Tungkol sa tulong ng mga kailangang bayaran para sa enrollment 小中学校に通うお子さんを持つ保護者の方へ 就学に必要な費用の援助について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/02/16 Friday Edukasyon Para sa mga magulang na may mga anak na pumapasok sa elementarya at junior high school Para sa mga may problema sa gastusin ng compulsory education ng anak (elementarya at junior high school), ang bawat lungsod ay nagbibigay ng tulong para sa mga gastos na kinakailangan para sa pag-enroll. Kailangan mong mag-apply para makatanggap ng tulong. Ang mga gastusin na kasali sa tulong na matatanggap ay ang mga sumusunod. <Ang mga kasali sa tulong(halimbawa)> School Supplies / Pamasahe papunta sa School (kasama na ang mga miscellaneous School Supplies) School lunch fee Bayad sa Extracurricular Activity Bayad sa School trip, atbp. <Dokumento sa aplikasyon> Ang mga form ng aplikasyon ay maaaring makuha sa elementarya at junior high school at board of education. Ang destinasyon ng pagsusumite at ang deadline ay magkakaiba din sa bawat bayan at lungsod. Ang mga nagnanais na makatanggap ng tulong ay dapat kumonsulta sa elementarya at junior high school at mga komiteng pang-edukasyon ng mga munisipyo sa lalong madaling panahon. Kinakailangan din mag-apply kada taon. Kung nais mong magpatuloy hanggang sa buong taon ng 2018, kakailanganin mong mag-apply muli. <Mga kondisyon upang makatanggap> Upang makatanggap ng tulong, kinakailangang matugunan ang mga kondisyon at pamantayan ng bawat lungsod. Dahil magkakaiba ang mga kondisyon at pamantayan depende sa bawat lungsod, mangyaring makipag-ugnay sa board of education ng bawat lungsod. Para sa reference, ang mga kondisyon ng Suzuka City ay nakalista sa ibaba. ※Sanggunian※ Kapag sa Suzuka Ang mga nakatira sa Suzuka City, ay makakasali sa alinmang mga sumusunod sa taong 2017 o 2018 ① Ang mga taong tumigil o nawalan ng seikatsu hogo o welfare. ② Ang mga tao na may tax exemption o pagbabawas o exemption mula sa citizen tax ③ Ang mga tumatanggap ng allowance support ng bata ④ Ang mga nahihirapan na mga magulang na makapagbayad ng gastusin na kailangan para sa pag-enroll dahil sa mga espesyal na dahilan o sitwasyon. ※Sanggunian Basehan ng halaga ng kinikitang sweldo para makatanggap ng tulong Halaga ng standard income 2 Household 3 Household 4 Household Household total income Humigit-kumulang 1.91 milyong yen Humigit-kumulang 2.48 milyong yen Humigit-kumulang 3.21 million yen ※Dahil ito ay pamantayan ng taong 2017, maaari itong mabago. Ang pamantayan ng pagkalkula ay mag-iiba depende sa bilang ng mga sambayanan, edad, atbp. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~ Gaganapin ang Ise City International Exchange Festival » ↑↑ Next Information ↑↑ Halina’t kilalanin ang Mie ~ Ang orihinal na tanawin sa Japan, ang magandang tanawin ng Ise Shima ~ 2018/02/16 Friday Edukasyon 三重を知ろう ~ 日本の原風景 伊勢志摩の素晴らしい景色 ~ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Maraming lugar sa Mie Prefecture kung saan maaari mong matamasa ang kalikasan at kultura. Ang Ise Shima, na pinili bilang isang lugar para sa Ise Shima Summit noong 2016, ay itinalaga bilang Ise Shima National Park, at mayroong magagandang kalikasan na maaaring sabihin bilang orihinal na landscape ng Japan. Ito ay magandang lugar na kilala bilang lugar ng kapanganakan ng Ise Shrine, Sea lady culture at Pearl farming, ang lugar na ito ay isa din lugar kung saan minana ang tradisyonal na kultura at mga kagawian. Sa panahong ito, ang accompanied tour ng lugar kung saan makakakuha ka ng mga larawan na nais mong ipadala sa social media atbp, ang “Insta Meet @ Ise Shima Kokuritsu Koen”, ay isang paraan upang maipakilala ang kagandahan ng Ise Shima sa pamamagitan ng paglagay ng contents o larawan sa social media. Gayunpaman, kung hindi mo pa alam ang tungkol sa Ise Shima, mangyaring pumunta at bisitahin ang lugar na ito. Maaari mong masilayan ang tunay na magagandang tanawin at kultura. Asamayama (Asama Mountain) Una sa lahat, dadaan muna mula sa skyline ng Ise Shima na kumukonekta sa lungsod ng Ise at Toba City. Mayroong babayaran sa toll gate na 1250 yen (para sa normal na kotse), Gayunpaman, ang mga madadaan ay mayroong magagandang tanawin na maari ninyong ma enjoy. Ang unang bibisitahin na mula sa direksyon ng lungsod ng Ise ay ang Asama Mountain Observation Deck. Ito ay isang inirerekumendang lugar kung saan maaari mong makita ang isang napaka-ganda at kahanga-hangang tanawin. Ang Asama ay matatagpuan sa Ise Shima National Park at isang Mie sightseeing spot na napili rin para sa isang daang mga landscape sa Japan. Ang bundok na ito, na masisilayan ang unang pagsikat ng araw, ay kilala bilang sagradong bundok ng Ise Shima. Mula sa observation deck sa summit na may taas na 555 m above sea level, maaari mong makita ang mga isla na nakapaligid sa Ise Bay. Kapag maaliwalas ang panahon, maaari mong makita ang Southern Alps at Mount Fuji. [Interview- Kobayashi Atsushi- Gifu Ken] 「Pinagpala ako na maaliwalas ang panahon kaya’t ako ay talagang namangha sa kagandahan ng landscape at nakakuha ng magagandang litrato. Talagang kakaiba sa ganda ang lugar, kahit ilang beses pa pumunta dito hindi magsasawang kunan ng ulit ng litrato.」 Masaya ka ba na nakapunta ka dito? 「Oo naman, syempre.」 Maaari mo ring ma-enjoy ang footbath na nasa tuktok ng bundok. Website: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_1609.html Google Map: https://goo.gl/maps/Cw3jnqy1jJm Kongoshoji (Kongo temple) Ang susunod na lugar ay ang Kongoshoji (Kongo temple) na matatagpuan malapit sa Asakuma Mountain Observation Deck. Libre ang pagpasok. Ito ay isang templo na pinoprotektahan laban sa demonyo ang dambana ng Ise, ito ay ang sinasabing dambana ng Shinto shrine, Ang mga taong pumupunta galing sa pilgrim ay may kinakanta sa dambana ng Ise na `O Ise mairaba Asama o kake yo, Asama kakeneba katamairi’ na ang ibig sabihin ay 「Kapag pumunta ka sa Ise, suutin ang Asama kimono, kapag sinuot mo ito, pupunta ako sa lalong madaling panahon.」 Ang outer red vermillion at ang inner gold foil ay napaka-ganda. Ang main hall ay nakalaan para sa mga importanteng kultural na pag-aari ng bayan. Website: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3035.html Google Map: https://goo.gl/maps/mzua2FVt6nP2 Ago Wan (Ago Bay) Sa patuloy na paglakbay sa Ise Shima skyline ay mararating ninyo ang Toba City. Andyan ang Kashikima harbor sa Shima City, mga 40 minuto sa pamamagitan ng kotse mula sa Toba City. Dito maaari mong matamasa mula sa isang bangka ang maganda at natatanging Ago Wan. Ang presyo ay mula sa 1,400 yen kada isa. Matatagpuan din ang Ago Wan sa Ise Shima National Park at nagtatampok ng Rias coast na may complex na coastline. Ang produksyon ng mga perlas ay umaasenso, na nagshi-ship ng perlas mula sa 8th century. Mula sa simula ng pearl fish farming technology hanggang sa katapusang ng 19th century, ang lugar na ito ay ang pangunahing sentro ng produksyon ng pearl farming. Ang napakaraming mga isla at peninsula na lumulutang sa iba’t ibang porma ay may magagandang anyo na hindi maipapahayag sa salita lamang. Magandang ma-capture din ito sa isang litrato, ngunit ang mga tanawin na makikita mo ay tiyak na mananatili sa iyong isipan. Website: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_6701.html Google Map: https://goo.gl/maps/9KtvxKbmFjx Kirigakitenbodai (Kirigaki Observatory) Ang huling ipapakilala ay ang Kirigakitenbodai. Ito ay isang lugar na maaari kang kumuha ng mga magagandang litrato sa buong taon, ngunit ang tanawin tuwing hapon ay ang mas inirerekomenda. Ang Kirigakitenbodai ay isang observation deck na matatagpuan sa silangang bahagi ng Ago Bay, Kashikojima sa bandang kanan, Makazakijima sa harap at Maejima Peninsula sa bandang kaliwa. Maraming mga mahuhusay na photographer ang bumibisita sa lugar na ito dahil sa kakaibang view tuwing paglubog ng araw sa lungsod ng Ise Shima. Ang kagandahan ng tanawin ng Ago Wan na kung saan napakaganda ng kulay tuwing sunset ay mas maganda kapag personal na masisilayan ang lugar. Mangyaring pumunta dito kapag bibisita sa Ago Wan. Libre ang parking lot. [Interview- Manabe san-Shiga Ken] 「Ngayong araw, pumunta ako dito para kumuha ng litrato ng sunset, kanina hindi ako makakuha ng magandang litrato dahil natatakpan ito ng ulap. Pumunta ako banda dito, at naging maayos naman ang daloy ng ulap kaya’t nakakuha ako ng magandang litrato. Maganda ang lokasyon kaya’t inirerekomenda ko para sa mga gustong kumuha ng litrato.」 Website: https://www.iseshima-kanko.jp/spot/1338/ Google Map: https://goo.gl/maps/fnm8cynG7e52 Sa video na ito, ipinakilala namin ang maliit lang na parte ng Ise Shima. Bukod pa dito ay may madami pang mga “Insta Shine” spots. Sa Ise Shima National Park, ang proporsiyon ng pribadong lupain ay napakataas, 96% kumpara sa iba pang mga pambansang park, at napakaraming tao ang namumuhay na mayaman sa kasaysayan, kultura, at kaugalian ng mga lokal na tao. Ito ay isang tampok na maaaring mas maintindihan pa ng husto. Mayroon ding magagandang nature pati na rin ang natatanging pagkain ng rehiyon, makasaysayang mga tindahan ng templo, theme park at resort hotel, at isang lugar na nakakatugon sa mga magkakaibang pangangailangan tulad ng magpapamilya, magkakaibigan, o solo sa paglalakbay. Mangyaring pumunta sa Ise Shima at masilayan ang kagandahan ng lugar. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mie, Tignan ang section ng Mie Info na (Mie wo Shiro) “Let’s learn about Mie”. Isama ang buong pamilya o kaibigan at tignan ang kagandahan ng Mie Prefecture. http://mieinfo.com/ja/category/mie-o-shiro Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp