Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme ③ ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~ 悪質商法にご用心!③ ~知って備える契約トラブル~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/11/10 Friday Anunsyo Ano ang MLM (Multi-level Marketing Transaction)? Ito ay ang pag-kontrata ng mga produkto at serbisyo, at ang sunod ay palakihin ito sa pamamagitan ng pyramid type, mas kilala bilang pyramid scam. Sa pagsali dito, kailangan mo magrecruit din ng ibang tao na bumili at sumali. Hindi madali ang kumita dito hanggat marami kang mahihikayat na tao na sumali, at inaakit ang mga tao sa mga success story umano ng mga miyembro. Na sa totoo ay mahirap kumita dito at naloloko lamang at nababaon sa utang at nagkakalokohan kaya’t pati ang mga pamilya o mga kaibigan na nahihikayat ay nagkakagulo at nagiging dahilan upan masira ang relasyon. Halimbawa: May alok galing sa isang kaibigan, ang sabi ay may “magandang sideline business” na madaling kumita ng pera. Maging member ka lang at mag refer ng mga kaibigan na sumali at makakatanggap ka ng mga porsyento na kikitain bukod pa sa mga produkto na maibebenta. Pagkatapos ay hindi na magpapakita ang nag alok at ang seller saiyo at naiwanan ka lang ng napakalaking inventory, mga utang at mga madaming produkto na nabili mo. 【Mga puntos upang maiwasan maging biktima】 ・Kahit na kakilala ang nag-alok, huwag ng tanggapin ang offer. ・Huwag magtiwala sa matamis na salitang “madaling kumita” at huwag pumirma ng kontrata. ・Huwag agad-agad maniwala sa mga offer ng business investments. ・Kapag may napansin na kahinahinala sa inaalok, kumunsulta agad sa ibang tao. Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo! Customer Hotline TEL: 188 ※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « 2017 Mie Job Kids Caravan in Matsusaka Sobun Purple Light Up 2017 ~Kampanya Upang Puksain ang Karahasan Laban sa Kababaihan~ » ↑↑ Next Information ↑↑ 2017 Mie Job Kids Caravan in Matsusaka 2017/11/10 Friday Anunsyo 2017 三重ジョブ キッズキャラバンin松阪 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Gaganapin sa Matsusaka area ang karanasan sa pagta-trabaho para sa mga bata na sumikat noon pang 2015, ang Mie Job Kids Caravan – Out of Kidzania~. Sa pamamagitan ng pag-experience ng mga bata ng isang unique na trabaho sa Mie ken, matatanto ang halaga at kasiyahan ng trabaho at mararanasan na mae-enjoy ang makukuhang sweldo na tinatawag na “Meets” na magagamit sa pang shopping, atbp. Mangyaring sumali sa event na ito! Sinong maaaring lumahok:Elementary at Middle school Students Araw at Oras ng Event: December 2, 2017 (Sabado) 10am~4pm (Reception starts: 9:30am) Lugar: Pagkatapos dumaan sa reception, ihahatid sa lugar ng pagraranasan na trabaho. General Reception:Chubu Dai Undokoen dai 1 Parking Lot (Mie Ken Matsusaka-Shi Tateno Cho 1370-Banchi) Satellite Reception:Matsusaka City Hall Parking Lot (Mie Ken Matsusaka Shi Tonomachi 1340-banchi 1) Nilalaman ng event: Advance reservation: Matsusaka’s history and culture: Trabaho sa manufacturing Matsusaka beef meat, traditional craftsmen (Matsusaka moomin), Matsusaka merchant’s hall atbp. Trabaho sa siyudad: policemen, firefighters, bank staff, atbp. Trabaho sa Media: TV casters, newspaper reporters, atbp. (2) Application sa venue sa araw ng event: Pag-distribute ng newspapers, flyers, atbp. Capacity: 700 katao Participation fee: 500yen o 200Yen kada experience (May mga programs na may karagdagang bayad sa materials) Free Entrance: hindi kinakailangan magpa-reserve para sa mga bisita Paraan ng reservation: Tatanggap ng application sa nakalaan na homepage at reservations via phone. https://www.mie-caravan.com/ (Umpisa ng reception: simula 10 am Wednesday November 1, 2017) Application-specific phone: 059-224-2162 (Umpisa ng reception: simula November 14, 2017, 9 am) ※ Reservation deadline: Friday, November 24, 2017 hanggang 5pm Ang pagtanggap ng application sa telepono ay simula 9am hanggang 5pm on weekdays. Isasara ang pagtanggap kapag napuno na ang capacity limit. Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Koyo Keizai-bu Koyo Taisaku Kanai Mie Job Kids Caravan Jimukyoku (Mie Prefecture Employment Economics Department Employment Measures Division Mie Job Kids’ Caravan Secretariat) TEL 059-224-2162 FAX 059-224-2455 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp