Ano ang gagawin kapag nagkaroon ng problema sa private rental housing?

民間賃貸住宅に入居するときに困ったら

2019/06/25 Tuesday Paninirahan

Kapag umupa ng isang pribadong  rental housing, may mga kaso kung saan ang mga matatanda, mga taong may kapansanan, mga dayuhan, mga pamilya na may mga bata, atbp., ay nagkakaroon ng problema sa pakikipagkomunikasyon, paghanap ng guarantor (hoshonin) o tinatanggihan ng may-ari dahil sa mga alalahanin tungkol sa  mga sitwasyon pagkatapos makapasok sa uupahan bahay, at iba pang mga sitwasyon.

Upang tulungan ang mga nahihirapan sa pag-upa ng private rental housing na nangangailangan ng suporta sa paglutas ng problema o madaliang resolusyon, ang “Housing and Liaison Committee” (Mie-ken Kyoju Shien Renraku-kai) ay itinatag.  Ito ay isang kooperatibong proyekto sa pagitan ng pamahalaan, mga kompanya ng real estate at mga pribadong grupo ng suporta sa pabahay.

Kung nagkakaroon ka ng problema sa pagpasok ng isang pribadong rental housing, tignan ang mga organisasyong nakalista sa website sa ibaba.

Ang website ng Mie-ken Kyoju Shien Renraku-kai (ang impormasyon sa wikang Portuguese at Spanish ay matatagpuan as ibaba ng post)

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/46339031389.htm

Leaflet ng Mie-ken Kyoju Shien Renraku-kai (nakalista ang mga communication channels, atbp.)

* Japanese only: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000621684.pdf

Maghanap ng pabahay (Safety Net Jutaku) na hindi aayawan ang mga taong nangangailangang umupa ng bahay sa URL na nakasulat as ibaba (Japanese only)

https://www.safetynet-jutaku.jp/guest/index.php

Kokudo Koutsu-sho (Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism) Gabay sa paghanap ng apartment

http://www.mlit.go.jp/jutakukentiku/house/jutakukentiku_house_tk3_000017.html

Makipag-ugnayan sa:

Mie-ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Sumai Shien-han
TEL: 059-224-2720 (ito ay sa wikang Japanese lamang)
E-mail: jutaku@pref.mie.lg.jp

Mie: Inere-rekomendang mga Campsites

2019/06/25 Tuesday Paninirahan

三重県内のおすすめキャンプ場

Sa pagkakataong ito, ipapakilala namin ang anim na campsites sa Mie Prefecture simula sa North hanggang South kung saan maaari mong ma-enjoy ang kalikasan, mga tent, overnight cottages at barbecue. Gusto mo bang magkaroon ng kakaibang experience kasama ang inyong mga kaibigan at pamilya?

* Para sa higit pang mga detalye tungkol sa mga charges, pag-access, oras ng pagbubukas, pagpapareserba, atbp., Direktang mag-check sa tagapangasiwa ng mga site.  (Mangyaring tandaan na ang mga impormasyong ito ay maaaring magbago paminsan-minsan).

  1. Aogawa-kyo Camping Park

Address: Inabe-shi Hokusei-cho Shinmachi 614
TEL: 0594-72-8300
Official Website: https://www.aogawa.jp/
Opening Hours: Business days (maaaring magbago depende sa panahon).

  1. Oyamada Hot Spring Sarubino Iga-ryu Ninja Field Athletic Campground

Address: 〒518-1412 Iga-shi Kamiawa 2953
TEL: 0595-48-0268
Official Website: https://www.sarubino.com/
Opening hours: 10am hanggang 9pm (ang hot spring entrance ay magsasara ng 8:30 p.m.)

* Sarado ng Tuesdays (May posibilidad na magsara sa ibang araw)

  1. Ooyodo Nishi Kaigan Moon Beach Campground

Address: Taki-gun Meiwa-cho Oyodo
TEL: 0596-55-3946
Official Website: http://www.moon-beach.com/
Opening hours: bukas buong taon

  1. Ise-Shima Everglades

Address: Shima-shi Isobe-cho Anagawa 1365-10
TEL: 0120-592-364
Official Website: http://www.everglades.jp/
Opening hours: 8am hanggang 5pm (maaaring magbago depende as panahon).

  1. Oku Ise Forestpia Riverside Village

Address Address: Taki-gun Odai-cho Sono 993
TEL: 0598-76-1200
Official Website: https://okuiseforestpia.com/
Opening hours: 8am hanggang 9pm (check-in at 3pm, check-out at 10am)

* Sarado ng Wednesdays (May posibilidad na magsara sa ibang araw)

  1. Camp inn Miyama

Address: 〒519-3408 Kitamuro-gun Kihoku-cho Bin’noyama 271
TEL: 0597-33-0077
Official Website: http://camp-inn-miyama.com/
Opening hours: 9am hanggang 5pm (mag-inquire sa telepono) – bukas buong taon

* Sarado ng Wednesdays sa pagitan ng buwan ng November at March.

Mayroon ding maraming iba pang mga camping site sa lalawigan ng Mie.  Tingnan ang website ng Mie Tourism Association (Mie-ken Kankou Renmei): https://www.kankomie.or.jp/season/detail_41.html (Japanese only).