[Matsusaka] Winter Illumination “Hayop sa Gubat at Liwanag mula sa Tunnel”

みえこどもの城でウィンターイルミネーションが開催されます

2015/12/14 Monday Kultura at Libangan, Mga events

image-2

(Winter Illumination “Mori no Dobustru to Hikari Tunnel”)

Taunang tradisyon para sa winter illumination.

Ang lahat ay inaantay na silayan ang tema ng illumination sa taong ito “hayop sa gubat” katulad ng oso, kuneho at iba pang hayop.

 

【Petsa】2015, Disyembre 19 (Sabado) ~ 2016, Pebrero 14 (Linggo)

9:30 ~ 17:00

※Sarado kada Lunes at Disyembre 29 ~ Enero 3.

Kumpirmahin sa website ang mga detalye para「Calendar Event」.

【Lugar】Mie Kodomo ng Shiro 1st Floor Event Hall

(Mieken Matsusaka Shi Tachino cho 1291 sa loob ng Chubudai Park  TEL:0598-23-7735)

【Admission】Libre

【Mie Kodomo no Shiro Homepage】    http://www.mie-cc.or.jp/map/

[2015] Disyembre at Enero Panahon ng mahigpit na pagbusisi sa pagbabayad ng tax

2015/12/14 Monday Kultura at Libangan, Mga events

ストップ!県税滞納 ~12月・1月は県税の「差押強化月間」です~

Disyembre at Enero Panahon ng mahigpit na pagbusisi sa pagbabayad ng tax

~Hindi palalagpasin ng gobyerno ng Mie ang mga taong nagmamay-ari ng mga ari-arian at may pambayad ng buwis subalit ayaw magbayad! Isinusulong sa panahong ito ang mahigpit na pagsisiyasat at pagkumpiska dala ng hindi pagbabayad ng tamang buwis~

Ang pagwawalang bahala ukol sa hindi pagbabayad ng buwis ay hindi lamang balakid sa maayos na serbisyong nais ibigay ng administratibo, hindi rin ito makatarungan sa mga residenteng patas na nagbabayad ng kanilang buwis sa itinakdang panahon.

Dahil dito, ang pamahalaan ay magsasagawa ng mga panuntunang naaayon sa legal na batas para makuha ang nararapat na kabuuang halaga ng bayad sa buwis mula sa mga taong may kakayahang magbayad subalit ayaw magbayad ng prefectural tax. At upang maisakatuparan ang pangongolekta ng kabuuang bayad sa buwis, sa 2 buwan mula Disyembre hanggang Enero, 8 Prefectural Tax Office ang mangungumpiska ng mga ari-arian mula sa mga taong ayaw magbayad ng kanilang buwis.

Note

  1. Panahon  Disyembre 2015 hanggang Enero 2016 sa loob ng 2 buwan
  2. Detalye
    (1) Pangungumpiska ng ari-arian
    May notice na ipapadala sa tao hinggil sa hindi nabayarang buwis para paalalahan ito na kusang magbayad sa itinakdang panahon. Kung ang notice na ito ay winalang bahala, kukumpiskahin ng pamahalaan ang mga ari-arian na katumbas ng halaga ng buwis na hindi nabayaran. Ang mga ari-arian na maaring kumpiskahin ng pamahalaan ay ang mga naipong pera, suweldo, mga matatanggap na account sa hinaharap, benepisyo sa insurance, sasakyan at mga lupain o bahay.
    ※ Kung napag-desisyunan na kumpiskahin ang dinadalang sasakyan, lalagyan ito ng lock sa gulong para siguraduhing hindi ito magamit ng taxpayer.
    ※ Ang sasakyan at pag-aaring lupa na nakumpiska sa ganitong paraan ay ibebenta sa pamamagitan ng auction sa internet. Ang halagang makukuha sa auction ang siyang magsisilbing pambayad ng taxpayer sa buwis na hindi nabayaran.
    (2) Paano ito ipapaalam sa publiko
    May banner na nagtataglay ng impormasyon tungkol sa bagay na ito at idi-display ito sa lahat ng pasilidad gobyerno ng Mie.
  3. Iba pa
    Bukod sa ibang pang mga ari-arian na maaring kumpiskahin, ang sasakyan ang pangunahing ari-arian na direktang kinokekta ng pamahalaan.

(Reference)

  • Mga buwis na kinukolekta ng gobyerno sasakyan, sariling kompanya at real estate
  • Estado ng mga kukumpiskahing sasakyan sa 2015 (as of October)
    Collective rate 98%   Halagang kokolektahin \340,000,000
  • Bilang ng mga assets na kinolekta sa taong 2014       6,743 cases
    (1,793 cases ang pilit kinukumpiska hanggang ngayon)

 

mie-ken jidousha zei