Ang unang hakbang sa paghahanda para sa mga lindol ay mula sa Seismic Diagnosis

~家の無料耐震診断と補助金制度のご案内~


Sa prefecture at mga munisipal na bayan, ang “earthquake-proof diagnosis” na maaaring malaman kung paano i-secure ang bahay laban sa lindol ay isinasagawa nang walang bayad. Pagkatapos ng diagnosis, bibigyan ng mga subsidies kapag magsasagawa ng pag-aayos, pagpapatibay atbp kapag matugunan ang ilang mga kundisyon.

Samantalahin ang sistema at ang pagkakataong ito upang maayos ang inyong bahay upang maging earthquake proof at protektahan ang iyong sarili at ang mga nasa paligid mo.

Nilalaman ng subsidy system

[Libreng seismic diagnosis]

Target houses: Bahay na gawa sa kahoy na itinayo bago mag Mayo 1981

[Seismic retrofit design]

Suporta hanggang 160,000 yen para sa reinforced design kapag nakatugon sa ilang mga requirements.

[Seismic reinforcement work]

Suporta hangang 1.1 million yen para sa reinforcement works kapag nakatugon sa ilang mga requirements.

*Ang sistema ay nag-iiba depende sa siyudad. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa libreng pag-diagnose ng seismic at subsidy system, mangyaring kontakin ang tanggapan ng iyong lungsod / bayan.

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka
TEL: 059-224-2720
FAX: 059-224-3147

Animal Welfare Week Event

動物愛護週間イベントを開催します

Kada taon tuwing Setyembre 20 hanggang Setyembre 26 ay ang Animal Welfare Week. Ang Animal Welfare Week ay linggo upang palalimin ang interes at pag-unawa sa damdamin ng pagmahal ng isang hayop at kung paano maayos na maalagaan ang isang hayop.

Sa Mie prefecture, para sa animal welfare week, magsasagawa ng mga sumusunod na event. Maghihintay kami para sa inyong paglahok.

  1. Dobutsu Aigo DAY IN Mokumoku
    Petsa at oras: Setyembre 22, 2018 (Sabado) 10: 00-16: 00
    Lugar: Iga no Sato Mokumoku Tedzukuri Farm (Iga-shi Nishiyubune 3609)
    Nilalaman: Animal Welfare Class, “Animal Doctor” Experience, Paggawa ng “Thank you” meassage card para sa mga hayop, atbp.
    Presyo: Entrance fee 500 yen (magkapareho ang bayad para sa matatanda at bata, 0-2 years old: libre)
    Paalala: Hindi maaaring makapasok sa park kasama ang inyong alagang hayop.
    Iga no Sato Mokumoku Tedzukuri Farm URL  http://www.moku-moku.com/farm/
  2. Dobutsu Aigo DAY IN Asumairu
    Petsa at oras: Setyembre 23, 2018 (Linggo · Holiday) 10: 00-16: 00
    Lugar: Mie Ken Dobutsu Aigo Suishin Center (Asumairu) (Tsu-shi Morimachi 2438 – 2)
    Nilalaman: Dog and ​​Cat longevity awards ceremony, dog dance, (Asumairu) handmade corner atbp.
    Bayad: Libre
    *A dog waiting for a new owner ・ Meet the cat  halina’t samahan nyo kami!
    Asumairu URL: http://www.pref.mie.lg.jp/ASMILE/

[Makipag-ugnayan sa] (Japanese only)
Mie Ken Dobutsu Aigo Suishin Center
Address: Tsu-shi Morimachi 2438-2
Tel: 059-253-1238
Sarado: Tuwing Miyerkules / Sabado (maliban tuwing holidays), araw sa loob ng linggo na kasunod ng public holidays, New Year’s Holiday (Disyembre 29 – Enero 3)