ng face to face at koneksyon sa telepono.

Ang registration ay matatapos sa ika-20 ng Agosto (Biyernes), at libre ang bayad sa kurso.

Mga linguwahe kung saan ibibigay ang kurso

Portuguese, Vietnamese, Chinese, Filipino, Spanish

Kapasidad

30 katao (5 hanhanggang 10 katao kada linguwahe)

* Ang mga taong nakapasa lamang sa selection test ang maaaring makasali

Selection test

August 28 (Sabado), mula 2 pm hanggang 3:30 pm*

Ang test ay gagawin online sa pamamagitan Zoom.

* Bago magsimula ang test, dapat dumalo ang mga mag-aaral sa espesyal na klase ng “Consumer Damage Prevention”.

Mga petsa at lokasyon ng kurso

  • Unang klase: Setyembre 25 (Sabado), mula 1:30pm hanggang 4:00 pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom)
  • Pangalawang klase: Oktubre 30 (Sabado), mula 10am hanggang 3:30pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom)
  • Pangatlong klase: Nobyembre 27 (Sabado), mula 10am hanggang 3:30pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom)
  • Pang-apat na klase: Disyembre 18 (Sabado), mula 10am hanggang 3:30pm (Online, sa pamamagitan ng Zoom)
  • Pang-limang klase: Enero 22 (Sabado), mula 10am hanggang 12pm (UST Tsu: Tsu-shi Hadokoro-cho 700)

Tingnan ang kumpletong detalye kung sino ang maaaring kumuha ng kurso, petsa ng mga klase, kung paano magrehistro at iba pang impormasyon sa mga link sa ibaba (sa wikang Japanese lamang).

I-click dito para sa explanatory pamphlet

i-click dito para sa application form

Contact

Mie International Exchange Foundation (MIEF)

Address: 〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700 (UST Tsu 3F)

TEL: 059-223-5006

FAX: 059-223-5007

E-mail: mief@mief.or.jp

http://www.mief.or.jp