Mga pag-iingat tuwing paglagay ng bata sa sasakyan お子様を車に乗せる際の注意事項について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/10/06 Friday Kaligtasan Ang mga batang nasa 6 na taong gulang pababa ay obligadong gumamit ng Child Seat Ang seat belt ay ginawa para sa mga adulto. Samakatuwid, kung ang isang bata ay nagsuot ng seat belt nang hindi ginamit ang Child seat, ang katawan ng bata ay maaaring hindi ma-protektahan ng maayos kapag nagkabanggaan at maaaring magkaroon ng malubhang pinsala sa leeg at iba pang bahagi ng katawan. Ang pagkandong ng bata ay maaaring hindi masuportahan ang bigat ng bata sa oras ng banggaan. Gayundin, ang pagkandong sa bata ay lubhang mapanganib. Tayo’y pumili ng child seat na naayon sa katawan ng ating anak. Hanggat maaari, isakay ang bata sa likod na upuan. Sa harap na passenger seat, ang inflated airbags ay maaaring makapinsala sa mga bata. Kapag gustong ikabit ang childseat sa harapan, mangyaring iurong ang upuan hanggan sa dulo at ikabit ang childseat ng paharap. Mapanganib ang pag-install ng childseat sa passenger’s seat ng nakatalikod. Kahit na ang air bag ay isang safety device, upang mabawasan ang pinsala ng pasahero sa oras ng banggaan, idinisenyo ito batay sa hugis ng katawan ng isang adulto, kaya hindi ito maaaring gumana ng maayos para sa mga bata na may maliliit na katawan at maaari pang madagdagan ang pinsala. Mangyaring gumamit ng child safety seat na tiyak na sumusunod sa National Safety Standards. Ang isang child seat na hindi sang-ayon sa National Safety Standards ay maaaring hindi makaka-protekta ng mga bata kapag nagkabanggaang. Ang kumpirmadong marka ng sang-ayon sa National Safety Standards ng child seat ay ang mga sumusunod na marka: (Halimbawa ng mga marka) ※Ang mga produkto na may mga numerong maliban sa 「43」 ay naaayon din. Mie Prefectural Police Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « (2017/10/01~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken (Oktubre 2017) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura » ↑↑ Next Information ↑↑ (2017/10/01~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken 2017/10/06 Friday Kaligtasan [2017年10月1日~] 三重県 最低賃金 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Halaga kada oras: ¥820 (25 yen na dagdag kumpara noong 2016) Araw ng Pag-issue: Oktubre 1, 2017 ※Para sa lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Mie. (Maliban sa mga taong may nakatalagang minimum wage) Para sa mga detalye, tumawag sa Mie Labor Bureau Salary Division (Mie Roudou Kyoku Chin Gin Shitsu)《TEL: 059-226-2108》 o magtanong sa pinakamalapit na Labor Standards Inspection Office (Roudou Kijun Kantoku) (Japanese only) Nakatala din ito sa homepage ng Mie Labor Office http://mie-roudoukyoku.jsite.mhlw.go.jp/jirei_toukei/chingin_kanairoudou/toukei/saitei_chingin/saitei.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp