(Enero/2016) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

県営住宅の定期募集について (平成28年1月募集)

2016/01/07 Thursday Nilalaman, Paninirahan

ken'ei.jyutaku-2016-1

Panahon ng Aplikasyon: Enero 5, 2016 (Martes) hanggang Enero 31, 2016 (Linggo)

Simula Abril 1 ay maaring alamin sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay  (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/kenju/index.htm

Kahit kailan ay maari ninyong makita sa website na nasa itaas ang tungkol sa mga kuwalipikasyon sa pag-upa at ang mga paalala tungkol sa pag-upa.

Lahat ng impormasyon ay sa salitang Hapon.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon  Panahon ng pagpasa ngaplikasyon sa

post office 

Araw ng Bunutan  Unang arawng

pag-upa 

Abril  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Agosto Oktubre 1
Oktubre  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan  Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero  Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.
Sa mga katanungan: Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa salitang Hapon lamang maaring makipag-usap)

Alamin ang kultura mula sa ibat ibang bansa

2016/01/07 Thursday Nilalaman, Paninirahan

いなべ市で多文化共生啓発イベントが開催されました。

Image1Dito sa Mie Prefecture, maraming mga dayuhang ang naninirahan subalit may pagkakataon din na hindi nagkakaunawaan sanhi ng pagkakaiba sa kaugalian at kultura ng bawat bansa.

Isinasagawa ng Mie Prefecture ang taunang event na ito para maisakatuparan ang pagkakaroon ng isang multikulturang pamayanan na may pagkakaunawaan ang mamamayan mula sa ibat ibang bansa at tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa. Sa event na ito, ipinakilala ang masasayang kultura ng bawat bansa, pagsubok sa mga internasyonal na laro dahilang upang magkaroon ng malapit na pagkakaugnayan ang mga Japanese at dayuhan.

Bukod dito, ang mga junior high school students ay nagtanghal ng kanilang aktibidad bilang ambag sa internasyonalismo na talaga namang naramdaman ang positibong pakikipag-ugnayan nito sa ibang bansa.

[Interview 1  – Yamamoto Kazumi, Mie Multicultural Affairs Division] Image2

「Sa Mie, humigit kumulang sa 40 na libong dayuhan ang naninirahan dito. Sa porsiyento ng bilang ng dayuhan sa buong Japan, pangatlo ang Mie. Ang ganitong event ay isinagawa para ang mamamayan sa komunidad at ang dayuhan na naninirahan sa komunidad na ito ay magkaisa at magkaroon ng pagkakaintindihan ng kultura ang bawat isa.」

Si Tokusan na isang clown ay nagpamalas ng palaro at sayaw na siyang nagbigay kasiyahan sa mga tao.

Image3[Interview 2 –Tokuchan Clown(payaso]

「Nakita nyo naman na sa pamamagitan ng sayaw, masayang nagkakaisa ang mga Japanese at dayuhan. Nagsasayaw ang lahat at sumasabay sa tugtog ng musika ng Espanya.」

Ang pagtatanghal ng Capoeira mula sa Brazil ay tumanggap ng malakas ng palakpak mula sa mga manonood.  Ang grupong ito ay binubuo ng mga miyembro mula sa ibat ibang nasyonalidad.

[Interview 3 – Fukumoto Yumiko,  Estudyante ng Capoeira]Image4

「Maliit pa ang anak ko ng magsimulang sumali sa Capoeira at habang pinagmamasdan ko siya ay nahikayat na rin akong sumali. Hindi lang ito sayaw, musika o sports, ibat-ibang bagay din ang nakapaloob dito na siyang  kaanya-anyaya sa Capoeira」

Si Mr. Faukaun ang guro na nagtuturo sa miyembro at siya rin ang nagpamalas nang tradisyonal na sining ng Brazil sa pamamagitan ng Capoeira.

Image9 [Interview 4 – Falcao, Capoeira Camara]

「Japanese, Portuges at Ingles ang ginagamit namin sa pagsasanay ng Capoeira. Sa Capoeira, ibat ibang kultura ang nagsasama-sama at ang mga miyembro ay nagpamalas ng lubos na pagsisikap para matutunan ang ibat ibang wika. Ang Capoeira ng Brazil ay hindi lang isang martial arts, may kaugnayan din ito sa kultura ng ibang bansa. Iniuugnay ito sa ibat ibang kultura katulad ng wika, musika at sayaw.」

May nagpakilala rin ng kultura ng Tsina. Dito lang maaaring masilayan ang  musika na hindi pa naririnig sa pang-karaniwang araw.

Sa paggawa ng green tea, may mga Intsik rin na sumali para subukan ang kulturang ito ng Japan.

 [Interview 5 – Chao Yang, Mie Multicultural Affairs Division]Image5

「Maraming mga Intsik ang nakatira sa Mie at kung mas pagbubutihin pang lalo ang ugnayan ng Japanese at Intsik, magiging maganda ang resulta nito para mas  palawakin ang unawaan tungkol sa multikulturalismo.」

Sa pagpapakilala ng mga kultura, sabay ding ipinalabas ang pagtatanghal ng mga junior high school ng Inabe City tungkol sa 「Volunteer activity nila sa ibang bansa」at 「Kuwento tungkol sa International Exchange」ng mga estudyanteng kolehiyo na pawanag  nakatira sa Inabe.  Kawili-wiling pakinggan ang naranasan ng mga taong nagtanghal.

Image6Sa huli ay ipinalabas ang pinaka main attraction event na Zamba show.  Sa tradisyonal at pinakasikat na sayaw na Zamba ng Brazil,  kumakanta ang sikat na mang-aawit habang nagsasayawan at nagpapalakpakan ang lahat.

Ang grupong ito binubuo ng Japanese at Braziliano na nagtatanghal sa ibat-ibang lugar para lang sumayaw ng Zamba. Isang katibayan ito ng magandang pagkakaibigan kahit pa sabihing magkaiba ang kanilang kultura.

[Interview 6 – Ishihama Fusako, Unidos do Samba]Image7

「Maraming mga impormasyon ang maaring makita sa internet at TV subalit maraming pagkakataon at pamamaraan para alamin ang kultura ng ibang bansa at kung panonoorin ito ng personal, mas mapapabilis ang unawaan ng bawat isa. Sa araw na ito, napakalaking bagay ang dulot ng event na ito.」

Isa sa mga miyembro namin ay Japanese pero bilang isang propesyonal nagtatanghal siya sa buong Japan para sumayaw ng Zamba. Malaki ang interest niya sa kultura ng Brazil.

Image10[Interview 7 – Yukie (Dancer), Unidos do Samba]

「Noon pa man ay gustong gusto ko na talaga ang sumayaw at dito ko nakilala ang teacher ko sa Zamba at iyon ang naging dahilan kung bakit nagsimula akong sumayaw ng Zamba.

Gusto mo ba ang kultura ng Brazil?

「Gustong gusto ko pero marami pa rin akong gustong pag-aralan.」

Ang nais na ihatid na mensahe sa event na ito ay  ~Ugnayang magsisimula sa inyong ngiti~

Dahil sa mga dayuhang nakatira sa iisang komunidad na kumilala sa pagkakaiba ng mga kultura, maaari mawala ang pader at masamang opinyon tungkol sa Image12kanila, mapaunlad ang multikulturalismo para makabuo ng isang mapayapang pamayanan. Sa pagdalo nila sa event na ito kahit pa sabihing hindi kilala ng mga tao ang kultura ng ibang bansa, maaaring nakabuo sila ng magandang pakikipag-kaibigan sa mga taong mula sa ibang nasyonalidad na may kakaibang kultura.

[Interview 8 – Yamamoto Kazumi, Mie Multicultural Affairs Division]

「Kaming mga Japanese, maaaring kilala namin ang aming sariling kultura, subalit may mga ilang bahagi na hindi natin maunawaan tungkol sa kultura ng ibang bansa. Isang rin pagkakataon ang event na ito para alamin ang ibat-ibang kultura. At bilang mamamayan ng lipunan, sikapin paunlarin ang komunidad at alamin ang tungkol sa kultura ng ibang bansa at pagandahin ang estado ng lipunan kaya may mga event na katulad nito.」