(Enero/2017) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

県営住宅の定期募集について(平成29年1月募集)

2017/01/13 Friday Nilalaman, Paninirahan

kennei-jyutaku-ichi-gatsu-boshu

Panahon ng Aplikasyon: hanggang Enero 31, 2017 (Martes)

Simula Abril 1 ay maaring alamin sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay  (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/kenju/index.htm

Kahit kailan ay maari ninyong makita sa website na nasa itaas ang tungkol sa mga kuwalipikasyon sa pag-upa at ang mga paalala tungkol sa pag-upa.

Lahat ng impormasyon ay sa salitang Hapon.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon  Panahon ng pagpasa ngaplikasyon sa

post office 

Araw ng Bunutan  Unang arawng

pag-upa 

Abril  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Agosto Oktubre 1
Oktubre  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan  Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.
Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap)

Gaganapin ang Disaster Prevention Seminar para sa mga foreigners sa Suzuka City

2017/01/13 Friday Nilalaman, Paninirahan

鈴鹿市で開催される「外国人のための防災セミナー」について

gaikokujin-seminar-in-suzuka

Sa Mie Prefecture, ay magsasagawa ng disaster prevention seminars para sa mga foreigners at sa mga gustong sumuporta sa mga foreigners para matutunan kung ano-ano ang mga dapat gawin sa horas ng sakuna.

Ilan sa mga dayuhan na naninirahan sa syudad ay hindi nakakaintindi ng Japanese, at mayroon din na nakatira sa mga lugar na kung saan halos walang nangyayaring sakuna. Sa seminar, ay magsisikap na ipaalam ang disaster prevention consciousness upang makapagbigay ng oportunidad para mapalawak ang kaalaman tungkol sa disaster prevention at countermeasures para sa mga dayuhan na manganagilangan ng tulong tuwing may sakuna at abilidad na makakatulong sa sarili at sa ibang tao, at magiging taga-suporta sa mga biktima tuwing magkakaroon ng sakuna.

Araw at Oras   January 28, 2017 (Sat)   2pm hanggang 4pm
Lugar   Suzuka Shi Rodo Fukushi Kaikan (Suzuka-shi Kanbe Jishi-machi 388)
Nilalaman
(1) Lecture- Ang mga dapat gawin at mga preparasyon tuwing may sakuna.
(2) Practical experience: Katulad ng pag install ng temporary toilet at emergency food preparation.
Participants   Residenteng dayuhan at sa mga interesadong sumuporta sa mga dayuhan.
Participation Fee   FREE ※May ibibigay na Disaster friendly goods para sa mga participants.
Capacity   30 persons
Paraan ng pag-apply   Punan ang application form na naka-attached ng PDF File at ipadala by fax o di kaya mag-apply through e-mail.
Deadline ng pag-apply   January 26, 2017 (Thu) hanggang 5pm
*Kapag napuno na ang capacity ay maaring itigil na ang pagtanggap kahit hindi pa araw ng deadline.

Paki-tignan ang link na nakasaad sa ibaba para sa application form at iba pangdetalye.
外国人向け防災セミナー PDF申込書
Disaster Prevention Seminar for para sa mga dayuhan PDF Application Form

InquiryApplication
Koeki Zaidanhōjin Mie ken Kokusai Koryu Zaidan
Lugar: Tsu Shi Hadokoro Cho 700 Ast Tsu 3F
Tel: 059-223-5006 (Oras ng tanggapan: Weekdays 9am hanggang 5pm)
Fax: 059-223-5007  Email: mief@mief.or.jp

Atbp.

Magsasagawa din ng training para sa Foreign supporter sa mga dayuhang marunong mag Japanese.
Araw at Oras: January 29, 2017 (Sun) 10am hanggang 3pm
Lugar: Kuwana Shi Oyama Community Plaza
Naghahanap din kami ng partisipante para sa training na ito. (Mag-inquire sa Kokusai Koryu Zaidan)

 

fil-front

 

fil-back