High School [Education Series]

[教育シリーズ⑥] 高等学校

2014/01/27 Monday Edukasyon, Edukasyon

Ang high school sa Japan ay tinatawag na koutou gakkou sa wikang Japanese, o sa mas kilala at simpleng tawag na koukou. May higit na 90% ng Japanese Citizens ang pumapasok sa high school. Katulad ng elementary at middle school, mayroong national, public (halimbawa, prefectural at municipal) at private schools. Limitado lamang ang bilang ng schools na kung saan pwedeng mag apply depende sa region ng inyong tinitirhan. Ang high school education ay hindi compulsory at kayo ang magiging responsable sa pagbabayad ng school registration fees, class fees at iba pang mga bayarin sa textbooks.japanese-high-school-koukou

  1. Para sa pag-apply sa high school

Upang makapasok sa high school kinakailangan muna makapasa sa entrance exam ng paaralan. Para sa prefectural high schools ng Mie Prefecture, mayroong mga iba’t-ibang enrollment periods kung saan ang mga prospective students ay kailangan kumuha ng exam o di kaya mag-attend sa interview: zenki senbatsu (bandang February) at kouki senbatsu (bandang March). Mayroon din mga schools na may enrollment periods at exams para sa particular na grupo ng students, katulad ng non-Japanese students. Para sa iba pang impormasyon, mangyaring magtanong sa school teacher ng iyong anak o di kaya mag-access sa Mie Prefectural Board of Education homepage.

  1. Qualifications

Kapag nakatakdang mag-graduate ng middle school sa Japan, o di kaya ay may educational background na equivalent o di kaya mas mataas sa Japanese middle school graduate, ay magiging qualified na makakuha ng high school examinations. Kapag nag-graduate ng middle school sa labas ng Japan ay nararapat mayroong proof of graduation. Kapag mag-aaply naman ng full time prefectural high school ay kinakailangan na ikaw, at ang magulang at guardian ay residente ng prefecture. Kapag naman maga-apply ng part-time prefectural high school ay kinakailangan nagta-trabaho o nakatira sa loob ng prefecture.japanese-high-school-koukou-ii

3. Types of High School

Kailangan makipag-usap kung anong klaseng high school ang gustong pasukan sa inyong mga magulang at middle school teacher.

(1) Subject
Ang school courses ay nahahati ng regular courses, technical courses (katulad ng manufacture, commerce at agriculture) at comprehensive courses.

(2) Programmes

Ang schools ay nahahati ng full-time, part-time at correspondence base sa numero ng oras ng klase na kailangan.

Full-time Pagpasok ng school sa araw. Pag-aaral ng three years.
Part-time Pagpasok ng school sa gabi (o kaya sa araw). Pag-aaral ng higit sa 3 years.
Correspondence Pag-aaral sa bahay (na may schooling twice a month)
  1. Buhay sa High School

Sa loob ng school year ay may iba’t-ibang mga school events, karamihan ng mga schools ay napaka aktibo sa mga extracurricular activities na isinasagawa pagkatapos ng klase o di kaya sa weekends. Tungkol naman sa nilalaman ng mga lessons ay napaka-mahirap pag-dating sa high school level, kaya’t kinakailangan maging dedikado sa pag-aaral. Ang high school ay hindi parte ng compulsory education system kaya’t kapag ikaw ay nagkaroon ng mababang grades ay maaring hindi ka makapasa at makapag-advance sa susunod na grade o di kaya maka-graduate.

Sa positibong pagsulong ng kada pagsubok na mahaharap kasama ng inyong mga kaibigan, ikaw ay magkakaroon ng fulfilling na 3 taon ng high school. Magkaroon ng malinaw na pananaw sa inyong future at magpursige na matupad ito sa high school!japanese-high-school-koukou-iii

Para sa impormasyon tungkol sa high school entrance exams sa 2014, paki-tignan sa ibaba:

◇ (Japanese language) 2014 Mie Prefectural High School Entrance Exam Implementation Outlines at Outlines para sa Recruitment ng Students ng Mie Prefectural Special Support Schools (Mie Prefectural Board of Education)

http://www.mie-c.ed.jp/koukou/boshu/h26/index3.html

◇〈Japanese language〉Sulat sa middle school students at kanilang mga parents o guardians: Aiming for Prefectural High School (Mie Prefectural Board of Education)

http://www.mie-c.ed.jp/koukou/boshu/h26/mezase.pdf

◇〈Japanese language〉Mie Prefectural High School Guide (Mie Prefectural Board of Education)

http://www.mie-c.ed.jp/rainbow/index.html

◇〈9 languages available〉 Guidance for Entering High School Guidebook(Mie International Exchange Foundation MIEF)

http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html

Elementary at Middle School Life (2)

2014/01/27 Monday Edukasyon, Edukasyon

[教育シリーズ⑤]小学校・中学校での生活(パート2)

Ang pasukan sa japanese school ay nagsisimula kada taon tuwing April at nagtatapos tuwing March ng susunod na taon. Maraming naka-linya na iba’t-ibang events sa buong taon, ipapakilala namin ang ilan sa mga events na ito.1

Main School Events

《Entrance Ceremony (Nyuugaku Shiki)・Graduation Ceremony (Sotsugyo Shiki)》

Ang mga estudyante na mage-enroll o magga-graduate at ang kanilang mga magulang ay dadalo sa event na ito ng naka-formal attire.

《Opening Ceremony (Shigyo Shiki)・Closing Ceremony (Shugyo Shiki)》

Magkakaroon ng isang opening ceremony tuwing simula ng bawat term at closing ceremony naman sa bandang huli. Magbibigay ng notification table sa closing ceremony.2-1

《Physical Measurement (Karada Sokutei)・Health Examination (Kenko Shinda)》

Susukatin ang development ng height at timbang atbp. ng mga bata at ang doctor ay magda-diagnose ng estado at katayuan ng kalusugan ng mga bata.

《Home visit (Katei Homon)》

Ang guro ng paaralan ay bibisita sa bahay ng bawat estudyante para malaman ang kondisyon ng kanilang home environment.

《Indibiduwal na pagkunsulta (Kobetsu Sodan)》

Ang pagkunsulta sa school ng estudyante sa kanilang guro tungkol sa kanilang pag-aaral o personal na mga bagay.5

《Class Attendance (Jugyo Sankan)・Class Discussion Meeting (Gakkyu Kondan Kai)》

Makikita ng mga magulang ang kalagayan sa loob ng classroom. At sa karagdagan, ang mga magulang at teacher na in-charge ay maaring makapag-usap tungkol sa performance ng estudyante sa school at mga kalagayan sa kanilang bahay.

《Athletic Meet (Undokai)・Sports Festival (Taiiku Taikai)》

Ito ay isang event na kung saan mag-eenjoy sa mga physical activities tulad ng relay, short distance relay, dancing, atbp. at makakapag supporta din sa ibang mga classmates at kaibigan. Depende sa eskwelahan, ay maaring makapag-participate din ang mga magulang.

《School Play (Gakugei Kai)・Culture Festival (Bunka Matsuri)》

Magkakaroon ng exhibit sa mga nilikha at study reports na ginawa ng mga estudyante, magkakaroon din ng mga performance presentations, pagtugtog ng mga instrumento, theater, atbp.

《Excursion (Ensoku)・Feild Trip (Shakai Kengaku)》

Sa pag-labas ng school ay mapag-aaralan ang mga bagay na hindi mapag-aaralan sa loob ng classroom, tulad ng kalikasan, kasaysayan at mga pamilyar na kultura.japan-school-life-4

《School Trip (Shugaku Ryoko)》

Kapag nasa pinaka-mataas na na grade level, ay nagkakaroon ng mga event na kung saan may mga accomodations para sa lahat ng mga estudyante. Bibisitahin ang mga iba’t-ibang lugar, facilities at magkakaroon ng mga hands-on activities.

Ang mga detalye tungkol sa pangalang ng school event, mga impormasyon, at kung saan at kailan ay nag-iiba depende sa paaralan. Mangyaring kumunsulta sa teacher ng inyong paaralan para sa mga detalye.

*Ang video na ito ay ginawa ng Mie ken Kyoiku Iinkai (Mie Prefecture Board of Education) na ginawa base sa 『「Nihonggo no Gakko wa, Konna TokoroGaikoku Jin-to Hogosha no Tame no Gakko Guidance(Link Chofu)