STOP! Ilegal na pagtapon ng basura!

廃棄物の不法投棄について

2017/02/10 Friday Nilalaman, Selection

Ang illegal na pagtapon ng basura ay magiging sanhi ng polusyon sa kalikasan at pagkasira ng kalikasan. Ang Mie ken ay nagsasagawa ng pagmo-monitor at guidance activities sa mga staff at cooperatives kasama ang munisipyo, business operators, at mga residente ng lungsod upang mapalawak ang sistema ng pagmo-monitor na may layunin na “Pagbuo ng lipunan na hindi sang-ayon sa illegal dumping”. Maraming salamat sa inyong pag-uunawa at kooperasyon upang maipatubad ang layuning maayos na pagtipon ng basura sa Mie Ken na walang illegal waste dumping.

Ang illegal na pagtapon ng basura, at pagsunog nito sa labas, atbp. ay mahigpit na ipinagbabawal. Kapag kayo ay nakakita ng ganitong mga ilegal na gawain, mangyaring tumawag sa toll-free number na nakasaad sa ibaba.

  • TEL: 0120-53-8184
  • FAX: 0120-53-3074
  • E-mail: gomi110@pref.mie.jp

Para sa mga gustong magtapon ng mga basura na hindi pwedeng itapon sa regular na basurahan katulad ng malalaking basura, household appliances, atbp., mangyaring magtanong kung saan ang tapunan nito sa pasilidad ng munisipyo ng inyong tinitirhan. Subalit, may mga ibang uri ng basura na hindi pwedeng itapon sa pasilidad, kung kaya’t tumawag muna at i-check ito sa telepono.

※Importante※ Para sa mga kagamitan na kasali sa Home Appliances Recycling Law, ang mga home appliances tulad ng air conditioners, televisions, refrigerators, washing machines at clothes dryers ay kinakailangan i-recycle ayon sa batas. Kapag itatapon ang mga ito, mangyaring dalhin ito sa home electronics retail store o di kaya gamitin ang collection service ng munisipyo. Para sa pagtapon, pag-kolekta, at pag-papadala ay may bayad para sa pag-recycle ng mga home appliances.

Ang mga ilang kontraktor na nago-offer na kunin ito ng libre ay walang pahintulot para mangolekta at magtapon ng basura, kaya’t ang pakikipag-deal sa mga kontraktor na ito ay maaring maging sanhi ng pagkasira ng kalikasan sa pamamagitan ng ilegal na pagtapon ng basura, kaya’t mangyaring mag-ingat sa mga ito. Kapag hindi ninyo alam kung paano itapon ang mga home appliances, mangyaring tawagan ang waste department ng inyong siyudad.

【Makipag-ugnayan sa】

  • Haiki Mono Kanshi Shido-ka (Waste Monitoring and Guidance Section)
    TEL: 059-224-2388
  • Haiki Mono/Risaikuru-ka (Waste and Recycling Division)
    TEL: 059-224-2385 (Para sa Home Appliances Recycling Law)

Tayo na’t kilalanin ang Mie: Nabana no Sato

2017/02/10 Friday Nilalaman, Selection

三重県内の有名な観光スポット「なばなの里」を知ろう!

Para sa mga sumusubaybay sa Mie Info, Nandito ako ngayon para ipakita sainyo ang Nabana no Sato. Ang Nabana no Sato ay isang lugar na pwedeng ma-enjoy ng buong taon. Sa loob nito ay madaming magagandang attractions tulad ng Seasonal Flowers, Begonia Garden, Winter Illumination at marami pang iba.

Ngayon araw na ito, gusto kong ipakilala sainyo ang mga magagandang lugar na ito sa loob ng Nabana no Sato.

Ang Nabana no Sato ay matatagpuan sa Mie Ken Kuwana Shi, Ito ay ang lugar kung saan mae-enjoy ng buong taon ang mga magagandang bulaklak ng kada season ng buong taon katulad ng tulips, roses, daffodils at iba pang mga halaman at bulaklak. Makikita ang mga iba’t-ibang uri ng bulaklak at halaman sa 9,000㎡ na greenhouse, ang Begonia Garden naman na may 12,000 trees ay nakatanim sa isang espesyal na lugar.

Ang Begonia Garden ay nahahati sa ilang mga lugar, at sa kada lugar nito ay may maraming klase ng begonias na namumulaklak. Ang pagiging makulay nito, kagandahan at mahalimuyak na amoy ay syang nakaka-akit ng madaming mga bisita.

Tignan po natin ang mga ito.

Ang season ng pinaka-maraming namamasyal ay tuwing winter na kung saan ginaganap ang illumination. Dito sa Nabana no Sato, mae-enjoy ninyo ang pinaka-malaking illumination ng Japan na kung saan ang lugar ay binubuo ng millions na LED lights.

Ang illumination period ay ginaganap kada taon simula sa Oktubre hanggang Mayo. Ang illumination ng 2016 ay nagsimula ng October 15 hanggang May 7, 2017. Maaari nyong i-check ang schedule sa official site ng Nabana no Sato.

Ang masterpiece nito ay ang 200 meters na haba na “Tunnel of Light” na binubuo ng matitingkad na kulay ng bulb na may motif ng cute na petals at ang malawak na ground na naging engrandeng illumination na sea of light. Mayroon ding mobile observatory na pwedeng sakyan at makita ang view ng buong garden.

Mararating ninyo ang theme area pagkatapos ninyong dumaan sa “Tunnel of Light”. Maaaring matunghayan ang light show na may music ng 2016 na may temang “Earth”.

Sa engrandeng illumination na ito ay matutunghayan ang mga Iba’t-ibang magagandang scenery ng mundo na gustong mapuntahan ng mga tao at ipapakita ito ng sunod-sunod.

  • The Americas Monument Valley
  • Antartica
  • African Continent
  • Eurasia Continent Plitvice Lakes National Park
  • Tanada “Rice Terraces” (Japan)

Pagkatapos dumaan sa theme area, ay makakarating sa isa pang magandang light tunnel na may temang “Autumn”. Ito ay katulad ng autumn leaves at nag-iiba ang kulay na magkasunod na kulay green, orange at red.

Ang symbol tree na”Twin Tree”, na matatagpuan malapit sa chapel ay napiling Christmas tree ng Japan noon 2015. Ito ay may dekorasyon sa mga sangay nito ng LED light bulb at kasabay ng illumination ay ang malagong dahon nito. Maaari din na magwedding ceremony sa chapel na ito.

Ang “Hikari no Taiga” ay isang kakaibang illumination sa buong bansa, ito ay nagre-representa ng elegante at delicate river at ang daloy ng masiglang waterfalls. Mae-enjoy ninyo ang kagandahan ng iba’t-ibang pagbabago ng daloy ng river na may dynamic na effect kasabay ng BGM (Back Ground Music).

Bukod pa dito, Ang park ay may higit na 10 restaurants at mae-enjoy ninyo kasama ang inyong pamilya, ang Japanese food, at mga gourmet katulad ng Italian at Chinese. May mga inilagay din na Foot Bath para mapawi ang pagod at pwede itong magamit para makapag-relax. May mga tindahan din para sa souvenirs at ibang shops tulad ng flower shop at bakeshop malapit sa entrance. Ang Nabana no Sato ay isang open na lugar na pwedeng makapag-unwind ang kahit sino.

Makaka-spend ng araw ng masaya sa loob ng magandang park na puno ng masayang attractions na may makulay at diverse na mga bulaklak at halaman.

Nabana no Sato Kumagai San Interview

Maaari nyo bang ibahagi saamin ang kagandahan ng Nabana no Sato.

「Ang Nabana no Sato ay nagbukas noon 1998 para ma-enjoy ang mga bulaklak ng apat na season, at para lubos-lubusang ma-enjoy ng mabuti ang mga scenery ng kada-season. Sa Spring ay matutunghayan ang mga plums, maagang pagsibol ng Kawazu cherry tree at mga tulip na nakakalat sa buong park. Sa summer naman ay ang hydrangea, flower gourd at sa autumn naman ay mga cute na cosmos, madaming uri ng dahlias at seasonal flowers. At ang illumination sa loob ng park ang pinaka main attraction, sa palagay ko ay ito ang pinaka-charm at kasayahang mararamdaman pagpumunta sa Nabana no Sato.」

Maraming salamat po, at sa pagtatapos, maari ba kayong magbigay ng mensahe para sa mga foreign residents.

「Ang Nabana no Sato ay isang napakahalagang lugar na kung sa maaaring ma-enjoy ang magkasang seasonal flowers at illumination. Siguradong magugustuhan din ng mga taga-ibang bansa ang magandang scenery ng Japan at iba’t-ibang pagkain katulad ng Japanese, Western at Chinese at pati na din sa Natural Hot Spring. Kaya’t inaanyayahan namin kayo na magspend ng time para makapag-relax dito sa Nabana no Sato.」

Business hours(Winter Illumination Period)

  • Weekdays: 9 am hanggang 9 pm
  • Weekends and Holidays: 9 am hanggang 10 pm

Admission Fee: Elementary student pataas   2,300 Yen/person(May ibibigay na 1,000 Yen worth na coupon na maaring gamitin sa loob ng park)
Parking: FREE
Access:
〒511-1144 Mie Ken Kuwana Shi Nagashima Cho Komae Urushibata 270
MAP: Mangyaring i-click dito
Website: www.nagashima-onsen.co.jp

Business hours(Winter Illumination Period): http://www.nagashima-onsen.co.jp/nabana/illumination/time_price.html/