(2017/10/01~) Pinakamababang Suweldo sa Mieken

[2017年10月1日~] 三重県 最低賃金

2017/09/29 Friday Anunsyo

Halaga kada oras: ¥820

(25 yen na dagdag kumpara noong 2016)

Araw ng Pag-issue: Oktubre 1, 2017

※Para sa lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Mie.

(Maliban sa mga taong may nakatalagang minimum wage)

Para sa mga detalye, tumawag sa Mie Labor Bureau Salary Division (Mie Roudou Kyoku Chin Gin Shitsu)《TEL: 059-226-2108》 o magtanong sa pinakamalapit na Labor Standards Inspection Office (Roudou Kijun Kantoku) (Japanese only)

Nakatala din ito sa homepage ng Mie  Labor Office

http://mie-roudoukyoku.jsite.mhlw.go.jp/jirei_toukei/chingin_kanairoudou/toukei/saitei_chingin/saitei.html

Gaganapin ang Sports Festa 2017

2017/09/29 Friday Anunsyo

2017年10月9日・スポーツフェスタ2017を開催します

Sa Mie Prefecture, magbubukas kami ng mga pasilidad nang walang bayad kada taon upang maranasan ang paglaro ng sports para sa pisikal na edukasyon. May mga kaganapan tulad ng iba’t ibang sesyon ng sports experience, quiz rallies, Blue sky flea market, magbebenta ng mga meryenda at minatamis, at mayroon kaming mga events na kung saan maaaring ma-enjoy ng mga bata at matatanda. Mangyaring pumunta at huwag mag-atubiling sumali sa amin.

Araw at Oras ng Event

October 9, 2017 (Lunes・Holiday)  10pm~4pm

Lugar

Mie Kotsu G Sports no Mori Suzuka (Mie Ken’ei Suzuka Sports Garden)

〒 510-0261 Suzuka Shi Misono-cho 1669

Nilalaman

Football field · Pool · Tennis court · Gymnasium Libreng entrance

Iba’t-ibang sports experience classes

Quiz rally (mga pwedeng sumali: Elementary school student o mas bata)

Mini Flea Markets · Families

Earthquake experience vehicle

Disaster prevention corner

Performance ng mga iba’t-ibang sayaw atbp.

Pagbenta ng pagkain ng mga restaurants

Pagbenta ng mga sporting goods atbp.

 

※ Bawat sports experience classes ay first come first serve basis. Mayroon din mga events na kinakailangan ng advance reservation para makasali kaya’t mangyaring tignan ang sumusunod na detalye sa URL:

Sports Festa’17  URL(Japanese only)

http://www.garden.suzuka.mie.jp/event/fas17

Makipag-ugnayan sa

Mie Kotsu G Sports no Mori Suzuka (Mie Ken’ei Suzuka Sports Garden)

TEL:059-372-2250

ADDRESS: 〒510-0261  Suzuka Shi Misono-cho 1669