Pagpapakilala ng Autumn Leaves Spot ng Mie Ken 三重県の紅葉スポットの紹介について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2016/10/13 Thursday Kultura at Libangan Ang phenomenon na kung saan nagbabago ng kulay ang mga dahon tuwing autumn ay tinatawag na Koyo (autumn leaves). Sa Japan, ito ang nagpapahiwatig ng pagbabago ng seasons simula pa noong ancient times. Mayroong isang tradisyon na kung saan nageenjoy sa pagtanaw ng Koyo (Momiji Gari). Ang Mie-ken ay may napakadaming Koyo attraction spot, ang pinapakilala namin dito ay isang parte pa lamang. Halina at mag-enjoy mag Momiji Gari at mamasyal! Para sa iba pang impornasyon kumunsulta sa homepage ng Mie-ken Kanko Renmei (Mie Ken Tourism Federation)(https://www.kankomie.or.jp/season/detail_61.html) Gozaishodake Ang Koyo ng Gozaishodake ay nagmumula sa kalahati ng bundok na dahan dahang nagiiba ang kulay hanggang sa ibaba! Kaya’t mae-enjoy ninyo ang iba’t-ibang autumn colors sa bawat pagbisita. Lugar:Mie-gun Komono-cho Yunoyama Onsen Entrance fee:Adult 2,400 Yen Children 1,200 Yen (Ropeway Roundtrip) ※Maaari din na akyatin pataas at hindi na sasakay sa Ropeway kaya’t ito ay magiging libre. Full bloom : – Mountain Top・・・gitna ng October~katapusan ng October – Middle of the mountain・・・simula ng November~gitna ng November – Foot of the mountain・・・gitna ng November~katapusan ng November Ugakei Mae-enjoy nyo ang non artificial autumn leaves tulad ng Ugakei buna-ka, kabanoki-ka, shiromoji, benidoudan at urikaede. May napakaganda at malinis na stream waterfall tour at promenade walk, rock climbing sa Tatsugaoka at madami pang mga nature adventure depende sa kakayanin ng inyong pisikal na kondisyon. Lugar:Mie-ken Inabe-shi Daian-cho Ishigure Minami Entrance fee:200 Yen per person(Environmental Protection Cooperation Fee) Full bloom:Kalagitnaan ng November hanggang katapusan Akame Shijuhachi Taki Ang valley sa kabila ng Takigawa upstream ay mga 4km, at ipinagmamalaki ang napakagandang natural na landscape sa buong taon, ang pasyalan na one-way ay aabot sa isa’t kalahating oras na hiking trail. Ang autumn ng Akameshijuha taki ay may mga Irohamomiji (Japanese Maple), Kaede (Maple), Yamazakura (Wild mountain cherry), atbp. ay nagiging pula ang kulay ng valley at ito ay nagtatangi ang kagandahan. Ang trekking course ng Nagasakayama ay matatanaw ang nagliliyab na kulay ng autumn colors sa buong valley. Lugar:Nabari Shi Akame Cho Nagasaka 861-1 Entrance fee:Adult 400 Yen・Elementary Students 200 Yen (Iriyama Fee) Full bloom:Kalagitnaan ng November hanggang katapusan Kouchi Keikoku Halina’t mag-enjoy sa magandang autumn leaves na makikita lamang tuwing autumn ng valley na may boulder rocks at malinaw na streams! Sa katapusan ng November ay magkakaroon ng light up tuwing gabi. Lugar:Tsu Shi Geino Cho Ujii Entrance fee:Free Full bloom:Kalagitnaan ng November hanggang umpisa ng December Amikakeyama Momiji-dani Nagtatangi ang kagandahan ng natural na tumutubo na daan-daang nakakalat sa ibabaw ng slope na may haba na 1km na maple scenery ng namumulang autumn leaves. Lugar:Watarai Gun Taiki Cho Aso Entrance fee:Free Full bloom:Kalagitnaan ng November hanggang umpisa ng December Dorokyo Ang the best Kii Hanto or Kii Peninsula na tinataguriang napaka-gandang tourist attraction na may magandang tanawin na malapit sa valley. Lugar:Kumanoji Kiwa Cho Kidzuro Entrance fee:Adult 2,260 Yen・Children 1,130 Yen (Water Jet Boat Roundtrip) ※ Mula sa sakayan ng Ogawakuchi (isang oras na biyahe) Full bloom:Kalagitnaan ng November hanggang umpisa ng December Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « (2016/10~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken Organisasyon ng Dayuhang Residente na Aktibo sa Komunidad Patungo sa Isang Multicultural Society » ↑↑ Next Information ↑↑ (2016/10~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken 2016/10/13 Thursday Kultura at Libangan 三重県の最低賃金について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Halaga kada oras:¥795 (24 yen na dagdag kumpara noong 2015) Araw ng Pag-issue: Oktubre 1, 2016 ※Para sa lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Mie. (Maliban sa mga taong may nakatalagang minimum wage) Para sa mga detalye, tumawag sa Mie Labor Bureau Salary Division (Mie Roudou Kyoku Chin Gin Shitsu)《TEL: 059-226-2108》 o magtanong sa pinakamalapit na Labor Standards Inspection Office (Roudou Kijun Kantoku) (Japanese only) Nakatala din ito sa homepage ng Mie Labor Office http://mie-roudoukyoku.jsite.mhlw.go.jp/jirei_toukei/chingin_kanairoudou/toukei/saitei_chingin/saitei.html (Reference) Ministry of Health Labor and Welfare Homepage http://www.mhlw.go.jp/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp